Part 6: Entre la sombra y el alma

285 11 4
                                    

Dahil linggo at day off ni Sai ay naisipan niyang gumala sa resort para bisitahin si Samantha. Habang naglalakad ay napansin naman ni Sai si Casper na kakababa lamang ng stallion nito. And Sai couldn't help but notice how handsome the older guy is. Kakambal ito ni Cairo pero mas kamukha nito ang pinakabatang Silvestre. Hindi mapagkakaila na nasa dugo na ng mga Silvestre ang pagiging pogi at maganda. Dahil hindi naman masyadong magkakilala ang dalawa ay balak niya sanang magpatuloy sa paglakad pero bigla siyang tinawag ng nakakatanda. Agad naman siyang tumigil at bumati dito.

“Syrel, right? Ikaw ba yung dinidiskartehan ng kakambal ko ngayon?” Bahagya naman na natawa si Sai sabay iling. Alam nila pareho ni Cai na pinag uusapan na sila sa buong resort dahil palagi silang magkasama. Para kay Sai ay wala lang ito dahil hindi naman totoo ang mga balibalita at si Cai naman ay wala rin pakialam sa mga sinasabi ng iba.

“Po? Hindi niya ako nililigawan, ni hindi niya nga ako kinakausap eh” aniya. Ngumisi naman na parang pilyo si Casper at inakbayan si Sai habang nakatingin sa may entrance ng resort. Nang lingunin ito ni Sai ay nakita niya naman si Chaz na nakatayo at nakatingin sa kanila. He doesn't look happy. Hindi naman sa kanya nakatingin ang binata, kundi sa pinsan nito na si Casper. 

“Sir Chaz! Good morning po!” pagbati niya at kumaway sa binata pero hindi siya nito pinansin at naglakad na ito papunta sa restaurant ng Daddy Aya niya. 

“Pagpasensyahan mo na yan pinsan ko, seloso yun eh” nakangising sabi ni Casper sabay alis sa kamay niya mula sa pagka kaakbay kay Syrel.  

“Sanay na ako, sige alis na ako kasi bibisitahin ko pa si Sam…” pag paalaman niya pero sumunod naman ang binata sa kanya.

“Syrel, wala ka bang jowa ngayon? Wala bang nanliligaw sayo?” Sunod sunod nitong tanong. Umiling naman si Sai. 

“Wala akong oras sa ganyan, at wala rin naman nanliligaw” ngumisi naman si Casper at tumango. 

“Paano pag meron manligaw sayo? Magpapaligaw ka ba?” Mapagbiro nitong sabi.

“Depende, kung kasing pogi mo ay bakit naman hindi” biro niya naman na sagot. Natawa naman si Casper at umiling.

“Ayoko pa masapak pero hayaan mo na, narinig niya naman…” napakunot noo naman na tiningnan ni Sai si Casper na tumigil na sa paglalakad. 

“Huh?” Ani Sai.

“Wala, sige na… may pupuntahan pa ako” tumango naman si Sai at naglakad ng muli papunta sa restaurant. 

“You are so dead, Cas!” Ani Chaz sa kabilang linya. Kanina pa ito nakikinig sa usapan ng dalawa. Casper was talking with Chaz on the line when he saw Syrel.  Pinagtripan nito ang pinsan kaya hindi nito pinatay ang tawag ng makababa siya ng stallion. Alam niya rin na hindi papatayin ng nakababatang pinsan ang tawag at nakikinig ito. 

“Halata ka naman kasi kung magselos, galaw galaw din, parang di ka Silvestre niyan eh” sabi ni Cas sabay patay sa call. 

Nang makapasok si Sai sa restaurant ay si Chaz agad ang nakita niya. Dahil hindi naman siya pinansin nito kanina ay hindi niya rin ito pinansin ngayon na nasa harap na nito ang binata.

“Syrel! Oh my god! It’s good to see you!” Tuwang tuwa na niyakap ni Samantha si Sai at napansin naman ni Samantha ang pag iba ng reaksyon ni Chaz. 

“Oy kalat na kalat ngayon ang tungkol sa inyo ni Cairo ah” ani Samantha sabay sulyap kay Chaz na kanina pa tinutusok tusok ang hotdog sa plato niya. 

“Walang katotohanan lahat yun, mahilig lang talaga gumawa ng chismis ang mga tao” ani Sai at umupo sa katabing table ni Chaz. Nang sulyapan ito ni Samantha ay nag ibang muli ang reaksyon nito at mukha na itong masaya. “Si tanga masayang masaya na hindi totoo ang balita pero hindi naman makapag first move” sa isip ni Samantha at tumango sa sinabi ni Syrel. 

Isladel Deseo Series (The Silvestre)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon