Chapter 2

0 0 0
                                    


Isang buwan na ang nakalipas simula noong pumunta kami sa dagat, and as expected ulit ulit lang ang routine ko, gigising, kakain, maliligo, pupunta sa paaralan at uuwi sa bahay upang doon mag pahinga at gawin ang mga takdang aralin.

Ngayong araw ay nasa gymnasium kami dahil may pe class kami, mag lalaro kaming mga babae ng volley ball habang ang mga lalaki naman ay mag lalaro ng basketball.

"Excited ka na ba?" tanong saakin ni julie nang makaupo siya sa tabi ko. Siya si julie ang matalik kong kaibigan. naging mag kaibigan kami simula noong grade 7 kami at ngayon at grade 11 na kami.

"Kinakabahan ako, alam mo namang di ako magaling sa mga laro na ganyan" nag aalalang sabi ko sakaniya.

"Wag ka ngang ganyan, natatakot tuloy ako para sayo at wag kang mag alala kasi mag kakampi tayo at nandito naman ako.. aalalayan kita" napangiti ako doon.

May tiwala ako sakaniya dahil volley ball player siya at marami siyang alam tungkol sa larong yan, kaya sino naman ako para tumanggi, grasya na yung lumalapit saakin.

Sinabihan na kami ng guro namin sa pe na mag handa na dahil mag sisimula na ang laro. agad naman kaming pumwesto sa gitna.

Narinig kong sumipol ang pe teacher namin, sign na nagsimula na ang laro.

Sinerve na ng kalaban ang bola at dahil ako ang nasa unahan ay pinalo ko yun papunta sakanila.

"Go Bestie! Sabi na nga ba kaya mo yan!" sigaw ni julie na nasa gitna din, kasama naming kalaro kaya sinabihan siya ng guro namin.

"Ay hahahaha sorry po sir" agad naman akong napa face palm dahil sa sobrang hiya ng nararamdaman.

Matagal ang naging laro namin dahil magagaling ang parehong team, nasa 2-2 na ang score at nag simula na akong kabahan, alam kong laro lang to pero kasi grades ko nakasalalay dito.

Sobrang pawis ko na at basa nadin yung pe shirt ko.

Habang nag lalaro ay doon ako napahinto dahil parang may nakalimutan ako sa bahay, and then it hit me.

NAKALIMUTAN KO YUNG PROJECT KO SA BAHAY NA NGAYON IPAPASA!!!

Jusko paano ko kukunin yung project ko sa bahay eh next class ko na yun ipapasa? Wala panamang consideration si maam flores.. pinag puyatan ko iyun at pinag hiarapan.. kaya anong gagawin ko? Iiyak ba ako habang nakikiusap?


"IVY!" Bumalik ako sa realidad nang marinig ko ang sigaw ni julie at saktong pag ka lingon ko ay tinamaan ako ng bola sa ulo.

Narinig kong sumigaw ang mga kaklase ko at ang iba naman ako lumapit saakin.

"Iv, okay ka lang? Naririnig mo kami?" Narinig kong may nag tanong. Pero ang sakit ng ulo ko siguro dahil sa sobrang lakas nang pagkakatama saakin.

"Boys, buhatin niyo to! Dalhin niyo sa clinic!" Ang huling narinig ko bago dumilim ang paningin ko.



Nang inimulat ko ang mata ko ay naramdaman ko ang pananakit ng ulo ko. tumingin ako sa gilid ng kama at nakita ko doon si julie na natutulog.

Nang pag tingin ko sa pintuan ng cilinic ay laking gulat ko nang makita doon  ang mga kuya ko, kausap ang nurse.

Nagtama ang paningin namin ni kuya august kaya agad niyang tinapik si kuya hayden at sakto ay tapos na silang mag usap ng nurse kaya agad silang dumeretsyo papunta saakin.

"I heard what happened to you, how are you bunso? Masakit pa ba ulo mo?" tanong ni kuya phoenix, agad naman syang inupakan ni kuya axel dahilan ng pagkatawa ko.

"Tanga, alangan sa ulo siya tinamaan"

Naramdaman ko ang pag bangon ni julie sa tabi ko dahil sa ingay ng mga kuya ko.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Aug 08 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

A Love Beyond WordsWhere stories live. Discover now