TRIGGER WARNING:
This story contains themes of violence, bullying, abuse, and topics that may be upsetting or triggering for readers which may not be suitable for some individuals. There are also unpleasant words used, and violent scenes that may not be suitable for everyone. Please be aware of your emotional well-being and seek support if needed. Reader discretion is advised.
***
AGAIN PO, THIS STORY INCLUDES DISCUSSIONS ABOUT BULLYING, VIOLENCE, AND THEMES THAT ARE INAPPROPRIATE FOR YOUNG AUDIENCES. IT ALSO TACKLES ABOUT TRAUMA, DRUGS AND SUICIDE, AND THE PREVIOUS CHAPTERS HAVE BEEN REALLY DARK THAT I TOO STRUGGLED WHILE WRITING IT PO.
I ADVISE YOU TO PLEASE STAY CAUTIOUS AND PRIORITIZE YOUR MENTAL WELL-BEING. PLEASE REMAIN GUARDED WHILE READING, AND KINDLY PRAY FOR ALL THE VICTIMS OF BULLYING WHO SUFFERED.
IF YOU KNOW A PERSON WHO'S BEEN STRUGGLING WITH MENTAL HEALTH, PLEASE REACH OUT TO THESE FOLLOWING RESOURCES, IMMEDIATELY:
National Center for Mental Health Crisis Hotline:
0966-351-4518
0917-899-USAP
0917-899-8727
0908-639-2672Bantay Bata Helpline163
163Hopeline 24/7
(02) 8804-4673In Touch: Crisis Line
+63 2 8893 7603Tawag Paglaum - Centro Bisaya
0966-467-9626***
CHAPTER XXXII
Alas tres na ng madaling araw at hapong-hapo na si Nathaniel dahil hindi pa siya nakakapagpahinga. Hindi pa siya nakakatulog. Halos mabaliw na siya at ang gulo-gulo na rin ng kaniyang buhok.
Kung saan-saan na siya nagpunta. Pinasok niya na rin ang iilang mga daan patungo sa bundok ngunit wala siyang nakikitang bakas ni Ligaya.
Naupo na lamang si Manuel sa isang tabi at napasandal sa isang malaking puno. Pinagsalop niya ang kaniyang palad at tulala siyang nakatingin sa lupa. Tumutulo ang kaniyang mga luha. Hindi na niya alam kung ano ang gagawin.
Napahilamos si Manuel sa kaniyang mukha. Kinumbinse ang kaniyang sarili. Mahahanap niya si Ligaya. Mahahanap niya ang kaniyang anak.
Nagsisimula pa lang sumikat ang araw. Nagbibigay ito ng liwanag sa ibabaw ng buhangin.
Umugong ang mga bulung-bulungan ng mga naki-usyuso sa isang bangkay na pinagkakaguluhan sa dalampasigan.
Nandoon ang isang babaeng pulis na agad rumisponde sa tawag ng mamamayan. Nakatayo ito't nakatingin sa isang katawang tinakpan na ng kumot.
"Yes Sir," sagot nito sa kausap niya sa telepono. "Babae ho. Teenager. Walang ID. Pero... siya 'yong nababalita." Napaiwas siya ng tingin sa bangkay. Nakikinig siya sa sinasabi ng kaniyang hepe. "Wala pong signs ng foul play pero... kailangan ng forensics."
May isa namang beachgoer na naki-usyuso at maingat na pumalapit sa pulis. "Oh my gosh! What happened?"
Naagaw nito ang atensyon ng pulis kaya nag-angat siya ng tingin. "Kilala niyo po ba siya?" diretso niyang tanong at malamig ang boses niya.

BINABASA MO ANG
FRAGMENTS (COMPLETED)
Teen FictionLigaya, a bright and determined young maiden from a poor family, struggles to overcome the challenges of poverty and bullying as she strives for a better future through education. Haunted by internalized negativity and the constant pressure to succe...