DISCLAIMER/chapter 1

0 0 0
                                    

Disclaimer

This story is a work of fiction and does not depict real people or events.

Please be advised that this story contains mature themes and content that may not be suitable for all readers. It may include strong language, violence, sexual situations, and other mature topics.

If you encounter any errors or grammatical issues, please note that this is a work in progress and is subject to revision.

Reader discretion is advised.

Thank you for reading.

   _______________________________________

Honeymoon location

"This is it, we're married now, wala kanang kawala sakin paupau." I said and give her a smack kiss. Nandito kami ngayon sa coron palawan para dito ganapin ang honeymoon namin, 3 days lang kami dito kaya dapat wala kaming oras na sayangin.

"Halika dito love, look at the view." inaya ako nito sa may veranda, kakarating lang din namin dito sa hotel na pag sstay-an namin. Niyakap ako nito patalikod habang naka tingin ako sa ganda ng lugar, ang kulay asul na dagat, ang tirik ng araw, ang purong white sand ng coron napaka ganda talaga. "Ang ganda talaga dito no." saad ko dito.

"Mas maganda ka" sabay halik nito sakin pisnge na namumula dahil sa sinabi niya, sobrang tagal na namin mag ka relasyon pero ganon pa din epekto niya sakin.

"Okay nice try, sana wala nang kasunod yan" ako naman itong si indenial kahit halata naman kinikilig ako sa mga banat niyang napaka corny sa iba pero pag saamin cute. Hinawakan ko naman mga kamay niyang naka pulupot sakin bewang.

Ang ganda,  ang gandang mabuhay sa mga ganitong oras na ramdam mong mahal na mahal ka ng mahal mo, sana sa next life ko siya pa din ang makakatuluyan ko.

"Can we eat lunch before tayo mag pahinga love?" Alas dos palang naman kaya may oras pa kami para kumain at magpahinga then mamaya bakbakan na.

Namula nanaman ako sa naisip ko, "okay love, ikaw na mag order ng pagkain natin, mag aayos lang ako ng mga gamit natin hmm." humarap ako dito tsaka siya hinalikan at iniwan sa may veranda upang mag ayos ng mga gamit namin.

Pagkatapos kung magligpit ng mga gamit namin tsaka naman may nag doorbell, binuksan naman ito ni pauleen, siguro yan na yung inorder niya. "Ash the food is ready, let's eat." pasigaw nito dahil nasa closet ako.

Pumunta naman agad ako para makakain na kami.

Tahimik lang kaming kumakain siguro kasi sobrang gutom na rin at pagod, binigyan ko pa ito ng ulam sa plato niya dahil kunti lang kinuha niya.

"How's your work?" Tanong nito sakin, isa kasi akong teacher,  mahirap maging teacher lalo na pag mga teenager ang tinuturuan mo pero madalas din na masaya dahil sa kanila dahil nakakasabay ako sa mga trip nila.

"Hmm okay naman, masyado lang makukulit mga bata pero kaya naman, how about you?" My wife is a doctor, a cardiologist, she's  a hardworking person, kahit kita na sa mga mata niyang pagod na siya, laban pa din dahil kailangan siya ng mga taong gusto pang mabuhay. I'm so proud of my pauleen.

"Okay lang naman love " ngumiti pa ito para mas masigurado niyang aayon ako sa kanya.

"are you sure pau?" Tanong ko rito, ngumiti lang ito sakin, alam ko naman mag sasabi siya pag hindi siya okay pero gusto ko pa rin siyang tanungin.

Pagkatapos namin kumain ay inayos ko lang pinagkainan namin, habang si pauleen ay nag lilinis na ng kanyang katawan.

Pagkatapos kung maglinis ay pumasok naman ako sa kwarto para sumunod na mag linis ng katawan, bumukas naman ang bathroom kaya napatingin ako dito naka suot lang naman siya ng puting t shirt then lounge shorts na black, ang hot niya pa rin kahit sa simple niyang sout ngayon.

Take a chance with me (Series1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon