Part 14: Lucas Silvestre

252 11 12
                                    

“Good evening, this is your pre-boarding announcement for Flight 0807  to France. Please proceed to Gate 7 for boarding. All passengers are required to have their passports and boarding passes ready for inspection.” rinig ni Sai na announcement sa loob ng airport. Kasama niya ngayon si Lui at si Syrel. Nang makapag paalam si Sai sa dalawa ay agad siyang naglakad papunta sa gate 7. Paalis na sana si Sai nang marinig niya ang boses ni Chaz. He was shouting his name na siyang naging dahilan para pagtinginan sila ng mga tao.

“Sai! Sai, please wait…” napalingon naman si Sai at nakita si Chaz na hinihingal pa dahil sa pagtakbo.

“C-chaz? Anong ginagawa mo dito?” Kinakabahan niyang tanong. Natatakot siya na baka madala na naman siya ng emosyon niya. Na baka hindi na siya tumuloy. Pero pag nandito siya sa pilipinas ay mabubuhay siya sa takot at pagtago sa papa niya. Hindi siya magiging masaya pag nanatili pa siya dito. Kaya kahit na nasasaktan siyang makita si Chaz na bakas sa mukha ang kalungkutan at paghihinayang ay kailangan niyang magpakatatag.

“P-please, please don't leave, Sai, I'm begging you, huwag mo akong iwanan…” bulong nito nang mayakap niya ang binata. 

“Hindi ko kakayanin Sai, hindi ko kaya na wala ka…” dagdag nito na halos mabilaukan na sa sariling laway. 

“Chaz please… huwag na natin pahirapan pa mga sarili natin” mariin niyang sabi at bahagyang itinulak papalayo ang binata nang marinig niyang muli ang pag anunso para sa pre boarding.

“No please, kahit one week lang, please, kahit one week lang, please be with me Sai” pagmamakaawa nito. Akmang lalapit na si Lui para pigilan si Chaz pero pinigilan naman ito ni Syrel.

“Chaz please…” 

“F-fine, even just for s day Sai, please… nag mamakaawa ako, huwag mo muna akong iwan…” pigil ang iyak na nilalayo ni Sai ang kamayg binata na pilit siyang yakapin muli. 

“Chaz naman, please, palayain mo na ako!” Umiling naman si Chaz at lumuhod na sa harap ni Sai habang yakap yakap nito ang mga paa ng binata.

“Chaz what are you doing!?!” Gulat niyang tanong nang may ipinakitang singsing si Chaz.

“Please Sai, huwag mo akong iwan, marry me, pangako at hindi ko na yun gagawin ulit sayo, please bigyan mo lang ulit ako ng pagkakataon!” He pleaded. Hindi na napigilan ni Sai ang hindi umiyak dahil sa ginawa ng binata. Paano pa siya aalis ngayon kung ganito ang nakikita niya? 

“Chaz, I'm sorry but I can't… please, hayaan mo na ako” hindi pa rin ito nagpatinag kaya humingi na ng tulong si Sai kay Lui. 

“N-no Sai pakiusap, don't leave me, ugh!! Let go kuya Lui!!” Pag iyak nito habang sinusubukan na kumawala kay Lui. Nang makawala si Sai sa pagkakayakap ni Chaz ay agad siyang lumakad palayo na hindi na tinitingnan si Chaz muli. 

“Chaz please stop, let him go, kung mahal mo siya ay papalayain mo siya… matagal na niyang pangarap ang makaalis, maging malaya, please, ibigay mo na to sa kanya…” tumigil naman sa pagpupumiglas si Chaz at pinanuod na lamang si Sai na naglakad palayo. Hanggang mawala ito sa paningin niya.

Isang araw ang nakalipas at sige pa rin sa pagtawag si Chaz sa number ng binata pero nagpalit na ata ito ng numero, pati sa sns ay hindi na rin ito sumasagot. Parang nawalan ng gana si Chaz sa lahat ng bagay sa mga sumunod na araw. Hindi siya makafocus. Hindi siya makapagtrabaho ng maayos na kinailangan pa ni Rafael bumalik sa pagiging CEO para bigyan ang anak niya ng pagkakataon na magpahinga at mag isip. 

Isladel Deseo Series (The Silvestre)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon