FEMI'S POV
"Umaga na *yawn* "
Nakatulala lang ako sa kisame. Parang ayoko pang pumasok... tinatamad ako.
Naiimagine ko pa lang ang school gusto ko ng mag uwian."Femi?"
"Maam! Masakit po ang tyan ko pwedeng umuwi?" tanong ko. Tingnan mo pati yung isip ko feeling ko may kumakausap sa akin sa school.
"HOYYY!"
napabangon ako bigla sa sigaw at laking gulat ko na si Ate Grace pala yung nasa may pinto ng kwarto at yung babaeng tumawag sa akin. Seriously sya pala yun akala ko nasa school ako.
"Gusto mo pa ata mapaglutuan ka ng almusal, Femi?''
''Talaga po?'' Bigla na lang ako nabuhayan sa tanong ni Ate Grace. HAY! Hulog talaga to ng langit.
Nakabusangot pa to habang nakatingin sa akin na parang ako ata ang uulamin.''Anong balak mo ngayong araw at baka sakaling mapagtimpla pa kita ng kape?''
"Mag-aaply ako ng Trabaho....'' sagot ko at tila nakulangan pa ito sa sagot ko. ''Ngayon''
"YES!" sigaw nito at napa taas pa ng kamao. Aba! Akala ko talaga sya ang mag aapply, ako pala tas pumayag naman ako para sa kape lang na titimplahin nya.
''Pakisarapan naman ng kape oh!''
''Oo naman pati kapitbahay natin pagtitimplahan ko pa!'' sagot nito at maligayang lumabas sa kwarto ko. OH SH!T.
Hindi naalis yung ngiti nya sa labi matapos kong mag almusal ng pandesal at kape bago gumayak. Nakapagpaligaya pa pala ako ng tao sa pag aapply pa lang paano na kaya kung matanggap pa ko baka magulat ako nagpafiesta yan. Nagtanggal na ko ng libag, maayos na yung damit ko, at may dala na rin akong bimpo kung sakaling pagpawisan ako dahil lalakarin ko lang papunta roon at maiyak pa ko sa di pagtanggap sa akin kung sakali.
"Ate, una na ko"
'Sige h'wag ka na rin bumalik' nageecho pa yan sa utak ko. Parang ganyan ang isasagot sa akin eh. Isinuot ko na yung sandals ko.
"Sige ingat.." maayos na paalam nito.
''Hala! Expired na ata yung pandesal na nakain mo?''
''Di ah!kamuntikan ko ng maluwa yung kinain ko para lang masabi yun''
''Ay sorry ah!'' Sagot ko at umalis na.
Grabe nagmamadali na kong umalis aa bahay. Mukhang maykakaiba talaga sa kape ni Ate Grace feeling ko di na ko aabot ng mga 1hour. Biruin mo mukhang nilagyan ng pampapurga yung kape. Sumasakit na yung tyan ko kung kailan nakalayo na ko at medyo malapit lapit na ko sa pupuntahan ko.
Kalikasan h'wag muna please para maging epic failed ang pag aapply ko."0684... 0684.... Ayun... Ito y---" napatingala ako sa malakong gate na halos dalawa't kalahati ng tao ang laki. Nakakahiya pa ngang hawakan yung gate, mas malinis paata yung hawakan nito kaisa sa kutsara sa amin.
Tumulo na ata yung laway ko sa laki ng Bahay eh. Parang nakaligtaan na ng kalikasan na mag badya...
*bzzzzt* Bzzzzzzt*
hala! ehh wala naman akong pinipindot na Buzzer Ha? Napalingon ako at may pulang umiilaw sa gilid sa may mas maliit na gate. Lumapit ako at tinitingnan mabuti kung anong uri ng device yung nasa gilid ng pader
"Alvarez's Butler... Speaking?"
"I'm Femi Rhian Mendez po mag-aaply bilang Personal Maid.." sagot ko. Tae! Nagulat talaga ako sa boses na nanggaling doon. Naku prang di na ko nabuhay sa makabagong panahon buti naksagot ako ng maayos
BINABASA MO ANG
I'm Inlove with my Personal Maid (UNDER EDITING!)
Teen FictionSi Femi Rhian Mendez ay isang boyish at athlete na babae. Maganda sya kaya nag sideline sya bilang model na rin. Tinutulungan sya ng kapit bahay nila para makapagtapos sa isang sikat na Academy. Nagkataon na naging matindi ang pangangailan nya sa p...