CHAPTER XXIX

1 0 0
                                    

TRIGGER WARNING:

This story contains themes of violence, bullying, abuse, and topics that may be upsetting or triggering for readers which may not be suitable for some individuals. There are also unpleasant words used, and violent scenes that may not be suitable for everyone. Please be aware of your emotional well-being and seek support if needed. Reader discretion is advised.

CHAPTER XXIX

Hindi na pumasok sa skwela si Ligaya. Wala na siya sa kaniyang upuan sa likod at lagi na siyang hinahanap ng kaniyang propesor lalo na si Aruella Garcia. Lagi na lamang nagmumukmok si Ligaya sa bahay nila, bagay na ipinagtataka ng kaniyang ama.

Nagagambala na ang pag-iisip ni Manuel dahil sa kinikilos ng anak. Ang sinabi nito sa kaniya ay hindi maganda ang kaniyang pakiramdam kaya hindi ito pumapasok. Pero ilang linggo na at nagdududa na siya sa kinikilos ni Ligaya.

Sinusubukan naman niyang intindihin ito ngunit ngayon ay hindi na niya napigilan pa.

"Anak..."

Napasinghap si Ligaya dahil sa gulat. Hindi na siya lumalabas. Hindi na niya ginagamit ang cellphone niya. Nag-aalala si Manuel sa kaniyang anak. Nababahala rin siya para sa pag-aaral nito.

"K-kumusta ka na...? Ayos ka lang ba...? M-may masakit pa ba sa'yo...?_ Malumanay niya itong tinanong.

Tulad ng dati ay iling lamang ang sagot ni Ligaya dahilan para hindi maunawaan ni Manuel ang pangyayari.

Totoong masama ang pakiramdam ni Ligaya. Ilang araw na ring naglalaro sa kaniyang isipan kung ano ang gagawin niya sa batang nasa kaniyang sinapupunan.

Alam ni Manuel na may mali, ngunit ayaw niyang biglain ang kaniyang anak. Natagpuan niya ang kanyang sarili na patuloy na nakatingin kay Ligaya, hinahanap ang sigla sa mga mata nito, ngunit wala. Para bang hindi na niya ito kilala. Mas naging mahina at maputla pa ito sa anak niyang si Sinta.

"Anak... Ilang araw ng ganiyan ang sagot mo. Ilang linggo ka na ring hindi pumapasok... M-may pinagtataguan ka ba? Ligaya..."

Naririnig naman ni Ligaya ang mga binibigkas ng ama ngunit lugmok na lugmok na siya na kahit ang magsalita ay hirap na hirap siyang gawin. Tulala lamang siyang nakatingin sa kawalan.

"M-may tinatago ka ba sa'kin anak...? P-p'wede mo namang sabihin sa'kin 'yon? Pamilya tayo hindi ba?"

Natigil si Ligaya. Dahan-dahan niyang ibinaling ang tingin sa kaniyang ama. Habang ang kaniyang mga mata ay nakatuon sa mukha nito ay hindi niya maiwasang mapait na ngumiti kasabay tumulo ang kaniyang mga luha, hanggang sa tuluyan na siyang humagulgol.

Kaagad siyang niyakap at inalo ng ama. Nakaukit sa puso ni Ligaya ang sakit at ang kaniyang mga mata, ay hindi na mabasa ni Manuel.

"Sorry Pa... Sorry... Patawarin mo 'ko... Sorry pa..." Paulit-ulit na saad ni Ligaya.

Wala namang ka-ide-ideya si Manuel sa sinasabi ng anak ngunit patuloy niya itong pinapatahan. "Shhh... Tama na... Tama na... Bumagsak ka ba? May uma-agrabyado ba sa'yo sa school?"

Imbes na makakuha ng sagot ay iyak lamang ang naitugon ni Ligaya.

"Shh, tahan na... Tama na anak... Wala kang kasalanan... Wala kang kasalanan... Hindi mo kasalanan ha..."

Pinakalma ni Manuel si Ligaya. Hindi niya maiaalis sa kaniyang sarili ang pgkalito ngunit mas nangingibabaw ang kaniyang pagiging ama. Nasasaktan siyang nakikitang nagkakaganito si Ligaya.

Patuloy ang pag-iling, paghagulgol, at pagtulo ng mga luha sa mukha ni Ligaya.

Sumasakit ang puso ni Manuel para sa kaniyang anak. Alam niyang may tinatago itong bagay kaya nagkakaganito si Ligaya. Nais niyang malaman ang katotohanan mula rito ngunit, alam din niya na maaaring ang kaniyang pagpilit para magsalita ito ay baka magpalala lamang lalo ng sitwasyon.

FRAGMENTSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon