XVIII - I

246 26 17
                                    

Azrael's


Hindi ko alam kung nananaginip lamang ako o totoo ba ang lahat. Kinailangan ko pang kurutin ang sarili ko upang malaman na nangyayari ang lahat ng ito, at dapat pala ay hindi ko na lamang ginawa dahil nag-iwan iyon ng marka sa aking braso.

Tsk. Ang sakit, tangina.

Pinagmasdan ko ang namumulang bahagi ng aking braso nang mabaling ang tingin ko sa tato na nasa aking kaliwang kamay. Hindi ko talaga maalala na ipinalagay ko ito rito. Marahil pinag-tripan ako nila Intoy at Kulot noong isang araw na nag-chongke kami.

Sobrang naguguluhan na ako sa mga nangyayari. Gusto ko na lamang i-umpog ang ulo ko sa pader upang magising.

August 17, basa ko sa petsa na isinulat malamang ng aming guro kanina sa pisara. I've always been accustomed to controlling the narrative of my own life, kahit nga sila mama at papa ay walang nagagawa kapag ako na ang nag-dikta para sa sarili ko. Pero tangina lang, hindi ko talaga malaman kung ito na ba ang resulta ng pagiging gago ko at pagcho-chongke.

Bihira kong matagpuan ang aking sarili sa isang sitwasyon kung saan lutang ako, where my unparalleled intellect and keen sense of superiority were not enough to navigate the complexities before me. Kaya, isipin mo na lamang ang aking pagkalito-hindi, ang aking galit-nang malaman kong bumalik ako sa nakaraan.

Kahit sinong nasa tamang pag-iisip naman siguro ay hindi matutuwa at maguguluhan kung makikita mo na lamang ang sarili mo sa isang sitwasyon na nagdaan at nangyari na, dahil tangina tandang-tanda ko ang araw na ito. Kung August 17 ngayon, naka-tira nga ako ng chongke kagabi dahil nag-inuman kami nila Intoy.

Pasimple kong inihilamos ang aking kamay sa aking mukha papunta sa aking ulo.

Eh, tangina, kanina lamang ay nakatayo ako sa kanto ng bahay ng binabaeng katabi ko't kausap ang isang adik—puta!

Oo, kung hindi ako nagkakamali ang pangalan nang adik na iyon ay Samael. Paano ko naman makakalimutan eh kani-kanina lamang iyon nangyari. Tinignan ko ang aking orasan, and it's 6:55 AM.

What the fuck? It was just 6:30 PM a second ago.

"Today wasn't meant to be her time, hindi pa ngayon. May oras ka pa upang iligtas siya, Azrael."

Tila sirang plaka na umuulit sa aking utak ang mga katagang sinambit nung gago na 'yon. What on earth is he talking about, na hindi pa dapat siya mamamatay at mayroon pa akong oras na iligtas siya.

Damn it! I buried my face in my hands, trying to clear my mind and make sense of the chaos. If this whole time travel situation is supposed to give me a shot at rescuing her, then why the hell am I back here, 13 days after her death? Hindi ko maintindihan. Bakit hindi na lamang ako bumalik sa oras kung kailan siya mamamatay, 'yon ay kung talagang maililigtas ko siya.

It feels like the universe is playing a cruel joke on me. I don't deal with riddles or half-baked opportunities—when I step up, I expect results.

This isn't just about time—it's about making every moment count.

Nabaling ang tingin ko sa binab—babaeng katabi ko. I looked at her intently. Here she is, alive and, shockingly, sitting next to me with a smile that defied the boundaries of time. She is absorbed in writing everything down from the board, bakas ang ngiti sa kaniyang labi habang mataman na nakikinig sa aming guro.

DemonyoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon