CHAPTER 7

41 4 0
                                    

"Camila! Camila!"

Naalimpungatan ako sa sigaw na nanggagaling sa labas. Ang aga aga‚ sobrang ingay!

"Wake up‚ woman!"

Tumagilid ako sa pagkakahiga at pinilit ang sariling makatulog ngunit hindi ito tumitigil sa kakakatok at kakatawag ng pangalan ko.

"Ano ba 'yan!" inis akong bumangon at pikit-matang binuksan ang pinto.

"Why did it take you so long to open this fucking door?" it's Nigel. He looks irritated.

Umayos ako ng tayo at namaywang sa harap niya.

"Kita mong natutulog 'yong tao‚ ang ingay ingay mo. Kung sisirain mo lang din naman ang umaga ko‚ mabuti pang umalis ka na." pagtatabuyan ko rito.

Akmang isasarado ko na ulit ang pinto nang bigla niyang iniharang ang kamay niya.

"Not so fast."

Muli ko siyang tinignan bago tinaasan ng kilay.

"Ano bang kailangan mo?"

"You'll come with me. We're going to the mall." he said emotionless.

"Ayo'ko." mariing sabi ko.

"I'm not asking you. I'm commanding you." ani nito.

"At sino ka sa tingin mo para utusan ako?" mataray na tanong ko.

"You forgot it already? Let me remind you again."

Humakbang ito palapit sa 'kin kaya wala akong ibang nagawa kung hindi ang umatras nang umatras hanggang sa naramdaman ko ang lamig ng pader sa likod ko.

"I am Nigel Luther Acosta. The grandson of Fernando Acosta." mariing sambit niya. "What do you think will be his reaction if he found out that you let his beloved grandsons na kargahin ang mga baskets na punong puno ng mga mansanas knowing that we only need to deliver those‚ not to karga them."

Unti unti akong nakaramdam ng guilt sa sinabi nito ngunit hindi ko na nasundan pa ang sunod niyang sinabi sa sobrang lapit ng mukha niya! Ramdam ko rin ang unti unting pag usbong ng init sa pisngi ko sa hindi ko malamang dahilan.

"F—fine!" sabi ko na lang. My heart is beating rapidly!

Saka lang ito lumayo kaya nakahinga ako ng maluwag.

"You're blushing." he smirked.

"Hindi ah! Ang kapal naman ng mukha mo." tanggi ko agad.

Bahagya siyang natawa sa reaksyon ko.

"Whatever. Just go and take a shower. I'll wait for you down strairs."

Then‚ he turn his back. "And please wear something presentable. 'Yong magmumukha kang tao."

What the hell?

"Nakakainis ka talaga kahit kailan!" iritang sigaw ko at padabog na isinara ang pinto.

"Ang kapal talaga ng mukha niya para sabihin 'yon! Akala naman niya ikina-pogi niya iyon pwes hindi!"

Kahit naiinis‚ pumasok ako sa cr para maligo at namalayan ko na lang na nakasuot na ako ng isang blue maxi dress na yumayakap sa hubog kong katawan. Pinatungan ko ito ng white cardigan na talaga namang bumagay rito. Naglagay rin ako ng white ribbon sa buhok bago napag desisyonang lumabas at bumaba ng silid.

"Kierran‚ kinain mo na naman ba 'yong chocolate na nilagay ko sa-woah!" gulat ang nakapaskil sa mukha ni Kierran nang lumingon ito sa gawi ko.

"Hilig mo talaga akong pagbintangan! Isusumbong kita kay lolo!" agad na natigilan si Kierran nang akmang maglalakad paalis.

"Camila? You look different." puna ni Tim.

He look at me head to toe then a smile formed on his lips.

"Woah! Woah! Camila my friend! Ganda natin ah? San ang lakad?" si Finn.

Inakbayan pa ako nito na para bang close na close kaming dalawa.

"Mall." maikling sagot ko.

"Sama kami!" singit ni Kierran na ngayon ay parang tutang lumapit sa 'kin.

"Oo nga‚ isama mo naman kami Camila babe." agad na sumama ang mukha ko sa huling salitang binitawan ni Finn.

"Stop flirting with me‚ you idiot. Tabi nga! Sirang sira na nga ang araw ko‚ sisirain niyo pa lalo." iritang sambit ko bago sila tinalikuran.

"Ayan‚ kasalanan mo 'yan Finn! Kapag tayo hindi ipinagluto n'yan kapag umalis ulit si lolo‚ ikaw ang lulutuin namin." dinig kong reklamo ni Kierran.

Napairap ako.

Mabilis akong nagtungo sa parking lot dahil paniguradong naroon na siya. Hindi ko kasi ito nakita sa loob.

Nang akmang bubuksan ko na ang pinto‚ isang kamay ang humawak dito at inunahan akong buksan. Nang lumingon ako sa likod‚ agad na tumama ang labi ko sa pisngi nito na siyang ikinanlaki ng mata ko. Ramdam kong natigilan ito kaya mariin akong napapikit. Parang gusto ko na lang magpalamon sa lupa!

"U-uhm‚ pasok na ako." mabilis akong pumasok sa loob at malakas na isinara ang pinto.

Naiwan siya sa labas at kitang kita ko sa gilid ng mata ko ang bahagyang pag-iling nito. Mahina rin siyang natawa bago naglakad sa unahan at pumasok sa loob ng sasakyan. Nagulat pa ako nang bigla itong lumapit sa pwesto ko para ayusin ang seatbelt ko.

Bakit ba siya lapit nang lapit?!

"Stop glaring at me. Hindi ka maganda."

___
behindthelegance

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Oct 05 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

That Bossy Probinsyana Girl (Acosta Series #1) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon