Prologue

630 14 7
                                    

"Sai! Gosh this bitch! Hoy gising! Kanina pa ring ng ring yan cellphone mo!" Sai then stretched his right arm to grab his phone from the bedside table. Nang tingnan niya ang orasan ay mas a-alas dose na ng tanghali. Kaya pala panay ring na ang cellphone niya dahil hinahanap na naman siya ng papa niya.

"Pisti ba oy!" Sai cursed in Bisaya. He is from Visayas. He was forced to help his family with their business. Hotel casinos, not just here in the Philippines but also in some other countries in Asia. Malaki ang balik na pera kaya todo focus ang family nila para lang makuha ang mga malalaking investors. Nagbago ang lahat dahil sa isang bagong company, the Silvestre Hotels and Casinos. Ito ang bago sa business ng mga Silvestre. At simula nung makilala ang bagong business nila ay halos sa kanila na nag i-invest ang mga big investors na nililigawan ng company nila Sai. Kaya sobra ang galit ng Papa ni Sai sa mga Silvestre dahil sa tuwing may investors meeting ay naroon rin ang mga Silvestre. Minsan ay nauuna pa ito. Kung hindi naman ay kahit sila yung nauna ay ang mga Silvestre pa rin ang nananalo. Maimpluwensyang tao rin kasi si Don Antonio. Ganun rin naman ang Papa ni Sai pero kung ikukumpara ay mas higit na kilala ang pamilya Silvestre.

Nag ring naman muli ang cellphone ni Sai kaya agad niya itong sinagot. At tila kabisado na rin nito ang sasabihin ng Papa niya sa kabilang linya. Kasi paulit ulit lang naman.

"Nasaan ka!? Lumabas ka na naman ng hindi nagpapaalam!! Inuuna mo pa ang pag paparty mo! Wala ka talagang silbi!! Kung buhay lamang ang kakambal mo ay hindi sana kami mapipilitan ng mama mo sa mga planong ito! Kaya ikaw! Umayos ka! Nakasalalay sayo ang company natin kaya umuwi ka ngayon din kung ayaw ko ipahanap kita at ipakaladkad pauwi!" Malalim na bunting hininga nalang ang pinakawalan ni Sai sabay ayos sa pagkakaupo. Lumabas kasi siya kagabi kasi bakit naman hindi? Birthday niya pero walang nakaalala. Ang saya diba? At oo may kakambal si Sai, his twin sister Syrel, three months pa lang itong patay pero ramdam na ni Sai ang pressure at stress na nadama ng kakambal niya noong nabubuhay pa ito. Gusto kasi ng papa niya na ipakasal ang kakambal niya sa isang businessman. Wala naman daw yun sa kakambal niya pero noong malaman nito na ipapakasal siya sa isang 40 years old ay agad itong tumanggi. Nag rebelde, tumakas at dahil sa pagtakas na ginawa ay nahulog ang sinasakyan nito na bus sa bangin. Dahil sumabog ang bus mula sa pagkakahulog ay halos di na makilala ang mga taong sakay.

Noong nabubuhay pa si Syrel ay malaya si Sai na gawin ang gusto niya. Nagtatrabaho siya sa isang magazine company pero hindi ito aprobado ng papa niya. Mahilig siya sa fashion kaya ito ang kinuha niyang trabaho. Natigil lamang ang lahat ng gusto niya simula nong mamatay ang kakambal niya. Gusto kasi ng papa niya na ipakasal siya sa dapat ay papakasalan ng kakambal niya. Hindi niya ito gagawin kaya nag p-plano si Sai na lumayas. Alam niyang pinapabantayan siya ng papa niya kaya hindi ito madali. Pero susubukan niya pa rin ito, hindi siya papayag na maipakasal sa lalaking hindi niya gusto lalong lalo na kung halos kaedad na ito ng papa niya.

"Okay po, Papa." Sagot ng binata sabay patay sa tawag.

"Bakz! Ano na? Aalis ka na ba?" Tumango naman si Sai.

"Buang talaga yan papa mo no, ginawa lang kayong kuan ba, parang ano, kayamanan niya na pwede niya ibigay sa kahit na sino..." sabi naman ni Aileen.

"Kakamatay lang ng kakambal mo pero ang bilis nila mag move on, grabe ha, pera lang talaga iniisip nila..." sabat naman ni Roy. Mga kaibigan niya at kaklase sa college. Sila nalang ang kakampi ni Sai at ang pinsan niya sa ina na si Anton. Si Anton din ang tutulong sa Kanya para makatakas. Plano nila na gawin ito sa bago ang araw ng kasal. Kasi wala na siyang magagawa. Tuloy na tuloy na ang plano ng pamilya niya at siya na lamang ang gagawa ng paraan para sagipin ang sarili.

"Hayaan niyo na, hindi rin naman ako papayag... sige na mauna na ako, salamat pala at sinamahan niyo ako kagabi" nakangiting sabi ni Sai sabay yakap sa mga kaibigan. Niyakap naman siya nito ng pabalik.

Isladel Deseo Series (The Silvestre)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon