Chapter 3: It's him, again.

34 1 0
                                    

 ASHLYN's POV:

Isang linggo na din ang nakalipas matapos kong makita yung lalaking yun. Hindi ko alam kung bakit napaka familiar niya talaga. Parang matagal ko na siyang kilala, pero hindi ko talaga maalala kung saan ko siya nakita.

Nasa akin pa nga yung kwintas eh, hindi ko alam kung coincidence lang na parehas talaga yung necklace na'to sa panaginip ko or baka talagang.. Ay ewan ko! Nakakabobo mag-isip!

Anyways, hindi ko na din naman masiyadong iniisip yun. Sa ngayon kasi nagfocus muna ako sa pag-aaral ko, hell week kasi eh. If you know what I mean! >.<

"Sa wakas, natapos din ang madugong examinations natin. Hello sembreak na, yehey!" -Cherlyn

"Oo nga eh, stress free na din sa wakas. Grabe, nagulantang brain cells ko sa Math kanina ah. Hindi ako prepared, wala kaya sa pointers yun." -Maelyn

"Oy nandoon kaya, pinahabol ni Maam yun diba? Ikaw talaga, hindi ka nakikinig."

"Srsly? Ba't hindi ko alam. Kainis, 5 points din yun! Hindi ko tuloy sure sagot ko dun." -Maelyn

"Kahit ako nga din eh, shot gun lahat. Buti na lang multiple choice. Haha." -Cherlyn

"Eh hindi ka naman kasi nagreview eh, dakilang tamad!"

"Tse! Yabang ne'to, porket 'Best in Math' ka sa ating tatlo?" -Cherlyn

"Kasalanan ko ba yun? Haha. Tara na nga, libre ko na lang kayo. Mall tayo!

"Uh-oh, ngayon na? I can't. May naka sched. na eh, alam mo naman magtatampo yun kapag hindi ako sumipot." -Maelyn

"Uyyy. May date kayo ni Miggy no? Yiiieee!" -Cherlyn

"Oo, nakapag promise na kasi ako eh. After all, ang tagal na din naming hindi nakakalabas. Sorry talaga, bawi ako next time." -Maelyn

"Hmmp. Sige na nga, sayang minsan lang ako manlibre eh. Oh ikaw Cherlyn, sama ka?"

"Ah? Hehe. Hindi din eh. Kailangan ko kasing umuwi ng maaga girl, aalis si Mother eh. Pasensya na." -Cherlyn

"Ano ba iyan! Hmp. Sige na nga, ako na lang mag-isa. Osha, bye na!"

---

Nandito na'ko ngayon sa Mall, ano pa ba edi mag-isa ako ngayon. Inisnob ba naman ng mga kaibigan ko yung panlilibre ko? Aba, minsan na nga lang ako maging mayaman tinanggihan pa. Ha! Well, it's their lost. Magshoshopping na lang ako, sale nga pala ngayon. Hahaha. Sakto! \o/

Pagkatapos ng 2 oras, natapos din ako sa paglilibot ko. Madami dami din 'tong mga napamili ko ha. Nadagdagan na naman mga collection ko, napadaan kasi ako sa Comic Alley eh. Kung hindi niyo natatanong, cosplayer ako. Well, hindi lang talaga halata. Haha. Namili ako ng mga wigs at costumes na pwede kong magamit sa susunod na raket ko. Hihi.

*Grrrooowwwl*

(AN: My bad, hindi ko alam tunog ng kumukulong tiyan. Haha.)

Oops! Nagwawala na mga alaga sa tiyan ko. Anong oras na ba? Pasado alas siyete na pala. Dito na lang ako kakain para pag-uwi, diretso tulog na.

Nakapagpasyahan kong sa Max's ako kakain ngayon.

Nang nakaupo na'ko, nilapitan kaagad ako ng waiter nila dito. Hindi na'ko nag-abalang tignan pa siya, diretso tingin na lang ako sa Menu na binigay niya. Combo Meals na lang ang oorderin ko since mag-isa lang naman ako.

Sasabihin ko na sana ang order ko ng nagulat ako kung sino ang nasa harap ko.

"Ikaw?" "Ashlyn?"

Sabay naming sabi.

P-pero, anong sabi niya? Tama ba ang narinig ko, tinawag niya 'ko sa pangalan ko?

"Kilala mo'ko?"

S-siya, yung lalaking nakabangga ko.

"Ah, eh. Aly."

Aly? Magulang ko lang ang tumatawag sakin ng ganiyan. Pero bakit nung siya na, parang.. ang tagal ko ng naririnig sa kaniya yun?

"Sino ka ba talaga?"

Mukhang hindi niya inaasahan ang tanong ko, kahit ako eh. Bigla na lang yun ang lumabas sa bibig ko.

"A-aly.."

"Bakit mo'ko kilala? Sino ka ba talaga?"

Magkasunod na tanong ko. 'Di ko na pwedeng palagpasin 'to.

"Ah.. A-aly, upo muna tayo. Sa tingin ko nga dapat ko ng sabihin sayo ang totoo."

"Anong totoo?"

Kinabahan ako, ewan ko pero mukhang importante 'tong malalaman ko. Umupo muna kami. Nagstart na ding siyang magkwento sa harap ko.

My Bestfriend, My Boyfriend.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon