Chapter 3

4 2 0
                                    


Halos hinihingal ako nang matapos kong takbuhan ang mga estudyanteng may iba't iba na namang pakulo laban sa'kin. Halos dalawang linggo ko na 'tong nararanasan at ang may pakana ng lahat ng ito ay wala iba kundi ang school Queen bee- si Andylie.

"Jusko naman, 'Di ko naman akalain na ganito pala kasama ang ugali ng babaeng 'yon." Hinihingal na sabi ko habang dahan dahang napa upo sa damuhan.

Dito ako tumakbo palayo sa mga estudyanteng inutusan ni Andylie para guluhin ako. Sa likod ng building na para sa mga nursing. Oh diba sobrang layo sa building namin, isa kasi akong engineering student at ang building namin ay sobrang layo sa building ng mga nursing. Thankful nga ako kasi kahit ang business namin na pinapatakbo ni Dad ay more on related sa mga hotels and resorts ay hindi ako pinilit ni Daddy na kumuha ng course na hindi ko naman gusto. Laking pasalamat ko talaga sa kanya dahil hindi s'ya katulad ng ibang mga magulang na pinipilit ang kanilang mga anak.

"Hay nako"

Nang makaupo ay hindi ko na napigilan ang sarili kong mapa buntong hininga ng malalim. Grabe naman kasi talaga yung babae na yun, ilang araw na n'ya akong ginugulo. Ang ganda gandang babae tapos gano'n naman yung ugali. Sayang, crush na crush ko pa naman s'ya pero parang sobrang sablay ako sa kanya dahil nga sa unang pagkikita namin.

Tsaka dahil narin sa mga naririnig ko about sa kanya, ang daming sabi sabi na isa raw itong dakilang homophobic at playgirl. Pero kahit gano'n ay may maipagmamalaki rin syang talino, nabalitaan ko rin kasi na isa itong Dean's lister at totoong nagpupursige sa pag aaral.

Oh diba ang dami ko na agad nalaman about sa kanya, halata bang crush na crush ko na s'ya? hehe

"Grabe ang panget ng ugali mo!" Sigaw ko sa kawalan dahil alam ko namang walang makakarinig sa'kin

Gusto ko rin kasing ilabas itong saloobin ko. Ayaw ko naman syang patulan at ang mga minions n'ya dahil graduating student ako at tsaka ayaw ko ring bigyan ng sakit ng ulo si Dad. Ayokong magkaroon ng issue dito, hanggat maari ay gusto kong tahimik na buhay.

"Hay nako, paano kaya ako magkakaroon ng tahimik na buhay dito sa school kung ginaganito ako ni Andylie at ng mga minions n'ya!" sigaw ko ulit

"ALAM MO ANG GANDA GANDA MONG TAO PERO BAKIT GANYAN UGALI MO, ANG BAIT BAIT NG MGA MAGULANG MO PERO PARANG PINAGLIHI KA SIGURO SA SAMA NG LOOB KAYA GANYAN KASAMA ANG UGALI MO" dito ko na ilalabas ang saloobin ko tutal wala namang makakarinig sa'kin, at kating kati na rin talaga akong ilabas ang mga ito.

"NAKAKAPIKON KA NA SOBRA ALAM MO BA YUN?! PERO AYOS LANG, DI AKO PAPATOL, MUKHA KA NAMAN KASING ASONG TUWANG TUWA KAPAG NAKIKITA NA NAHIHIRAPAN AKO E, ANG CUTE MO KAYA-"

"what are you doing?"

LUH??

hala, kilalang kilala ko 'tong boses na 'to, patay. Narinig n'ya kaya lahat ng sinabi ko? 😭😭

"H-HUH?" tanong ko habang hindi parin nililingon ang nasa likuran ko, alam kong sya talaga yun pero pilit ko paring ipinagdadasal na sana hindi dahil alam kong badshot na naman ako nito pag nagkataon.

"Look at me when I'm talking to you, Zuero" her voice sounds so sexy yet so intimidated 😩😩.

"B-bakit ba? ano ba kasing kailangan mo?"

"I just need to look at something, your ugly face perhaps"

Anak ng potchi, akala ko pa naman gusto n'ya akong makita dahil miss n'ya ako, yun pala trip n'ya lang, may kasama pang lait. Heh, bahala sya dyan, baka may kung anong pakana na naman sya, pagod na ako ngayong araw na 'to. Tsaka ubos na ang extra tshirts ko sa locker dahil sa mga minions n'ya, ngayong araw ba naman ay naranasan kong mabuhusan ng milkshake sa loob ng cubicle habang nagbibihis dahil katatapos lang ng pe namin. Nakakainis lang kasi tapos na ako maligo no'n at nagbibihis na ako e, edi ayon, naligo ulit ako. Tapos naranasan ko ulit mapatid sa may cafeteria kanina, actually nangyari na sa'kin yan, 'di ko lang alam na uulitin ulit nila kasi everyday naman may mga bago silang pakulo.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Aug 06 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Chasing Hearts Where stories live. Discover now