Prologue

5 3 0
                                    

Alyx Knox Zuero

Why do people choose to hurt us? Even though we gave them everything that we have. Even though they know that we could do everything just to make them happy. Why do they always want to leave?

'Yan 'yung mga tanong na patuloy na tumatakbo sa isip ko habang naka upo dito sa sand ng beach. After nung narinig at nung nakita ko kanina ay dito ako dumiretso sa beach house namin sa Batangas. Malayo sa kanila at malayo sa kanya. Mabuti nalang talaga at 'di ko pa na-itutuloy ang plano ko na dalhin sya rito para narin hindi nya ako mapuntahan. 

"Bullshit haha" tawa ko at sabay hagis ng batong hawak ko sa dagat

Natawa nalang ako sa naisip ko, ang lakas naman ng loob kong isipin na hahanapin n'ya ako, na pupuntahan n'ya ako sa mga lugar na pinupuntahan namin para lang makita ko.

"Delulu ka nga talaga" sabi ko sa sarili ko

Sobrang sakit talaga, sobra akong nasasaktan. Ayoko na munang makita sya, ayoko na munang makarinig ng kung ano about sa kanya kaya lumayo na muna ako sa city. Gusto ko munang magpahinga at makapag isip isip. Pagod na akong suyuin sya, pagod na akong ipagsisiksikan ang sarili ko sa katulad n'ya.

"I hate you!" sigaw ko sa harap ng dagat habang patuloy na pinupunasan ang mga luha sa aking mata

Alam kong nagmumukha na akong tanga dito dahil umiiyak and tumatawa ako at the same time, pero 'di n'yo ako masisisi. Akala ko 'yun na e. Akala ko may pag asa na kami.  Paasa lang nga pala talaga sya katulad ng mga sinasabi nila. Ang tanga ko nga lang talaga kasi naniwala ako sa sarili ko na kaya ko syang baguhin, na kaya ko syang tulungan.

Pero wala e, naubos ako. Hindi ko naman sya sinisisi sa mga naging disisyon ko sa buhay, alam ko naman na pinigilan nya rin ako dito sa nararamdaman ko, pero bakit gano'n? Akala ko meron na e, akala ko may something nang nangyayare. Or akala ko lang talaga-

Hindi ko parin mapigilang umiyak habang inaalala yung mga araw na ang saya saya namin. Yung mga araw na natatanggap na n'ya itong set-up namin. Alam ko namang napilitan lang sya sa arranged marriage na ito. Alam kong hindi n'ya ito ginusto kaya nga ginawa ko lahat ng paraan na alam ko para magka sundo kami e. Para matanggap n'ya 'tong set-up namin, para matanggap n'ya ako.

Ang sakit sobra, napapaisip tuloy ako kung totoo ba talaga lahat yung mga sinabi n'ya sa'kin, yung pinaramdam n'ya sa'kin. 'Di ko lubos maisip na sa ganito ulit kami hahantong. Siguro tama sila, sarili ko muna yung iisipin ko ngayon, sarili ko naman muna ang iintindihin ko. Kakalimutan ko na s'ya, alam kong mahirap at masakit pero ito ang nararapat kong gawin e, ang lumayo sa kanya at ibigay ang kagustuhan n'ya. Ang kagustuhan n'yang makipag divorce.

Chasing Hearts Where stories live. Discover now