CHAPTER 13

7 2 41
                                    

MONDAY.

Papunta sila ni Seb sa laboratory ng makita nila si Cian at ang isang babae. Siya yung babaeng kasama nya sa Gala Night. Iiwas na sana si Paige habang hindi pa sila napapansin ng binata ngunit bago niya magawa ang plano nya, tinawag ito ni Seb.

"Hey, Cian!" He bellowed and waved his hands to catch his attention.

"Oh, kayo pala. Hi, bud." He greeted casually.

"Hi." Matipid niyang bati.

"Where have you been? I haven't seen you for ages!!" Seb uttered exaggeratedly.

"Ah, busy lang."

"Busy? With what? Or rather, with whom?" Binalingan nya ang babaeng kasama nito. "With her?" Paige stared at him sharply. Nasosobrahan na naman nya kasi ang kadaldalan nya.

Cian chuckled. "Ikaw talaga, Seb. Anyway, this is Stacey, nililigawan ko. Stace, this is Seb or Sugar, and my childhood friend slash best friend, Paige."

"Hi, I'm pleased to meet you." She smiled.

"Same here." Paige answered as she tried to smile. Nagdadalawang isip kasi siya dahil baka katulad na naman si Stacey ng mga unang niligawan ni Cian.

"Bakit pala hindi namin kayo nakita nung Gala night?" Seb asked out of nowhere.

"Andun kami, kaya lang maaga kami umalis kasi sumama pakiramdam ni Stacey so, I have to bring her home." He answered in detail.

"Kaya pala. Sayang, hindi tuloy kayo nakapag-sayaw ni bestie. Di ba, yun yung promise mo sa kanya dati? Nung kinukwento mo yung about sa Gala night nung bago pa lang kami here." Tinatapik na ni Paige ang kaibigan upang tumigil na ito sa kadaldalan nya pero sadyang ayaw nitong paawat. Naiinis na tuloy sya.

"Oo nga eh." Binalingan nito ang dalaga. "Bud, sorry ha. I wasn't able to keep my promise. Unexpected things happened kasi eh. Sorry." He said apologetically.

"Okay lang yun, bud. No worries.." She faked a smile dahil sa totoo lang, naiinis na sya kay Seb.

"Oh sya, we'll go na. Baka ma-late pa kami sa klase namin. Basta next time, wag kang MIA Cian ah." Seb.

"Huh? What's MIA?" Takang tanong ng binata.

"MIA, missing in action! Di ka kasi nagpapakita! Hehe. See yah!"

Napailing na lamang ang binata. Halos kaladkarin na sya ni Paige upang makalayo na sila. Kanina pa din kasi sya naiinis.

"Aray naman bestie! Nasasaktan ako!! Why so sungit ba?!"

"Alam mo Seb, nakakainis ka! Napaka-daldal mo!" Masungit na turan nito.

"Why? Masama ba maging madaldal? Totoo naman yung mga sinabi ko ah!"

"Pero hindi mo na dapat sinabi ang mga yun. Nakakahiya! Andun pa naman yung nililigawan niya."

"Bestie, dapat lang yun. Mas maiging malaman niya at marinig niya. Bakit? Totoo namang nag-promise si Cian sayo na isasayaw ka niya sa Gala night pero dahil sa babaeng yun hindi natuloy!" He blurted without pausing.

"Ano na lang ang iisipin ni Stacey? Na nagpaparinig ka?"

"Hay naku, isipin nya ang gusto niyang isipin, bestie. Nililigawan pa lang siya, ikaw ang best friend, she should know her place, noh!"

"Nakakahiya talaga! Ano na lang din ang iisipin ni Cian? Wala kasing preno yang bibig mo, Seb." Pigil na pigil ang inis niya dahil ayaw niyang magkasamaan sila ng loob ng kaibigan.

"Bestie, bakit ba kasi masyado kang concern sa iisipin ni Cian at Stacey na yun? Wala naman akong sinabing masama. In fact, tinulungan pa nga kita kasi hindi mo kayang sabihin ang nararamdaman mo."

UNINTENDED LOVETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon