[ Chapter 18 ]
Kanina pa nagkukwentuhan ang dalawa habang nananahimik lamang si Juventas sa kanyang inuupuan. Napatitig siya sa dalampasigan, gusto niyang pumunta doon at maglakad lakad.
"If you want to go there, you can go" aniya ng binata.
Humarap sa kanya si Juventas at umayos ng upo.
"'Wag na ho Señorito "
"Are you sure? Pwede kitang samahan kung gusto mo"
Mabilis na umiling si Juventas.
"Sige na Juvy. Sumama ka di ba para mag aliw-aliw" litanya ng kanyang tiyuhin.
Aayaw pa sana siya ngunit hindi na siya binigyan ng pagkakataon ni Marion na sumagot kaya wala siyang nagawa kundi ang sumunod sa sinabi nito. Gusto din naman niya ang pumunta ng dalampasigan kaya lihim na lamang siyang napapangiti sa kanyang sarili.
"Are you sure? Pwede kitang samahan kung gusto mo" pang-gagaya ni Marion sa sinabi kanina ng kaibigan.
Masamang tingin ang ipinukol sa kanya ni Reav'n.
"Come on Ren, be honest with me. Type mo ba ang pamangkin ko?" Diretsahang tanong nito.
Reav'n look at him with his usual poker face. Hindi niya alam kung ano ang iniisip ngayon ng kanyang kaibigan.
"It's not nice to joke around about something like that" he coldly said.
Sumandal si Marion sa kanyang upuan habang may ngising nakaukit sa labi nito.
"Bakit, Natatakot ka bang buhayin ang matigas mong puso ng pamangkin ko? There's nothing wrong kung may nararamdaman ka sa kanya—I would gladly accept you as one of our family"
Reav'n frowned. "Pwede ba, tumigil ka sa kakasalita ng ganyan sa likod ng pamangkin mo. Hindi mo ba alam na may boyfriend siya?"
Mas lalong lumapad ang ngiti ni Marion dahil sa sinabi ni Reav'n.
"Eh paano kung sabihin ko sayo na naghiwalay na sila?"
Isang katahimikan ang bumubuo sa pagitan nilang dalawa ngunit hindi ito nagtagal agad naman itong nawala.
"Could you please shut your goddamn mouth? Hindi ako pumunta dito para dyan"
Itinaas ni Marion ang kanyang dalawang kamay na tila bang sumusuko.
"Alright, my bad—nakalimutan kong nandito pala tayo para mag-catch up" Sabi nito at binaba ang dalawang kamay.
"So, how's life?" Panimula ni Marion.
"It's fine"
"You always says fine even though hindi naman maayos"
"My life is fine Marion, you should worry about yourself. Hanggang ngayon hindi ka parin nag-aasawa—may balak ka bang maging isang matandang binata?"
"Wow! Bakit ikaw hindi pa nagkaka-girlfriend ngayon?"
Umiwas ng tingin si Reav'n.
Marion grinned. "May inaantay ka ba o may crush ka?"
"None of the above"
"Eeeeh? None?"
Tumango si Reav'n bilang sagot. Ayaw niyang sabayan ang mga tanong sa kanya ni Marion.
"Talaga? Wala ka bang naiisip na gusto mong makasama, gusto mong hawakan, gusto mong yakapin o gusto mong halikan?" Dagdag pa ni Marion.
Napaisip si Reav'n at isa lamang ang pumasok sa kanyang isipan na gusto niyang subukang yakapin ng napakatagal ngunit pinipigilan niya lamang ang kanyang sarili na wag gawin ito.
BINABASA MO ANG
Please Hire Me Señorito! - Trio Series #3 (Reav'n Krust)
RastgeleJuventas Freters was in her third year of college when she crossed paths with Reanzove Nikolai Krust-the first grandson and eldest son of the Krust family, where her father works. Despite being ten years older than her, he had a mysterious poker fa...