Siguro, kung nasa lupa lang si Satanas, matagal na niya ako nakaladkad papuntang impyerno.
“Kailan kaya sila magb-break?” wala sa sarili kong tanong.
Napairit ako nang hampasin ako ng mga kaibigan ko. Ngunit bumalik din kaagad ako sa pagkakaayos ng upo habang tinititigan si Verco kasama ang kaniyang girlfriend.
Para namang walang paki sa kaniya ang girlfriend niya at isa pa, halatang ginagamit lang siya sa kama.
Pinanood ko kung paano haplusin ni Verco ang hita ng girlfriend niya sa ilalim ng mesa. Nakapalda iyon. Pinisil niya pa ito at tila ba minamasahe.
Hita ko na lang sana.
“Balita ko nagkakalabuan ang dalawang yan. Hindi na ako magtataka dahil parang wala lang namang paki sa kanya ang girlfriend nya.” sambit ng aking kaibigan.
Sabi nila, masarap kumantot si Verco. Kaya siguro ginagamit lang siya noong girlfriend niya.
Kung ako na lang sana, edi sure win sya. Handa akong magpagamit sa kama o kahit saan pa. Kaya ko rin siyang mahalin, higit sa pagmamahal ng babaeng iyon.
“Break na sila.”
Makalipas ang ilang araw, iyon ang bumungad sakin sa paaralan. Mabilis kong nilingon ang aking kaibigan.
“Totoo?” hindi makapaniwala kong sabi.
“Si Verco raw nakipaghiwalay. Totoo! Bumabalik na rin si Verco sa mga bar, lagi siya nakatambay!”
Tumalbog ang puso ko sa tuwa. Single na siya, at lagi siyang nasa mga bar. Paano kung may matipuhan siya roon? Gagawa na ba ako ng paraan? Na ako muna?
“Puntahan natin,” tila ba uhaw na uhaw kong sabi.
“Aba naman, Sia. Ang kapal naman ng mukha mo? Galing break yung tao tapos lalandiin mo?”
Ngumisi ako. “Ano naman? Kung single na, ano naman?”
Napailing sila. Pero ako, hindi mawala wala ang ngiti sa labi sa binabalak mamayang gabi.
Hindi nga ako halos magkaintindihan sa susuotin ko. Ang pinasexy at fitted talaga na damit ang isinuot ko.
Kahit kailan, hindi niya ako napansin dahil may girlfriend niya. Kahit kailan din, kahit konting sulyap, hindi ako nadapuan.
Kaya ngayong gabi, hindi pwedeng wala lang.
“Ang ingay rito, Sia. Marami rin tao. Hindi mo mahahanap si Verco.”
“Maupo na lang kayo dyan, ako na ang maghahanap.” sambit ko.
Sinuyod ko ang dance floor pero wala siya. Ngunit agad ko siyang nakita sa couch. Maraming alak sa lamesa ngunit nag iisa. Pinanonood lang ang mga tao sa dance floor at umiinom ng alak.
Lalapit sana ako. Pero tumayo siya para humalo sa mga tao. Agad akong pasimpleng sumunod doon at nakipagsabayan sa mga sumasayaw.
Pilit ko siyang sinusundan. Kahit konting lapit lang. Nang maglapit na kami, pinilit ko ang sarili ko na hindi siya tingnan at sumayaw lamang.
I bit my lower lip when he accidentally bumped into me. Parang normal lang niyang hinagip ang bewang ko at ikiniskis sa kaniyang bakat ang gumigiling kong bewang.
Mula sa aking likuran, mahigpit niya akong inangkin ng yakap sa bewang.
“Sir..” mahinang sabi ko.
He doesn't know me. He never knew about my existence.
Tumigil ako sa paggiling. Mas lalong humigpit ang pagkakahawak niya sa aking braso at animo’y akala tatakbuhan ko siya.
