CHALLENGE #2Slave
--
BAEKHYUN
"Bitawan mo sabi ako eh!" Pagpupumiglas ko sakanya.
"Angbango-bango mo talaga, Baby Smurf." He said while sniffing my neck. Tingini, nakikiliti ako.
By that, I immediately kicked his manhood. "Oww." Napaluhod siya at napa-aray sa sakit.
"Uy, Baekhyun." Bati sakin nila Sehun nang makita ako. Napatingin naman siya sa direksyon ni Chanyeol na namimilipit sa sakit at nakaluhod. "Oh, Chanyeol hyung, anong nangyari?"
I thought Chan's friend will going to help him get up, but I was wrong. They even laughed at Chanyeol's situation. What a great friends.
Chanyeol glared at them. "Pfft. Ano ba kasing ginawa mo, Chanyeol at tinuhod ka ni Baekhyun?" Xiumin asked.
"Oo nga, Baekhyun. HAHAHA!" Nakisabay pa si Chen. Mga loko.
I just looked at them and Chanyeol who is suffering in pain while kneeling down. Di ko alam kung anong dapat maramdaman habang tinitignan si Chanyeol. Maawa, makonsensya o matawa.
"Okay lang, babes. Malayo 'to sa bituka. Di ako mababaog, malakas kapit nito. Mabubuntis pa kita. Labyu!" Dahil dun, mukha niya na ang sinapak ko. "Aray, Baek!"
"Matuluyan ka sana. Pisti." Tinalikuran ko na siya doon, dahil andun naman sila Sehun para tulungan siya. Well, tutulungan ba talaga? Jusko, hindi maasahan ang mga 'yon, pero teka-- Asan na si Kyungsoo? Kanina ko pa hinahanap 'yun ah.
Bumaba na ako, dahil paniguradong bumaba na 'yun, pero nakita ko siya kanina sa floor na 'to. Ano naman kayang ginagawa ni Kyungsoo dito? Eh wala namang klase sa floor na yun at puro mga studio room lang ang nandoon, atsaka tinawag ko na siya tas biglang nawala. Nako, kukutusan ko na talaga ang penguin na 'yun.
Napunta ako sa ground floor na kumpulan ng tao. Maliit si Kyungsoo, mahirap siyang hanapin sa crowded na tao.
"Excuse me," Tawag ko sa kablock mate ko kanina. Humarap naman siya at nagulat. Hindi naman kasi ako yung tipo ng tao na unang maga-approach, kaya talagang magulat siya. "Oh, Baekhyun. Bakit?"
"Nakita mo ba si Kyungsoo?" Diretsa kong tanong.
"Ah, si Kyungsoo." Bigla siyang napaisip. Gusto ko siyang sampalin dahil napakatagal niyang magisip at nakaposing pa siya na akala mo talagang nagiisip. "AH!"
"Nakita ko siya kanina. Ngayon-ngayon lang. Hindi mo ba nakita? Nakabunggo niya pa nga si Jongin na mukhang badtrip eh." Pagk-kwento niya, "Gulat nga ako hinila ni Jongin si Kyunngsoo bigla-biglaan tas dumiretso sila sa emergency exit stairs." Bat naman sila pupunta doon? Hindi naman sila close para bigla nalang hilahin ni Jongin si Kyungsoo. Ohmygod, pinagtataksilan ba ako ng bestfriend ko? Pero, ang alam ko, straight siya ah. May hindi ba ako alam? "Baka pumunta silang rooftop."
"Sigurado ka ba diyan?" Paninigurado ko,
"Oo, pinagtinginan pa nga sila nung nagkabunggo kasi sumubsob si Kyungsoo, tas bigla nalang siyang binuhat ni Jongin na parang sako." Binuhat ni Jongin si Kyungsoo? Kingina, tataa ba 'to o titii? "Nagiba nga aura ni Jongin eh, hindi siya nakangiti nakapagtataka. Tas, alam mo ba, si Krystal kasama si Myungsoo naglalandian. Nako, sinasabi ko na nga ba! May tinatagong kahigadan 'yan si Krystal! Pero deadma lang kanina si Jongin, pero binuhat niya talaga si--," Tinakpan ko ang bibig niya. Dalawa lang naman ang tanong ko, at dalawang sagot lang ang kailangan ko, pero chismosa ang gaga.