Kabanata 9
He knowsKASALUKUYAN akong nakasakay ngayon sa SUV na van na pagmamay-ari ng aming pamilya kasama ang mga kuya kong unggoy at pinsan kong mga ugok. Pauwi na kami ngayon dahil hapon na at hindi man lang ako naka attend sa mga subjects ko na natitira nong umaga at lalo na sa hapon na mga subjects ko. Nag aalala pa ako noong una dahil hindi pa ako nakapag-paalam sa mga professors ko na hindi ako makakapasok sa mga subjects. Kung hindi lang dahil sa nangyari kaninang umaga, e, di sana naka attend pa ako ng klase ko sa hapon.
Mabuti na lamang ay sinabihan na ako nila kuya's at nila insan na gumawa na raw sila nang excuse letters ko sa mga iba't ibang subjects ko habang nakahilata ako sa kama sa Clinic. Kaya wala raw dapat akong ika bahala, na hindi ako nakapasok sa mga kaklase ko dahil inasikaso na raw nila ng mabuti iyon. Akala ko nga wala na silang pakialam na hindi ako maka attend sa mga klase ko sa hapon.
"Hey, babysis, you okay?" kuya Asher.
rinig kong saad ng katabi ko sabay hipo nang noo ko na para bang tinitignan nito kung mayroon akong sinat. Hindi ko ito inimikan na mas lalong ikinataka nito.
"Wala ka namang lagnat?"
pagtatanong ulit nito sa'kin ngunit hindi ko pa rin ito inimikan. Napapatingin na rin sa amin ang iba kong mga kuya's at mga pinsan. Maski ang mga kaibigan nito na sumama pa sa amin ay nagtataka nang nakabaling ang tingin nila sa amin.
Ganoo'n rin ang ginawa ni kuya Keigan na nasa driver seat. Habang nagmamaneho ay patingin tingin pa ito sa front mirror na para bang tinitignan kung anong problema naming magkapatid.
"Princess, are you alright?"
nag-aalalang tanong nito sa'kin habang hindi pa rin inaalis ang tingin nito sa'kin na nasa front mirror. Hindi na rin ito mapakali ngayon sa driver seat ng tinignan ko lamang siya ng diretso at bumaling sa bintana. Kagaya lang ni kuya Asher, ay hindi ko rin siya inimikan.
"Bro, anong nangyayari kay baby doll?"
biglang sabat nang kung sinong nilalang. Walang iba kundi si kuya Jeron, the pulang manok. Nakita ko ring medyo nagulat ng kunti si kuya Asher na katabi ko lang.
Para ba namang kabuti itong si Kuya Pula, kung saan saan na lang tumutubo. Pula na lang pangalan niya, para madali. Dahil ka kulay lang din naman niya 'yung buhok niya at nagmumukha na siyang manok sa hitsura niya,
kuya Pula na lang.
"Ba ka may masakit pa sa'yo, babysis? Hindi mo lang sinasabi sa amin?"
"Dadalhin ka na talaga namin sa hospital, princess. Ngayon na.."
sari't saring kumento ng mga ugok kong mga kasama ngayon. Mas lalong hindi na mapakali sa pagmamaneho si kuya Keigan ngayon maski ang mga ibang nilang kaibigan ay nagkanda gulo-gulo na rito sa loob ng SUV.
"Keigan, idiretso mo na nga sa hospital. Ayaw na magsalita nang prinsesa natin,"
hindi mapakaling saad ni kuya Azriel na nasa likod lang kanina ng upuan namin, na ngayon ay napapadpad na rito sa kinauupuan namin ngayon ni kuya Asher.
Pasimple pa nitong hinawi ang daan kung saan nakabalandra ang maskuladong katawan ni kuyang pulang manok. Medyo nabigla pa si kuya Pula sa ginawa ni kuya Azriel, pero gumilid din lamang siya para bigyan ng daan ang kanyang kaibigan.
"Bro, sigurado ka?"
pagtatanong ni kuya Keigan na ngayon ay parang hindi na alam ang gagawin dahil sa sinabi ng kanyang pinsan. Hindi niya alam kung ililiko pa ba niya ang sasakyan o ididiretso.
YOU ARE READING
ARRANGE MARRIAGE WITH MR. COLD SSG PRESIDENT: (MAFIA BOSS OBSESSION SERIES #1)
RomanceMeet Irish Ezaneia Xin Katana Ferrer Lee 17 y/o, she is the type of girl who is boyish in short parang lalaki kung gumalaw talo nya pa ang kanyang mga kuya at pinsan dahil kung maglakad ay siga-siga, ang plagi nyang suot ay suot pang lalaki minsan n...