CHOCOLATE (one shot)

460 36 8
                                    


Pagkabalik ni Thomas mula sa counter, iniabot nya agad ang pagkaing ipinabili sa kanya ni Ara. Tsinek nya muna ang bag nyang naiwan bago na-upo sa harap nito.

"Tsk! Tsk! Sinasabi ko na nga ba." Mapanghinalang tumingin sya sa abalang kumakain ng carbonara sa harapan nya. Nagmaang-maangan naman itong tumingin sa kanya. "Takaw!"

Nginitian lang sya nito, kaya napangiti nalamang din sya. Nakupit nanaman kasi ng kaibigan ang tsokolateng itinago nya sa bulsa ng bag nya. Lagi naman.

***

"Thom!" Tawag pansin sa kanya mula sa likuran nya. Hindi pa man lumilingon ay alam na nya agad kung sino ito. Hinintuan nalamang nya para maabutan sya ng kaibigan.

"Tubig?" Alok nya sa hawak nyang jug. Umiling lang ito habang naghahabol pa ng hininga.

"Ang bilis mo namang maglakad. Kakasimula palang ng term, excited ka na agad." Reklamo pa ng kaibigan. Sinabayan naman sya nito sa paglalakad.

"Syempre, ang pangit naman ng late sa first day." Tanging nasabi nya. "Ikaw ba? What time ang first class mo?"

"Mamaya pang 8." Relax lang na sagot nito. Naramdaman nyang nangangapa ito sa bag na nasa likuran nya. "Uyy, pengeng chocolate."

Natawa nalang syang naiiling dahil dito. "Kunin mo na. Alam mo naman kung saan nakalagay"

Masaya naman nitong kinuka ang tsokolate sa bulsa ng bag nya. Ngiti nalang ang naisagot nya sa pasasalamat nito. Ang takaw talaga kahit kailan.

***

"Thom, bigyan mo ako ng chocolate sa Valentines, ha?" Naglalambing na request sa kanya ni Ara, habang ninanamnam ang chocolate na kinupit nanaman nito sa bulsa ng bag nya. Hindi naman nya napigilan ang mapa-ngiti sa turan nito.

"Ayoko nga. I'd rather give that to my date. *bleh*" Pang-asar na sabi nya dito.

"Eee, sige na. Ayoko ng chocolates ng iba. Masarap ung dala mo lagi, eh." Pamimilit pa nito. Pero tinawanan lang nya ito saka tumayo na.

"Ayoko! I gotta go, may hihiramin pa ako sa Lib. See you later, Ars!"

"See you never! Tse!" Pikon na paalam nito. Natatawa nalang nyang iniwan ito. Kulit!

***

Natatawa-tawa nya ngayong pinapanood kung paano kalkalin ni Ara ang bag nyang naiwan sa bleechers, noong nag-shower silang mga archers. Mga lady spikers na kasi ang kasunod nilang magte-traning sa gym.

Nakangiti pa nyang pinagmamasdan ito nang makita na nito ang hinahanap. Malaki pa ang ngiti ni Ara ng inilabas ang tsokolate mula sa bulsa ng bag nya. Tinitigan muna ni Ara saglit iyon, pero dahan-dahan din na ibinalik sa loob. Nawala ang ngiti nya sa eksenang nakita nya.

Bakit? Ayaw nya? Naiwang tanong sa isip nya.

"Bro! Let's go. Magte-traning pa ang spikers." Agaw pansin naman ni Jeron sa kanya.

"Wushu! May date ka lang yata mamaya. Dinamay mo pa si Bimbs, kita mong umiisip na ng diskarte. Hahaha." Asar ni Kib dito, at doon ay nagtuloy-tuloy na ang asaran nilang magkaka-teammates. Sumali pa ang ibang spikers nang makalapit na sila sa mga ito.

Nakikitawa nalang sya habang lumalapit sa bag nya. Naabutan pa nya si Ara doon na umaktong walang ginawang kalokohan kanina lang.

"Uyy, T-Thom! Bag mo pala yan. A-sige, t-training pa kami." Tila kinakabahang saad nito pagkalapit nya. Natawa naman sya sa isip nya. Ito ba ung reaction ng mga naka-caught-in-the-act?

"Ars-"

"Spikers, warm up na. Daks, tulungan mo akong ayusin ung net." Putol nito sa sasabihin nya. Ni hindi sya nilingon nito.

"Mr. Torres, may kailangan ka ba? Nakaalis na ang mga kasama mo." Tawag pansin sa kanya ni Coach Ramil.

Wala na syang nagawa pa kundi ang umalis na din. Ngunit bago pa makalabas ng tuluyan, malungkot nyang pinagmasdan ang kaibigan habang nag-i-stretching ito. Why, Ars?

***

"Wala kang date, bro? Valentines na Valentines?" Tanong sa kanya ni Jeron habang hindi mapakali itong nag-aayos ng sarili. Mukhang may date nga ang loko. Kanino naman kaya?

"Wala. Umalis ka na. Baka spike-an kapa sa mukha ng date mo." Nakita naman nyang namula ito sa sinabi nya. So, tama ang hula nyang volleyball player nga. Hmm...

"Ewan ko sayo, pinagsasabi mo dyan. Bahala ka na nga!" Iyon lang at nagmamadali na itong lumabas ng kwarto. Natawa tuloy sya dito.

Wala naman syang magawa dahil naiwan lang syang mag-isa sa dorm. May date kasi ang iba sa kanila, ang iba ay may klase pa. Wala naman syang pasok ng araw na iyon kaya wala tuloy syang kasama.

Dahil sa pagkainip, naisipan nalang nyang i-browse ang kanyang twitter account.

@VSGalang: Akala ko talaga yayayain akong makipag-date. #MalingAkala #loner ;(

Ang bumungad sa timeline nya. Sino kaya ang tinutukoy nya?

@mikareyesss: Date! Date! #ValentinesDay ❤ :)

@jeronteng: Finally, I had the courage
to ask her out. #excited #valentinesday :))

@kieferravena: Happy ❤'s Day! Lunch date. ;)

@CarolCerveza: Bongga! Date after class. @Gabby_Reyes09 ;*

@VossAlmond17: Date with food. Bilisan nyo! @norbear6 @heftyleftyy :DD

@Abymarano: @BabesBolick Do you love me because I'm beautiful or am I beautiful because you love me? ^_^ pic.twitter.com/g4Dk2oq1

@cienneycruz: Double date with this beautiful people @camilmilcruz @kibmontalbo and hon @Arnoldvanopstal#HappyHeartsDay #Valentines pic.twitter.com/s3zj5Do7g

@kimfajardo9: @cienneycruz wait nyo kami ni @carmelaloo08 para triple date na. :D

@GOHINGMELISSA: I am so glad that you are here. It helps me realize how beautiful my world is. @Matt_Daddy12 :))

@VSGalang: What is love? #HappyValentinesDay

Mukhang masaya ang lahat, maliban sa kanila. Bakit kasi hindi nya tinanggap? Pagkatapos nyang i-favorite ang mga nabasa nya, naisipan nyang mag-post na rin.








































@iamthomastorres: Love is when she steals chocolates everyday from my bag, and yet I still keep them in the same place ;)

@iamthomastorres: uulitin ko lang ung question ko kanina sa sticky note sa chocolate: "Would you be my Valentine?" @VSGalang

--------

A/N: Corny, I know. Hahaha. I just wanna try. TIA! ^_^

(Why do I feel like this is incomplete? LoL! :D)

CHOCOLATETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon