Shit.
'Yan ang unang salitang lumabas mula sa bibig ko nang maalala kong tingnan sa phone ko kung ano ang magiging lagay ng panahon sa lugar kung nasaan ako. Masyado yata akong nalibang sa pagbabasa rito sa library-slash-lounge na binisita ko kaya hindi ko na namalayan ang oras. Masyado rin siguro akong na-excite na makabisita rito kaya nakalimutan ko nang tingnan ang weather app sa phone ko bago ako umalis ng apartment kanina, bagay na hindi ko naman nakakalimutang gawin palagi bago umalis ng bahay, kaya hindi ko alam kung magiging maganda ba ang panahon buong araw o hindi.
Laking gulat ko nang makita ang icon ng ulap na may kidlat, senyales na malaki ang tsansang umulan sa kalakhang Seoul.
'Heavy rainfall? Totoo ba?'
Napabulong ulit ako ng isang malutong na "shit".
Nagmamadali akong tumayo at saka ibinalik ang mga librong dapat sana ay babasahin ko mula sa pinagkuhanan ko sa mga ito. Ipinasok ko naman sa bag ang mga librong nabili ko sa isang secondhand bookstore malapit dito. Pagkatapos, walang lingon-likod kong tinungo ang hagdang pababa mula sa ikatlong palapag ng gusali.
In-unlock ko ang phone ko habang pababa. Rumehistro sa home screen nito ang oras. Walong minuto makalipas ang alas kuwatro. Dumiretso ako sa weather app para tingnan ulit kung tama nga ba talaga ang nakita ko noong unang beses ko 'tong ch-in-eck o nagloloko lang. Makailang beses ko pang ni-refresh ang app para makasigurado.
Pero hindi nagbago ang nakalagay rito. Kumpirmado, uulan nga talaga bandang alas kuwatro ng hapon.
Nanginig ang sikmura ko, pero alam kong hindi 'to dahil sa gutom.
Hindi sa pagiging OA, pero ayoko talagang abutan ng ulan sa labas.
Shit talaga. Alas-kuwatro ba talaga uulan? Alas kuwatro pasado na ah? E 'di paulan na?
Natigilan ako sa paghakbang.
'Teka nga. Bakit ba ako takot na takot maabutan ng ulan, eh may dala naman akong payong?' sa isip-isip ko. Ngumiti ako, huminga nang maluwag at ipinasok ang kamay ko sa bag ko para kapain ang dala kong payong.
Agad rin namang nawala ang ngiti sa labi ko nang hindi ko ito nakapa sa loob.
'Shit. 'Wag mo sabihing...'
Binuksan ko na nang tuluyan ang bag ko at dali-daling sinuri ang mga laman nito, at nang hindi ko nakita rito ang dilaw na payong na palagi kong dala kahit saan ako magpunta, nanlaki ang mga mata ko kasabay ng pagbalik ng kaba ko.
Napahilamos ako ng mukha. “Shit naman, Shan. Sa lahat ng araw na makakalimutan mong magdala ng payong, ngayon pang paulan? Ang tanga,” pagalit ko sa sarili ko habang pilit kong inaalala kung saan ko 'yon nailagay o nailapag. Hindi ko naman kasi 'yon inaalis sa bag ko, kaya nakakapagtaka na wala 'yon dito.
Napabuntong-hininga ako. Ipinasok ko ang isang kamay ko sa bulsa ng pantalon ko habang patapik-tapik ang paa ko sa sahig, bagay na nakasanayan ko nang gawin kapag kabado o balisa. Kailangan kong makauwi bago ako abutan ng ulan. 'Yan lang ang tumatakbo sa utak ko.
Kung alam ko lang na uulan pala ngayong araw, hindi na sana ako tumuloy sa lakad ko.
“Shit. Paano ba 'to?” mahinang bulong ko sa sarili habang nakatingin sa bahagi ng langit na kita sa malaking glass window ng gusali.
Nawawalan na ako ng pag-asa nang parang may suminding bumbilya sa ibabaw ng ulo ko tulad ng sa mga palabas nang maalala ko si Karl.
Shit. Why did I forget about Karl?
'Online kaya siya?'
In-unlock ko ulit ang phone ko at hinanap ang chats namin ni Karl. Hindi naman ako nahirapan dahil nasa recent messages lang siya. Natawa pa ako nang bahagya nang makita ang nickname na s-in-et namin para sa isa't isa.
YOU ARE READING
With His Eyes Closed (The Senses Series #1)
RomanceA call is all it took to ruin the two most important things to Shan: his happiest moment in life and all of the plans he carefully laid for his family's future. When Shan and his family received a devastating news through a phone call, he knew for a...