Ivy Sofia Torres
"Hayden, August, Phoenix, Axel at Ivy, Gising na kayo mga anak! Lalamigin yung pagkain" agad naman akong naalimpungahan dahil sa lakas ng boses ni mama, paniguradong rinig ito sa mga kapit bahay namin.
Dahan dahan akong bumangon at pumunta sa kubeta upang maghilamos ng mukha kasabay nadin doon ang pag suklay ng buhok at pagligo.
Pagkalabas ko ng kwarto ay sakto din ang pagbukas ni ng pintuan ng kwarto ni kuya phoenix.
"Good Morning kuya Phoenix!" masigla kong bati sakaniya at nilapitan siya upang yakapin.
"Good Morning rin sayo bunso, how's your sleep?" umalis ako sa pagkakayap sakaniya at ngumiti.
"Sobrang ganda po! Napaniginipan kong nasa enchanted kingdom daw tayo at sobrang saya natin doon!" natawa naman si kuya phoenix doon at ginulo ang buhok ko.
"Kuya naman! Kitang kaka suklay ko palang eh!" reklamo ko sakaniya at inayos ang buhok ko.
Napatingin ako nang lumabas na din sa mga kwarto nila ang mga kuya ko, bakas din sa mukha nila na gusto pa nila matulog ngunit wala kaming magagawa eh, takot kami lahat kay mama.
Sabay sabay na kaming limang bumaba at saktong nakita namin sina mama at papa na nakaupo na at hinhintay kami.
"Good Morning po ma, pa" lumapit kami sakanila upang mag mano.
"Good Morning rin mga anak, oh sya bilisan niyo ang pagkain at mag handa ng mga gamit niyo dahil pupunta tayo sa dagat" Nanlaki ang mga mata namin sa sinabi ni papa.. sa dagat? As in pupunta kami sa dagat?
"Talaga Ma? Pa? Pupunta tayo sa dagat?" tanong ni kuya Hayden. napangiti naman doon si mama at tumango.
"Oo, napag usapan namin ng papa niyo na pumunta sa dagat dahil matagal tagal nadin noong huling punta natin doon, at para na din mahangin hanginan kayo at mabawasan yung stress niyo kahit papaano dahil puro kayo tutok sa libro"
"Thank you mom and dad we owe you a lot" pag papasalamat ni kuya August sa mga magulang namin.At gaya nga nang sinabi ni papa, binilisan namin ang pag kain ang pumunta sa kaniya kaniyang kwarto upang mag handa ng mga dadalhin.
Nang makapunta na kami sa sinabing dagat ay tinulungan muna namin ang mga magulang namin na ilagay sa cottage ang mga dalang gamit bago maligo.
"Mga kuya naman!" Galit kong sigaw dahil ang layo na nila saakin, ang tatangkad kasi nila at ang liit ko naman kumpara sakanila.
"HAHAHAHA kawawa naman ang bunso namin di abot" pang aasar ni kuya Axel.
"Mga kuya wag nyong awayin ang bunso baka umiyak yan" saad ni papa, I looked at them and smirked and had a hunch that they would stop teasing me, but I was wrong.
Mas lalo pa nila akong inasar.
"Bakit kasi di ka nag dala ng salbabida, yan tuloy di mo kami malapitan" pang aasar ni kuya hayden kaya nag tawanan sila dahilan nang mas lalo kong ikinagalit.
"Hmpp bahala nga kayo dyan aalis na ako" tumalikod ako at akmang aalis na nang tawagin nila ako.
'Ito naman si bunso, nag bibiro lang naman kami... oh sya wag kana umalis dyan kami na ang lalapit"
Naging maayos naman ang bonding naming pamilya dito sa dagat, naligo kami, kumain ng mga masasarap na pagkain kagaya ng sorbetes dahil may nag lalako, at kumuha din kami ng mga litarato pang memories... di nga namin napansin na hapon na pala.
"Nag enjoy ba kayo?" tanong saamin ni papa, ngumiti naman kami.
"Syempre naman pa, nag enjoy kami lalo na yung pang aasar namin kay ivy kanina" kuya axel said in order for me to glared at them.
"Buti nanga lang at di umiyak tong si bunso, lagot kami kay papa nyan" agad ko namang tinaasan ng kilay si kuya august, tila nang hahamon.
"Hindi kaya ako iyakin!" pang hahamon ko,
"Kwento mo yan, syempre di ka dyan iyakin" pang aasar ni kuya phoenix.
Mag sasalita na sana ako upang labanan sila nang akbayan ako ni papa.
"Tama na yan, baka umabot pa yan sa away"
"Buti nalang talaga nandito si papa" saad ni kuya august dahilan para mag tawanan kaming lahat.
"Oh luto na tong barbeque, magsi kain muna kayo dito" napatingin kami kay mama nang ilatag niya ang plato na puno ng barbeque.
Kumain muna kami ng barbeque bago maligo at mag ayos dahil malapit na kaming umalis.
While i was walking on the sand i saw a dog.. as if it was hungry, mukhang mabait at di nangangagat based on his eyes.
"Gutom kaba?" Tanong ko sakaniya, nanlaki ang mata ko nang tumahol siya.
Gutom nga bulong ko sa sarili ko.
"Diyan ka lang ah? Wag kang aalis, kukunan lang kita ng pagkain" dali dali akong tumakbo upang manghingi ng pagkain.
"Ma, may tirang pagkain po ba tayo diyan?" Kita ko kung paano kumunot ang noo ni mama sa sinabi ko.
"Meron panaman nak, bakit?"
"May nakita po kasi akong aso dyan habang nag lalakad.. mukhang gutom at walang kain" pagpapaliwanag ko.
Napangiti ako nang ipakita saakin ni mama ang isang plato ng kanin at dalawang barbeque.
"Buti nalang at may tira pa tayo dito" buti na nga lang po.
Nang makabalik ako ay natawa ako nang makita pa yung aso na nakaupo, naghihintay saakin na makabalik.
Mukhang sumaya ang mga mata niya noong nakita niya ang dala dala kong pagkain at tubig.
Nilapag ko ito at hinayaan siyang kumain at ubusin ang pagkain.
Habang kumakain ay di ko mapigilan na pagmasdan siya. Maganda ang kulay puti niyang balahibo, medyo malambot ito pag hinawakan ngunit nalungkot ako sa sobrang payat nito.
I wish i could keep you sabi ko sa isip ko. Kaso hindi pwede eh, allergic ang nanay sa mga mababalahibo.
Nang matapos na siyang kumain ay hindi ko mapigilan ang maiyak. Sobrang babaw ko talaga, lalo na kapag sa mga hayop ang usapan.
Hinawakan ko siya at di ko mapigilan ang mapangiti nang lawayan niya ang pisngi ko.
"Thank you for making my day better doggy" saad ko kahit hindi niya ako naiintindihan.
Narinig kong tinatawag na ako ni papa kaya dahan dahan akong tumayo upang mag paalam.
Pinunasan ko ang luha ko at dahan dahang ngumiti.
"Hintayin mo ako dito ah?" Saad ko. "Babalik ako, babalikan kita"
Tumahol naman siya. I guess thats a yes.
Sana pagbalik ko andito pa siya. I know he's a sweet and lovely dog. And i can't wait to see him again and play with him all day until i run out of breath.

YOU ARE READING
A Love Beyond Words
Teen FictionA full version of "Your 4 brothers hate you but they don't know you only have 10 days to live" Ivy Sofia Torres, a 17 year old girl who wants to chase her dreams was destroyed by her illness (cancer) and the fact that her brothers hate her, it doesn...