"Cruel Life or Not?"

257 63 118
                                    

© PinkPen01|Pink Pen

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

© PinkPen01|Pink Pen

(PHOTO NOT MINE: All credits to the rightful owner of this beautiful picture.)

.

.

.

"Author's Note"

Hi!
Welcome to the Chapter One of "Her Midnight Stalker".
This will depict Mature Themes: Sexual Assault, Crime, Violence, Raping, Killings, and numerous Explicit Words. That may be triggering and not suitable for young readers that have traumatic experiences regarding to the upcoming scenes.
Be advised to read responsibly, or better exit this story.
And this is also the unedited version.
So,
It will have a lot of grammatical errors and misspelled words. Be kind and considerate my dear readers, and do not hesitate to correct me.
Click vote and comment for it.
Your support is highly recommended and appreciated.
That's all,
Love you and Enjoy reading.
🌸💓


___________________________________________

⚠️ Trigger Warning: ⚠️
Disturbing contents ahead.

CHAPTER ONE
Found you

'Ulila kana Anita, kaya't kung ako sayo ay magpapakaputa nalamang ako sa beer house at ng makahanap naman ako ng foreigner na bubuhay sakin, kaysa maging palamunin kapa dito samin, mahiya ka naman!'

'Gamitin mo yang kagandahan mo! Wag puro katangahan.'

Malinaw pa sa alaala ni Anita ang galit na sigaw at pang-iinsulto ng Tiya Rosita nya kaninang umaga sa mismong hapag kainan habang nag-aalmusal sila.

Paulit ulit nitong sinasabi ang mga katagang iyon, lalo na't nahihirapan na ito sa pagpapa-aral sa kanya. Wala itong anak, ngunit may asawa naman... Simple lang ang pamumuhay nito, tanging karenderya lamang ng mga kakanin ang binebenta nito malapit sa eskwelahan na syang pinagkukunan nito ng pera sa araw araw. At kapa'g konte ang kita nito ay sakanya ibubuntong ang galit at iritasyon sa buhay.

Na naiintindihan naman nya.

Wala man lang kasing naiwan na kahit katiting na pera ang mga magulang para sakanya, wala itong ipon at kung ano paman.

Namatay sa isang aksidente ang amang at inang nya habang papunta ito sa probinsya upang magdala ng mga gulay sa kabilang bayan. Pagtitinda ng mga gulay at sariwang isda ang hanap buhay ng mga magulang nya, at iyon ang pinangtutustos nito noon sa pagpapa-aral sakanya sa kolehiyo.

Her Midnight Stalker| Twisted Series 2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon