CHAPTER XXVIII

1 0 0
                                    

TRIGGER WARNING:

This story contains themes of violence, bullying, abuse, and topics that may be upsetting or triggering for readers which may not be suitable for some individuals. There are also unpleasant words used, and violent scenes that may not be suitable for everyone. Please be aware of your emotional well-being and seek support if needed. Reader discretion is advised.

CHAPTER XXVIII

No'ng gabing 'yon, inasahan ni Ligaya na magbabago ang kaniyang buhay— wala ng gulo, wala ng mam-bu-bully sa kaniya, at wala na na rin magpapahirap. Pero nagbago nga ang kaniyang buhay, sa hindi inaasahan, at pinakanakaka-lunos-lunos na pangyayari.

Sumama siya sa kanila sa pag-asang nagbago nga ang mga ito. Ngunit nagkamali siya dahil no'ng gabing iyon, nangyari ang sumira kaniyang pagkatao, sa kaniyang buhay.

Pareho silang dalawa ni Nathaniel. Walang kaalam-alam sa kanilang sasapitin.

"More shots pa, Nathan!" Masayang sigaw ni Chloe. Wala sila sa bar no'n. Malayong-malayo sila sa gulo at ingay ng mga tao. Akala nila, malayo sila sa peligro.

Uminom naman si Nathaniel. "Woah!"

"Hindi ka naman pala gay eh," hirit pa ni Ariana.

Habang sa gilid ay makahulugan ng nagtitinginan ang grupo nila Liam at Chloe dahil sa kanilang plano.

Ang hangin ay tila kumakaluskos sa isang nakatagong tensyon, isang tahimik na bagyo na namumuo at pumapailalim sa ibabaw ng kanilang sapilitang pakikipagkaibigan.

Hindi naisip ni Nathaniel na may panganib na nakatago sa kaniyang inumin. Bigla siyang tumatawa, nagsimulang kuminang ang kaniyang mga mata sa isang kamalian.

Naramdaman niya ang unti-unting paglatay ng init sa kaniyang katawan, ang pagluwag inhibitions niya, habang ang spiked alcohol naman ay dumadaloy sa kaniyang mga ugat.

Pinangungunahan ng grupo ni Liam ang panonood kay Nathan na may gigil at saya na para silang mga manonood na nag-aabang sa isang kapana-panabik na eksena. 

Sa kabilang dako ay si Ligaya na mahinhin lamang. Chloe poured Ligaya a drink, "Come on, Ligaya, have a drink. You're so uptight."

Nagdalawang-isip pa no'n si Ligaya pero, ch-in-eer pa nila ito. Pinalakpakan at naubos nga ni Ligaya ang kaniyang inumin. Lingid sa kaniyang kaalaman, ay mayroong droga ang inumin niyang iyon.

Hindi niya maintindihan kung bakit bigla-biglang nanakit ang kaniyang katawan at para siyang naduduwal. Hanggang sa unti-unti ng nagkakabisa ang roofie na nilagay ni Chloe sa kaniyang inumin.

Isang mabagal at mapanlinlang na lason ang nagpalabo sa kaniyang isipan na siyang nagpapamanhid sa kaniyang sentido. Sinubukan niya itong labanan, upang manatiling alerto, ngunit para siyang isang ginugulping aliping mahigpit na hinahawakan ng drogang hindi naman niya ginusto. Hinihila siya nito sa isang malabo at nakagagambalang hamog.

Habang lumalalim ang gabi, naging maingay ang tawanan, hanggang sa nauwi sa kabastusan ang kanilang mga biro.

Nag-desisyon silang lumipat sa isang exclusive na lugar. Nasa isang kuwarto sila kung saan natagpuan noon ni Ligaya ang kaniyang sarili na nilapastangan siya.

Hindi na rin makapalag ang dalawa dahil sa epekto ng drugs sa kanila.

Patuloy ang pag-inom ni Nathaniel doon at lalo siyang nagiging maingay. Nawawala na siya sa katinuan sa bawat paglagok niya sa alak na kaniyang iniinom.

Bigla siyang nagkaroon ng kumpiyansa, isang tapang-tapangan na bihira niyang ipakita, ang kaniyang mga tinging nababalot ng droga ay dumapo sa kaibigan niyang si Ligaya.

FRAGMENTSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon