Chapter 1

20 1 0
                                    

Pls read the description first!

Pagod na pagod si Freen nang makauwi siya sa apartment nila ni Becky. Binuksan niya ang pintuan at pumasok sa tahimik na bahay. Napansin niya agad ang maliliit na sapatos sa tabi ng pinto. Nagtaka siya, pero hindi niya ito pinansin, inisip na baka may bisitang bata si Becky.

Naglakad siya papunta sa sala, kung saan naroon ang isang batang babae na nakaupo sa sofa, naglalaro ng kanyang teddy bear. Hindi siya pamilyar kay Freen, at agad siyang kinabahan.

"Sino ka?" tanong ni Freen, ang boses niya'y seryoso at malamig.

Tumingin ang bata kay Freen, ang mga mata niya'y nagliliwanag. "Ako si Hana," sabi niya, walang kamuwang-muwang sa tensyon sa paligid.

"Bakit ka nandito?" tanong ulit ni Freen, sinusubukang pigilan ang pag-aalala sa kanyang dibdib.

"Bumalik na ba si Mommy?" tanong ni Hana, tinitigan si Freen na parang siya ang may sagot sa lahat.

Ang puso ni Freen ay bumilis ang tibok. Tinawagan niya si Becky habang ang mga kamay niya'y nanginginig. Saglit pa'y sinagot ito ng nobya.

"Becky, may bata dito. Sinong Hana 'to?" Ang boses ni Freen ay puno ng pagkalito at galit.

Tumigil sa kabila ng linya si Becky bago sumagot. "Freen, pauwi na ako. Mag-usap tayo pagdating ko diyan, please."

"Hindi, Becky. Ngayon na. Sinong anak 'to?" Sinubukan ni Freen na hindi sumigaw, pero ang sakit at galit ay nagpapalakas sa kanyang boses.

"Freen, she's my daughter," sabi ni Becky sa wakas, ang boses niya'y malungkot at mabigat. "Nasa taxi na ako, pauwi na. Mag-usap tayo, please."

Nabigla si Freen at bumagsak ang telepono mula sa kanyang kamay. Anak? Paano nangyari ito? Tumalikod siya at umupo sa isang upuan, tinitigan si Hana na tila isang estranghero sa kanyang sariling bahay.

"Hana, anong pangalan ng mommy mo?" tanong ni Freen, pilit na pinapakalma ang sarili.

"Becky," simpleng sagot ni Hana, ngumingiti habang nilalaro ang teddy bear niya.

Napapikit si Freen, sinusubukang intindihin ang lahat. Becky? Ang Becky na mahal ko? Paano niya nagawang itago ito?

Ilang sandali pa'y dumating si Becky, humahangos at halatang balisa. Agad siyang lumapit kay Hana at niyakap ito. "Mommy!" sigaw ni Hana, masayang yumakap pabalik.

Freen stood up, her eyes narrowing. "Explain, Becky. Ngayon na."

Huminga nang malalim si Becky. "Freen, I'm sorry. Nung nag-break kami ng ex ko, nalaman ko na buntis ako. I didn't know how to tell you. Nung dumating ka sa buhay ko, natakot akong mawala ka. Kaya tinago ko si Hana."

"Five years, Becky. Limang taon mong tinago 'to sa akin?" Ang boses ni Freen ay puno ng sakit at pagkabigo. "Paano mo nagawa 'to?"

Tumingin si Hana kay Becky, walang muwang sa bigat ng sitwasyon. "Mommy, who's she?"

Becky knelt down to Hana's level, her voice gentle but firm. "Hana, this is Freen. She's very important to me."

Ngunit para kay Freen, parang isang malaking kasinungalingan ang mga salitang iyon. Tinitigan niya si Hana, nakikita ang pagmamahal na akala niya ay sa kanila lamang ni Becky. Ngunit ngayon, ang pagmamahal na iyon ay tila nadungisan, nabahiran ng pagkakaroon ng batang hindi niya alam.

"Kailangan kong lumabas," sabi ni Freen, hinawakan ang susi at mabilis na lumabas ng apartment. Iniwan niyang mag-ina sa isang tensyong katahimikan.

Sa labas, huminga nang malalim si Freen, ngunit hindi nito napapawi ang bagyong nasa loob niya. Hindi maalis sa isip niya ang inosenteng mga mata ni Hana, at ang pagkakanulo ni Becky. Ang pagmamahal niya kay Becky ay tila natitibag, unti-unting napapalitan ng galit.

Habang nag-iilaw ang mga poste ng lungsod, alam ni Freen ang isang bagay: hindi na muling magiging pareho ang kanilang buhay.

---

Pagbalik ni Freen sa apartment matapos ang ilang oras, si Becky ay nag-aantay sa sala, ang mga mata'y namumugto sa kakaiyak. Si Hana ay natutulog na sa kanyang kwarto.

"Freen, please, let's talk," pagsusumamo ni Becky, ang boses niya'y punong-puno ng pagsisisi.

Umupo si Freen sa tapat ni Becky, ngunit hindi siya tumingin dito. "Bakit hindi mo sinabi agad sa akin? Bakit mo tinago?"

"Freen, natakot ako. I didn't want to lose you," sabi ni Becky, hawak ang mga kamay niya sa dibdib. "Mahal kita. Kaya't sinubukan kong itago para hindi ka mawala sa akin."

"But Becky, you lied to me for five years. Hindi ba't deserve kong malaman ang totoo?" ang boses ni Freen ay puno ng sakit.

"I know, Freen. I'm so sorry. Everyday I wanted to tell you, pero natatakot akong mawala ka," paliwanag ni Becky, ang mga luha'y tuluyang bumuhos.

"How can I trust you now?" tanong ni Freen, ang mga mata'y puno ng pagdududa. "Paano na tayo? Paano na ang relasyon natin?"

"Hindi ko alam," sagot ni Becky, umiiyak. "Pero mahal kita, Freen. Sana mapatawad mo ako. Sana maintindihan mo kung gaano ako natakot."

"But Becky, you didn't give me a chance to understand. You took away my choice," sagot ni Freen, nanginginig ang boses. "And now, I don't know if I can forgive you."

Ang tensyon sa pagitan nila ay lalong lumalim, at si Freen ay tumayo, humarap sa pintuan. "Kailangan kong mag-isip. I need time."

"Freen, please," pagsusumamo ni Becky, ngunit si Freen ay tumalikod at muling lumabas ng apartment.

Sa labas, huminga nang malalim si Freen, ang isip niya'y puno ng pagkalito. Alam niyang hindi na magiging katulad ng dati ang kanilang buhay, ngunit hindi rin niya alam kung paano magsisimula muli.

Habang naglalakad siya sa mga lansangan, iniisip ni Freen kung paano babalikan ang tiwala at pagmamahal na nawalan ng kulay dahil sa mga lihim na nabunyag. Sa gabing iyon, iniwan niya si Becky at Hana, hindi alam kung kailan siya muling babalik.

SECRETSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon