Prologue

19 2 0
                                    

"Umamin ka na. Try mo lang. Kahit sa messenger lang sabihin mo crush ko sya. Chat mo mamaya."

"Ayoko nga, gago. Hindi ko naman sya crush na crush.." Hinawi ko ang buhok ko at sinulyapan si Raven na nasa pinakalikod na upuan ng classroom namin. "Hindi naman ako papatulan n'yan. Tsaka hindi ko rin sya masyadong type."

Bahagya syang natawa sa sinabi ko. "Ulol, sinasabi mo lang yan. Hayaan mo na yang ex mo. Mas bagay kayo ni Raven.. yieee. Main ship."

"Dianne," tumigil ako sa pagsusulat sa notebook ko at nagbabantang tumingin sa kanya. "Wag ka maingay, gago, 'pag may nakarinig sayo tatadyakan kita."

"Kausapin mo kasi para naman mapansin ka nya."

Hindi ko naman intensyong mapansin nya. Ang tanging gusto ko lang ay magkaroon ng happy crush na nakikita ko palagi para mabaling sa kanya ang atensyon ko at mawala sa isip ko si Trevor kahit papa'no.

"Kakabreak ko lang."

"Ano naman? Hindi ko naman sinabing jowain mo si Raven. Tsaka, uso pa ba three month rule ngayon?"

"Mila, may tape ka ba dyan?" Tanong ko sa isa pang katabi ko. "Lagyan mo nga 'tong bibig ng babaeng 'to."

Noong nakaraang buwan lang naman ay parang wala pa akong pakialam sa kanya. Mayroon pa ngang mga sumisilip sa room namin na taga-ibang section para lang asarin ng mga barkada nito na may crush daw yung babae kay Raven. Hindi naman kasi maipagkakaila ang kagandahang lalaki nito kaya hindi na 'ko magtataka kung may iba pang magkakagusto sa kanya.

Simula nang sabihin ko kay Dianne na parang crush ko na yata si Raven ay hindi na nila ako tinigilan sa pang-aasar sa kanya. Minsan ay nakakakaba na rin dahil baka marinig sila ng iba pang mga classmate namin.

Ang sabi ko lang naman.. Parang crush ko si Raven. PARANG. Parang lang..

"Kassy, Kassy, Kassy," I lifted my head when Margot called my name. Nakayuko ako sa desk ko dahil hindi pa naman nagsisimula ang unang subject ngayong umaga. She pointed the door to me using her lips. "Bebe mo."

Mabilis akong lumingon sa itinuturo nya at pinigilang ngumiti nang makitang papasok pa lang si Raven.

"Ano ba, hayop ka.." Pilit kong itinatago ang kilig dahil sa pang aasar ng mga kaibigan ko kaya tumalikod agad ako sa gawi nya at hinarap si Mila para hampasin.

Nang maramdamang nakalampas na si Raven sa gilid ko ay tsaka ako bumungisngis at kinurot kurot si Mila.

"Ang gwapo, tangina.."

"Luh sya."

Tuwing umaga, break time, at uwian ko lang sya nakikita. Pangalawa sa unahan ang seat ko samantalang sya naman ay sa pinakalikod kaya nahihirapan akong sulyapan sya. Inaabangan ko lang lagi ang pagdaan nya sa gilid ko para lumabas.

Kahit pa mag-iisang taon na kaming magkaklase ay hindi rin kami masyadong close dahil tahimik sya at palagi lang nasa likod. Last week lang kami nagkausap dahil kasama ko sya sa isang group activity at doon ko lang din sya napansin. Do'n ko lang din sya naging crush. Halos ngayon lang kasi ako nagkaroon ng time para bigyang pansin ang mga tao sa paligid ko.

"Raven," gulat akong lumingon kay Dianne matapos nyang tawagin si Raven nang makalampas ito nang bahagya sa amin. Break time na at kagagaling lang nya sa labas. "Single ka raw ba? Pinapatanong ng tropa ko."

"Hoy, gago." Impit na bulong kay Dianne at kumapit sa braso n'ya para idiin do'n ang kuko ko.

Pinag-uusapan kasi namin kanina na may nakita raw dati yung mga classmate namin na may kasabay si Raven na mula sa strand ng ABM. Ngayon lang nya nabanggit sa akin dahil hindi naman ako interesado sa chismis dati. Bakit naman nya naisipang itanong pa yan?

The End Before The Beginning Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon