"Frieny!" my bestfriend shouted happily when we met in our campus
"Ang laki pala talaga ng paaralan na ito no?" bungad ko nang makalapit s'ya
"Oo naman no! Ikaw ha? Sinundan mo talaga ako dito." masayang sabi n'ya at ngumiti ako
I'm Veronica a certified probinsyana at lumuwas ako dito sa Manila upang dito mag-aral ng kolehiyo. Tama ang kaibigan ko, sinundan ko nga s'ya dahil alam kong magiging mas komportable ako kung kasama ko s'ya dito.
"Saan ka tumutuloy?" tanong ko habang naglalakad kami
"D'yan lang sa pangatlong kanto 'di kalayuan dito sa University, ikaw ba?"
"Malapit lang din dito, mukhang luma na 'yung apartment pero ayos na rin kaysa wala akong tuluyan habang nandito ako sa Maynila." sagot ko sa kan'ya
"Basta palagi kang mag-iingat ha? Kung parehas ang oras ng dismissal natin sabay tayo umuwi, marami kasing loko sa paaralan na ito." sabi n'ya at tumango ako
—————
Nang matapos ang klase ay umuwi na ako, hindi kami sabay ni Mila dahil hindi kami parehas ng oras ng dismissal.
Nang makarating ako sa apartment na tinutuluyan ko ay isinarado ko na ang pinto nang may marinig akong malakas na kalabog at hiyaw ng lalaki mula sa kabilang kwarto nitong apartment.
Mabilis itong nawala kaya naman binalewala ko ito at gumawa na lamang ng mga activity.
Sa kalagitnaan ng pag-aaral ay nagulat ako nang muling may kumalabog ng malakas sa kabila.
"T-tama na...please...t-tama na please..." 𝑝𝑎𝑔𝑚𝑎𝑚𝑎𝑘𝑎𝑎𝑤𝑎 𝑛𝑔 𝑏𝑜𝑠𝑒𝑠 𝑛𝑔 𝑖𝑠𝑎𝑛𝑔 𝑏𝑎𝑏𝑎𝑒 "Ahhh!..." ℎ𝑖𝑦𝑎𝑤 𝑛𝑖𝑦𝑎"M-masakit! A-ayoko na! T-tama na, please!" muling pagmamakaawa ng lalaki
"W-wag ang pamilya ko!" boses ng isang lalaki, malalim ang boses nito at mukhang hirap na hirap na.
"M-mama! P-papa! Natatakot po ako!" iyak ng isang batang babae
Dali-dali akong lumabas at sunod sunod na kinatok ang kabilang pinto sa katabi kong apartment.
"Tao po! Ayos lang po ba kayo d'yan?" may halo sa tinig ko ang pag-aalala, ano kayang nangyayari sa loob?
Ilang beses kong pinihit ang makalawang na door knob ngunit hindi ito bumubukas. Halos 30 minutes ako sa labas ng apartment ng pamilyang 'yun ngunit tahimik na at walang lumalabas kaya muli akong lumapit sa pinto at sumilip sa gilid ng pinto.
"T-tawagin n'yo lang po ako sa kabilang apartment kapag may kailangan kayo ha? Ako po si Veronica, bago n'yong kapit-bahay sa room #665." sabi ko at pumasok na sa loob ng apartment ko
Malalim akong bumuntong hininga nang may makita akong butas sa pader na kung titingnanng mabuti ay kita ang loob sa kabila.
Dahan-dahan akong sumilip doon ng maaninag ko lang ay kulay itim, madilim at may puti sa gitna. Ilaw kaya nila 'yun? Nawala ang itim at puti na iyon nang may malakas na kumatok sa pinto ko kaya binuksan ko 'yon.
Ang landlady lang pala.
Bumuntong hiniga ako "Magandang hapon po." bati ko
Matiim itong tumingin sa akin at sa kabilang kwarto "Naririnig mo sila?" tanong nito
"P-po?" utal na tanong ko
"Si Marlon, Veron at Alice...'yung pamilya dito sa kabila." sabi nito
Nakahinga ako ng maluwag, akala ko'y ako lang ang nakakarinig sa kanila.
Tumango ako "Nag-aaway po sila sa loob, umiiyak po 'yung babae at 'yung bata." sabi ko at tumingin sa landlady
" 'Wag mo na ulit uulitin 'yun ha?" babala nito
Kumunot ang kilay ko sa sinabi n'ya "P-po? Pero mukhang kailangan po nila ng pulis, mukha pong sinasaktan sila sa loob." sabi ko
"Nakita mo si Marlon, tumingin ka sa mga mata n'ya, hindi ba?" dagdag nito na ikinalito ko.
"Hindi ko po kayo maintindihan, wala naman po akong nakitang tao sa kabilang pinto." sabi ko.
"Dahil walang taong nakatira d'yan sa kabilang apartment, ija. Matagal nang bakante ang apartment na 'yan." sabi nito na kinakunot ng kilay ko
"P-pero katatanong n'yo lang po sa akin kung narinig ko sila, ibig sabihin may nakatira d'yan sa kabila at narinig ko po silang tatlong umiiyak at sumisigaw." sabi ko
Bumuntong hininga ito at muling tumingin sa akin "Halika at ipapakita ko sa 'yo ang kabuuan ng apartment nila limang taon na ang nakakalipas."
"L-limang taon?!" pagkagulat ko
–––
Nang makapasok kami sa loob ng apartment ay ang bigat ng dibdib ko at ang lakas ng presensya ng kung anong masamang espiritu sa loob
"Dito mismo pinatay ang pamilya ni Marlon, gabi nung mangyari ang krimen kaya walang nakahingi ng saklolo para sa kanila." panimula nito
"Tanging sa CCTV lamang na iyon nakita kung paano sila pinatay." itinuro ng landlady ang CCTV na nakalagay sa kisame papunta sa kwarto ng apartment.
Itinuro din nito ang katabi naming may butas na pader kung saan ako sumilip noong nasa loob ako ng apartment ko.
"D'yan isinubsob si Marlon ng killer habang sinasaksak ito paulit-ulit." agad naman akong kinilabutan ng mapagtanto kong kung susumahin ay sakto ang mata doon ni Marlon sa butas kung doon s'ya isinubsob
"Si Veron, s'ya ang asawa ni Marlon, ginahasa ito mismo sa sala nila at saka din pinaslang." k-kaya ba puro iyak at sigaw ang naririnig ko?
"S-si Alice po? A-anong ginawa sa kan'ya?" tanong ko
"N-natagpuan s'ya sa loob ng drum nila, nilunod s'ya." sagot nito
Hindi ko na kinaya ang narinig ko kaya dali-dali akong lumabas sa apartment at sumuka saka umiyak.
"I-ija...n-nakita mo si Marlon, hindi ba?"
Humarap ako sa kan'ya "Aalis na po ako dito, sa ibang apartment na lang po ako." sabi ko
"Alam kong nakita mo ang itim na mata ni Marlon sa butas, nakita mo s'ya tama ako 'di ba?" tanong nito
Nahilamos ko na lamang ang mukha ko at saka tumango "A-aalis na po ako." akma akong papasok sa apartment ko nang muling magsalita ang landlady na nagbigay kilabot sa buong katawan ko.
"Hindi ka na makakatakbo, Veronica. Isasama ka nila. Demonyo ang kasama mo sa kabilang pinto." huling sinabi nito saka ko inimpake ang mga gamit ko.
–End–
Written by: CallMeMissXy
Dedicated to: Veronica Illinon
YOU ARE READING
DEVIL NEXT DOOR
Horror"Nakita mo si Marlon, tumingin ka sa mga mata n'ya, hindi ba?" tanong ng Landlady