01

328 8 0
                                    

-'✮´-

°°°°

"Tignan mo 'yong grupo nila Frank."

Halos sabay kaming lumingon sa pinanggagalingan ng grupo na iyon. Sila ang mga astig sa department namin. Palagi ring nasasangkot sa gulo.

Nang lumingon ang isa sa kanila ay nag-iwas ako ng tingin. Siguro kung hindi lang tropa ni Rexter ang leader nilang si Leon ay baka matagal na kaming pinag-initan ng grupo.

Byernes ngayon kaya malamang sa malamang, may pagtitripan na naman 'tong mga 'to na ibang grupo. Nagulat ako nang lumapit si Frank sa amin at nakisindi sa sigarilyo ni Daei.

"Kamusta naman kayo?" Bungad nito.

Hindi ko pinahalata ang paglayo ko ng kaonti sa kanila. May nakasalpak na air buds sa isang tenga ko kaya naririnig ko pa rin ang mga pinag-uusapan nila.

Nandito kami sa likod ng building ng engineering department. Nagpapalipas ng oras dahil maagang natapos ang klase. May plano silang mag-iinom sa apartment ni Seldo kaya madadamay na naman ako.

Imbes na mag-review ang mga 'to, puro nalang lagok ng alak ang inaalam. Napatabon ako ng mukha dahil sa mainit na sinag ng araw na tumama sa mukha ko. 

Tinitignan ko kung sino ang may gawa nun, it was him. May hawak-hawak siyang sirang CD na ini-reflect sa araw at itinapat sa mukha ko. Umigting ang panga ko t'saka pinakyuhan siya.

Nakita ko naman ang gulat sa mukha niya sa ginawa ko. 'Kala niya natatakot ako sa kanyang bwesit siya. Siya 'yong member sa grupo ni Leon na feeling hambog.

Tumayo ako at walang pasabing umalis sa lugar na 'yon. Salubong ang kilay na naglalakad papuntang cafeteria. Nauuhaw at saktong may avocado shake na paninda kaya bumili na ako.

Wala na akong balak bumalik doon, bahala sila Rex. Nakakabwesit ang mga tao doon. Pagkatapos kong ubusin ang shake ko ay nagpasya na akong umuwe ng apartment. Dumaan pa ako saglit sa 7-eleven para bumili ng rice meals, panghapunan dahil nakakatamad na magluto.

Sa kanto ng apartment na tinutuluyan ko ay maraming mga bata ang naglalaro kaya maingay. Nakatanggap ako ng message galing kay Daei.

Wala naman akong load kaya chinat ko nalang siya na umuwe na ako. Ang gagawin ko nalang ngayon ay mag-review para hindi bumagsak sa mga darating na surprise quizzes namin.

Matapos ang dalawang oras, nagpahinga muna ako. Sa tulong ng mga videos sa FYP ko ay nalibang naman ako kahit papano.

Sumunod ang mga araw, mas napapadalas ang tambay nila Daei sa likod ng building. Palagi akong tumatanggi sa kanila dahil ayoko sa lugar na 'yon. Hindi lang sa mainit, dadagdagan pa nung hambog na m'yembro sa grupo ni Leon. Hindi ko gusto ang paninitig niya sakin kapag nakakasama akong tumambay doon. Sarap sundutin ng mata.

Bumaba ako ng building namin na ako lang mag-isa dahil nga nandodoon ang mga tropa ko. Vacant kami ng isang oras kaya papunta ako ngayon ng rooftop ng building namin.

Pero bago ako dumiretso doon, dumaan muna ako sa cafeteria para bumili ng makakain. Pagdating ko sa rooftop, mahangin at tahimik. May parte dito na may silong kaya doon ako umupo. Hinila ko ang medyo alikabok na sirang armchair at saka pinunasan iyon gamit ang trapo na nakita ko lang din dito.

Nakaramdam ako ng relief nang makaupo sa armchair. Nilapag ko ang bananaque at C2 na binili ko sa cafeteria. Kinuhanan ko ang magandang view ng langit, sinali ko na rin ang hawak-hawak kong bananaque.

Pero bago pa ako mag-enjoy ng sobra, sinira na iyon ng taong kinasusurukan ko ng dugo. Kahit naglalakad lang siya, naiinis na ako sa kanya. Presence niya palang, tumataas na dugo ko.

Around Your Way ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon