CHAPTER XXXV

1 1 0
                                        

TRIGGER WARNING:

This story contains themes of violence, bullying, abuse, and topics that may be upsetting or triggering for readers which may not be suitable for some individuals. There are also unpleasant words used, and violent scenes that may not be suitable for everyone. Please be aware of your emotional well-being and seek support if needed. Reader discretion is advised.

CHAPTER XXXV

Nakakuyom ang mga palad ni Nathaniel na tinitingnan ang itsura ng bar sa labas.

RIA ang pangalang nakasulat mula rito. Lingid sa kaalaman ng lahat, si Ria ay kapatid niya sa ama.

Tago lamang ang kanilang pagkikita at pag-uusap dahil pareho nilang ayaw malaman ng lahat ang totoo. Wala silang pakialamanan sa isa't-isa at hindi rin niya gusto ang aura na ibinibigay nito. Pero sa madaling sabi, pareho silang iwas sa isa't-isa. Hindi nila gusto ang isa't-isa.

Walang pag-aalinlangan siyang pumasok doon. Alam ni Nathaniel ang negosyo ni Ria, pero kahit kailan ay hindi siya pumasok dito. Café ito sa umaga, at bar naman sa gabi. Sikat ito pero hindi niya pinagkaka-interesan.

Nang tuluyan siyang makapasok ay nagtanong siya kaagad sa bouncer doon kung nasaan ang boss nito. Sinagot naman siya nito ng maayos at tinuro sa kaniya ang direksyon.

Kaagad niyang nakita ang isang babae na may mga kausap na kakilala. Nagtaka pa si Nathaniel kung bakit wala roon ang grupo nila Chloe at Liam pero hindi 'yon ang pakay niya.

Lalapit na sana siya pero may humarang sa kaniyang babae. Tinitiga siya nito pero pinangunutan niya lang ng noo. Masungit ang mukha ni Nathaniel. Umuusok ang ilong niya. Lasing ang babae kaya kaagad siyang umiwas at iniwan ito.

"Ria." Malamig niyang tawag sa atensyon nito. Wala na siyang pakialam kung may mga kausap ito.

Nang tingnan niya ang kapatid ay hindi niya maintindihan ang galit na nararamdaman niya. Bigla siyang nagkimkim ng kaniyang ngipin.

"Kailangan kitang makausap," dugtong niya.

Pinangunutan siya ng kilay nito pero hindi niya 'yon pinansin. Malalalim ang mga titig ni Nathaniel. Para ng sasabog ang kaniyang puso.

Umalis si Nathaniel. Napairap si Ria at nag-excuse sa mga kakilala. Sinundan niya ang kapatid.

"Ano ba'ng kailangan mo at himalang nagpunta ka rito?"

Nakatiim pa rin ang bagang ng lalake at nakakuyom pa rin ang kaniyang palad. Nakatalikod siya kay Ria.

"Hindi ako nandito para sa kung anu-anong iniisip mo."

"Psh. Inaway ka ba ng Daddy mo? Nalaman na ba niyang bakla ang pinakamamahal niyang anak?"

Hindi nagsalita si Manuel. Hinayaan niyang dumaloy ang galit sa kasuluk-sulukang parte ng kaniyang pagkatao. Humugot siya ng malalim na hinga at tiningnan ang kapatid.

"Ano'ng ginawa niyo kay Ligaya?"

Nagbago ang ekspresyon sa mukha ni Ria. Bigla itong nagtaka. "What are you talking about?"

"Stop with the pretending, Ria! Alam mo ba? Alam mo bang patay na siya ha?!"

"For Pete's sake Nathaniel, gumagawa ka ng eksena!" Napatingin si Ligaya sa paligid dahil nasa labas nga sila ng bar. Kakaunti lang ang dumadaan.

"What do I care about them Ria?! Wala akong pakialam! What I want to know from you is the truth. Ano'ng ginawa niyo kay Ligaya?!"

"Ha! Nagpapatawa ka ba?! Wala akong ginagawa sa kaniya. And if she died, its her loss Nathaniel! Kasalanan niya kung bakit sinukuan niya ang buhay niya!"

FRAGMENTS (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon