ASHLYN's POV:
"Hoy! Nakatulala ka na naman diyan! Saan na naman ba nakarating iyang utak mo't masiyadong kang lutang diyan?" -Maelyn
"Ano ba! Epal naman 'to eh. May iniisip lang ako."
"Iniisip, iniisip. Ano na naman iyang iniisip mo? Pagkain na naman no? Haha." Pang-aasar ni Cherlyn sakin.
" Oy hindi ah! Diet kaya ako. Tsaka isa pa, yung ano.. yung panaginip ko kasi."
"Bakit? Anong meron na naman diyan sa panaginip mo? Kilala mo na ba yung batang kasama mo dun?" -Maelyn
"Hindi pa nga eh. Pero may napansin ako."
"Ano yun?" -Cherlyn
"Isang necklace. Yung pendant niya may picture ng rose."
"Necklace? Eh ano namang meron dun?" -Cherlyn
"Oo nga. At rose pa talaga ha? Baka naman bading yung batang yun. Hahaha." -Maelyn
"Mga baliw! Tss. Parang nakita ko na kasi dati eh."
"Baka ordinaryong necklace lang yun, yung nabibili sa tabi tabi diyan." -Cherlyn
"Hindi eh, parang importante kasi yung necklace na yun. Saka hindi siya ordinaryong rose pendant lang. Yung rose kasi kulay yellow. Tapos ano, yung may kulay red sa bandang tip niya. Gets niyo?"
"Yellow na may red? Anong klase yun? Hmm. Anyways, huwag mo na nga isipin yun. Mall na lang tayo dali, may bibilin ako samahan niyo 'ko." -Maelyn
"Oo nga, tara na! Magboy hunting na lang tayo, dali!" -Cherlyn
"Oy, pass ako diyan ha. May Miggy na'ko. :'> Pero gora pa din tayo. -Maelyn
"Hmm. Gawain niyo talaga no? Sige na nga."
---
"Gutom na'ko, kain naman tayo please?" -Cherlyn
"Oo nga Maelyn, ang dami mo ng nabili oh."
Kanina pa kami lakad ng lakad dito sa Mall, si Maelyn kasi eh ang daming binili. Halos taga bitbit na lang kami dito.
"Hhm. Sige na nga. Saan ba tayo? Libre ko, since ako naman nagyaya dito." -Maelyn