"He's Just Around"

205 44 82
                                    

"Authors Note"

The following will have numerous grammatical, typographical errors and as well as misspelled words.
So,
Be kind and considerate my dear readers, and do not hesitate to correct me.
Click vote and comment.
Your support is highly recommended and appreciated.
That's all,
Love you and Enjoy reading.
💓🌸


CHAPTER TWO
Her stalker

"Anita!!"
Malakas na sigaw ang gumising sa diwa ni Anita. Kasabay nito ang ubod ng lakas na paghampas ng kung sino sa balikat at likod nya.

"Walang hiya ka talagang babae ka! Bakit ka nakahilata sa higaan ko? Sinong may sabi sayong pwede kang matulog dito!"

Still disoriented and confused, she slowly opened her heavy eyes and looked around. Una nyang nakita ang namumulang mukha ng tiyahin, galit na galit itong nakatunghay sakanya.

Nang makitang gising na sya ay nagpupuyos muli itong nagsalita.

"Ano pang tinitingin-tingin mo dyan? Bumangon kana sa higaan ko at marami kapang gagawin." Saglit itong humugot ng hininga.
"Ano! Ako paba ang gagawa ng mga gawain para sayo? Ang kapal mo naman!"

Nakatulala parin syang tumingin sa tiyahin. Hindi sya makapag-isip ng maayos. Ano ang nangyayari? Bakit sya nakahiga sa higaan ng tiyahin nya?

Still confused, she slowly sat on the bed and try to recall what happened before this.

"Anita!"
Gigil na pukaw ni Tiya Rosita sakanya.
"Bakit dika magsalita! Iniinsulto moba ako?"

"H-hindi ho."
Litong sagot nya at medyo nanginginig na tumayo. Marahan nyang sinuklay ang buhok at inayos na rin ang nalihis na damit. Baka sakalin na talaga sya ng tiyahin nya kung hindi pa sya kikilos.

Nakasunog naman ang tingin ng tiyahin sakanya. Iritang irita ito.
But she didn't care and slowly caressed her large t-shirt, napansin nyang parang may kakaiba rito. Napakalambot ng tela ng damit nya.

'Strange.'

Puno ng pagtatakang yumuko sya at pinagmasdan ito. Sobrang bango, simple, at bagong bago ang damit, may tatak itong itim na rosas at may nakaukit na letra na hindi nya maintindihan.

'Wait, from what I can remember, this is not mine, ang damit na suot ko kanina ay...

..

..!'

Bigla syang napamulagat.

'The horrible incident!'

She hurriedly rushed towards the spot where she lastly remembered his uncle's dead body. Sinipat nyang mabuti ang huling nasadlakan ng patay na katawan ng tiyuhin. Ngunit wala na ito roon, walang kahit anong bakas ng dugo o ano paman doon. Malinis na malinis ang sahig at tila kumikintab pa ang plastic na carpet nito.

No, that can't be... Nasa'n na ang katawan ng tiyuhin nya?

Nanginginig na inabot nya ang pisngi. She firmly held her face. Terrified at what she remembered.

"T-Tiyang, anong oras na ho?"
Tanging naitanong nya na lamang sa tiyahin. Bahagyang namasa ang mga mata nya. Nagbabadya ang sunod sunod na mga luha roon.

Her Midnight Stalker| Twisted Series 2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon