CHAPTER 6

57 3 1
                                    

“Kuya‚ hiramin ko po itong kabayo ha? Nakapag-paalam na po ako kay Don Fernando.”

Mabilis ko itong hinila palabas ng kwadra bago umangkas at mabilis itong pinatakbo palayo.

Bata pa lang ay marunong na akong sumakay at magpatakbo ng kabayo. Isa rin kasi ito sa libanagan namin noon nina Lucille‚ Arianne at Eliana. Palagi kaming nagkakarera noon at kung sino man ang matatalo‚ siya ang aakyat at pipitas ng manggang nakatayo malapit sa kuwadra.

Ako ang palaging nananalo habang si Arianne naman ang laging umaakyat dahil siya ang laging talo. Mabagal kasi itong magpatakbo sa takot na mahulog at masugatan‚ ayaw niya raw mabangasan.

Patungo ako ngayon sa bahay upang kunin ang lumang Van ni papa na bigay ni Don Fernando. Ang totoo n’yan‚ ipapakuha niya dapat iyon sa mga tauhan niya ngunit tumanggi ako.

Halos lahat kasi ay may kaniya kaniyang ginagawa‚ ayo’ko namang makaabala at isa pa‚ kaya ko namang gawin iyon kaya wala na itong nagawa kung hindi ang hayaan ako.

Mabilis akong bumaba nang makarating sa bahay. Mahigpit ko itong itinali sa puno bago napagdesisyonang pumasok sa loob. Nadatnan ko si nanay na nagluluto kaya mabilis ko itong niyakap mula sa likod.

“Sinong—Camila‚ anak!” Gulat na gulat ito nang kumalas ako sa yakap. “Anong ginagawa mo rito? Alam ba ng Don na umuwi ka?”

“Si nanay talaga‚ oh. Hindi ko alam kung natutuwa ba kayong makita ako o gusto niyo na akong pabalikin agad.” Biro ko kaya natawa na rin siya.

“Eh sino ba naman kasi ang hindi magugulat kung bigla bigla ka na lang susulpot dito sa bahay? Ikaw talagang bata ka‚ hali ka nga rito at nang muling mayakap ni nanay.” Lumaki ang ngiti ko bago lumapit at niyapos siya ng yakap.

“Oh‚ ang mag-ina ko‚ aba‚ sali ako r’yan!”

Sabay kaming natawa ni nanay nang sumama sa yakap si tatay. I really missed them.

“Kailan ka pa umuwi‚ Camila anak?” Tanong ni tatay nang kumalas sa yakap.

“Ngayon lang po‚ ‘tay. Ang totoo po n’yan‚ saglit lang ako rito.”

Ikinuwento ko sa kanila mula umpisa lahat ng nangyari at naiintindihan naman nila. Agad akong dinala ni tatay sa sasakyan kung saan ito naka-park bago ibinigay ang susi. Mabilis naman akong pumasok sa loob upang paandarin ang makina para makaalis na.

“Mabuti na lang at kakaayos ko lang n’yan. Mag-iingat sa pagmamaneho‚ ah? Ako na ang bahala rito sa kabayo mo. Hala sige‚ tumulak ka na at baka naghihintay na sila sa ‘yo.” Marahan akong tumango at muling nagpaalam na aalis na.

“Kuya‚ palagay na lang po n’yan dito. Kuya‚ palagay na lang po sa kabila. Paayos naman po nito‚ salamat po!”

Huminga ako nang malalim nang maikarga na lahat ng mga mansanas sa loob.

“Maraming salamat ulit sa pagtulong sa akin‚ hija. Ito nga pala ‘yong listahan ng mga pagdedeliveran. Pasensya na at naabala ka pa. Hayaan mo‚ babawi ako sa susunod.” Hinging paumanhin ni mang Arman ngunit bahagya akong umiling.

“Naku! Huwag niyo na pong isipin ‘yon‚ mang Arman. Masaya po akong tumulong.” Nahihiyang sambit ko.

Muli pa itong nagpasalamat bago ako tinalikuran dahil aasikasuhin pa niya ang truck.

Huminga ako nang malalim bago binasa ang nasa listahan. Kaunti lang naman ito kaya makakailang balik lang kami. Bahagya pa akong nagulat nang makita ang café nina Arianne na huli naming pupuntahan. Sana lang ay wala siya roon dahil panigurado hindi lang tanong ang aabutin ko ron, pang-aasar din.

That Bossy Probinsyana Girl (Acosta Series #1) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon