ASHLYN's POV:
"Aly! Aly, baby? Ashlyn wake up!"
Narinig kong may tumatawag sakin. Pagmulat ko ng mata ko puro puti ang nakita ko. Napatingin ako sa kanan ko, mukha ni Mommy ang bumungad sakin.
"Mom? Nasaan ako? Anong nangya.. Ugh!"
Napahawak ako sa ulo ko. Ang sakit, ang kirot.
"Baby, huwag mo muna pilitin ang sarili mo. Nasa hospital ka ngayon. Bigla kang nawalan ng malay kanina ng nag-uusap tayo." -Daddy
Natatandaan ko na. Yung mga narinig ko kanina. Aish. Nag-iinit na naman ang ulo ko.
"A-anak. I'm sorr.." -Mommy
Tinapik ko yung kamay niya. Ewan ko, naiinis pa din ako.
Pero naalala ko yung nakita ko, yung panaginip ko? Tama, alam ko na.
"Mom, Dad! Alam ko na! Naalala ko na ang lahat. Bumalik na yung memory ko!"
Ang saya ko. Sa wakas!
"T-totoo anak? Omaygaad! Sweetheart, tawagin mo ang Doctor!" -Mommy
"O-oo, sige. Sandali." -Daddy
---
Natapos na'kong icheck-up Doctor. Kami na lang ulit 3 nila Mommy ang nandito. Kinuwento ko na din sa kanila ang lahat, ang totoong nangyari. Para naman hindi na din nila sisihin si Cayzer.
"Mom, Dad? Please huwag na kayo magalit kay Cayzer, I assure both of you wala talaga siyang kasalanan. Believe me."
"Sssh. Don't worry baby, naniniwala na kami. Sorry na din kung pinagbintangan namin siya. Mahal ka lang talaga namin kaya namin nagawa yun, kaya hindi na namin hinayaang pakinggan pa yung paliwanag niya. Huwag kang mag-alala, magsosorry ako sa kaniya. Sa parents niya, ang laki ng kasalanan namin sa kanila. :'("
Umiiyak na naman si Mommy. Pinapatahan naman siya ni Daddy.
"Okay na po, Mommy. Huwag na po kayo umiyak, naiintindihan ko na po. I love you Mom, Dad."
Nagyakapin kami dun, habang umiiyak. Atleast ngayon okay na, malinaw na ang lahat sa amin.