CHAPTER 21

10 0 5
                                    

"P-Paige, iha. Si C-Chase...he got into an accident..." Natutop niya ang kanyang bibig dahil sa pagkabigla. Nagkatotoo ang kutob niya. Nag-unahan sa pagpatak ang mga luha niya. "Papunta kami ng lolo niya sa may hospital sa tagaytay, dun daw siya dinala. I asked Carlo to fetch you. He's already on his way as we speak. Magkita na lang tayo dun ha. Mag-ingat ka iha."

Mamita ended the call before she could say anything. Ilang minuto siyang natulala bago siya bumalik sa katinuan niya. She rushed to bathe and prepare her things. Naa-aligaga siya dahil sa magkahalong puyat at pag-aalala.

Maya-maya pa ay dumating na si manong Carlo upang sunduin siya at ihatid sa tagaytay. Habang nasa daan, nagdarasal si Paige na sana maging okay ang lahat. Hindi kasi talaga siya mapakali. Inaatake na naman siya ng anxiety nya.

HOSPITAL

Pagdating ng lola at lolo ni Chase sa hospital ay agad nila itong hinanap. Ngunit ang sabi ng mga nurses, nasa operating room pa ito. Sinabihan silang maghintay na muna sa lobby. A moment later, lumabas na ng operating room ang doctor.

"Doc, how's my apo? Kumusta siya?" Alalang tanong ni Mamita.

"He had multiple lacerations and abrasions and a puncture wound in the stomach caused by a sharp object. We performed surgery on him earlier, good thing walang vital organs na tinamaan. May mga bubog din na tumama sa kanyang mukha at katawan kaya we also performed debridement para alisin ang mga bubog or foreign objects. May mga maliliit din na bubog na nakita sa mga daliri niya sa kamay pero mukhang hindi iyon galing sa aksidente. Ayon sa imbestigasyon ng mga pulis, basag ang isang bintana ng sasakyan ng apo nyo kaya batay sa report nila, mukhang pinagsusuntok nito ang bintana ng sasakyan hanggang sa mabasag ito. Luckily, wala siyang natamong fracture sa kamay, just sprain. Usually kapag malakas ang impact, may tendency na nababali o nadudurog ang mga buto sa daliri. If that happens, there will be another surgery and it will take months to recover." Mahabang explanation nito. "For now, he's out of danger. But we need to monitor him for the next 24 hours while waiting for the result of his MRI."

"When can we see him, doc?"

"Right now, he's in the recovery room for monitoring and until the anesthesia wears off, which should take about 30 minutes or so. Once he is transferred to his designated room, you'll be able to go see him."

"Thank you so much, doc!"

"Do you have any more questions for me or anything you want to clarify before I go?"

"That would be all doc, thank you!"

"Okay then, I'll go ahead."

Medyo nakahinga ng maluwag ang ginang dahil sa tinuran ng doctor ngunit hindi pa rin niya lubos maisip kung bakit nagka-ganun ang apo nila. Niyakap siya ng kanyang asawa. Tulad niya, nalulungkot din ito dahil sa sinapit ng kanilang apo.

Ilang sandali pa ay dumating na sa hospital si Paige. Nung matanaw siya ng ginang, agad itong tumayo upang salubungin siya at yakapin.

"M-Mamita, kumusta po si Chase?" She asked when they parted.

"He's still in the recovery room, but the doctor said he's okay for now." Ipinaliwanag nito sa dalaga ang sinabi ng doctor sa kanila. Nakokonsensya siya dahil sa sinapit ng binata.

Before she could utter another word, may lumapit sa kanilang nurse. "Excuse me po, kayo po ba ang relatives ni Mr. Chase Lester Brentford?"

"Yes." Mabilis na sagot ni Mamita.

"Nailipat na po namin siya sa room 615. Pwede niyo na po siyang puntahan."

"Sige, nurse. Salamat!"

Napakunot ng noo ang dalaga dahil sa labis na pagtataka. Ngayon lang din niya napansin ang matandang lalaking nasa likuran ng ginang. 

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Aug 25 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

UNINTENDED LOVETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon