Matapos ikwento kay Dianne ang kataksilang sinabi sa akin ni Raven no'ng exam ay pinipilit nya sa'king nagseselos daw ito. Pilit ko namang dinedepensa na imposible 'yon dahil napatunayan ko naman nang crush nya si Gail. Isa pa ay masyadong genuine para sa akin ang nakita kong ngiti nya kaya kahit gustuhin ko mang paniwalaan na nagseselos nga sya ay hindi ko magawa.
Pag-uwi ko sa bahay ay binasa ko ang mga definition ng bawat parts ng title page hanggang chapter 5 ng practical research namin para idistribute na ito sa group namin. Pumayag akong gawin 'yon kapalit ng pagiging leader ni Gabrielle na hanggang ngayon ay hindi pa nya sinasang-ayunan.
Apat na araw lang ang ibinigay kong deadline para sa title page at chapter 1. Nang hindi sila magpasa nang kusa sa araw ng deadline namin ay nagreklamo ako kay Gab. Nagmessage sya sa group chat na ipasa na sa GC ang mga gawa nila or isend na lang sa akin.
Hinintay ko silang makapagpasa hanggang gabi. Nang abutin ng 8pm at si Raven na lang ang walang naipapasa sa'kin ay nagsimula na akong mainis.
Bwisit na lalaking 'to. Talagang ayaw nyang magfirst-move sakin ha. Ano? Ang lagay eh kailangan ko pa syang ichat muna bago nya ibigay yung part nya? Pagkatapos ng nalaman ko? Pagkatapos nilang mag-asaran pa mismo sa harap ko?!
Nakasimangot kong sinearch ang pangalan nya sa messenger para ichat ito. Sa isip ko ay naiinis talaga 'ko sa kanya ngunit parang mayroon din sa loob loob ko na natutuwa dahil madadagdagan na ang conversation namin sa messenger.
Hindi.. Wala yan. May ibang crush yan.
Kassy: yung part mo?
Naghintay ako ng ilang minuto bago nya ma-seen ang message ko. Nang mabasa ang pangalan nya sa notification ko ay agad kong binuksan 'yon. Talagang sinend nya lang yung part nya.
Hindi manlang nagsorry kasi late sya nagpasa. Napakapaspecial na kailangan pang i-pm para hingin sa kanya yung ginawa nya.
Nang basahin ko ang ginawa nyang background of the study ay kumunot na lamang ang noo ko.
Kassy: alam mo ba kung ano yung part mo?
Raven: background of the study sabi mo.
Kassy: pang-intro 'yan.
Sa akin ang introduction at nakagawa na 'ko no'n.
Raven: weh?
I reacted 😆 to his message.
Kassy: oo
Kassy: ano ba kasi pinaggagagawa mo, Raven?
Kassy: di ka kasi marunong makipagcommunicate eh.
Kassy: dapat nagtatanong ka muna sa'min bago ka gumawa para di mo na uulitin.
Kassy: sayang 'yan.
Sunod sunod na message ko. Alam kong isi-seen nya lang ako kapag hindi ko agad pinoint-out ang gusto kong sabihin. Mukang tamad na tamad 'yang makipag-usap sa messenger. Sabagay.. sa personal din naman.
Raven: gawa na lang ako ng bago.
Kassy: wag na.
Kassy: palit na lang tayo.
Kassy: ikaw na lang sa intro tapos ako background.
Kassy: di ko pa naman nagagawa eh, tinatamad pa ko.
Raven: reacted ❤️ to your message.
"Tanginang yan."
Nailapag ko ang cellphone ko sa inis nang hindi na sya magreply sa chat ko. Pagkatapos kong magsinungaling na wala pa 'kong nagagawa para lang hindi nya ulitin ang part nya, gaganunin nya lang ako? Aba! Hindi yata makatarungan yan!
![](https://img.wattpad.com/cover/374462804-288-k252921.jpg)
BINABASA MO ANG
The End Before The Beginning
Teen Fiction"When the time is right, I hope we meet again.. as the best version of ourselves." Sinubukan na namin ng ilang beses. Pabalik-balik, paikot-ikot, walang natututo. Mapapalapit sa isa't isa, magkakaroon ng hindi pagkakasundo, kaunting interaction, mag...