Tsokolate

423 34 7
                                    


Nakadapa lang si Ara sa kama nya, medyo nag-e-emo, nang marinig nya ang sunod-sunod na tunog ng cellphone nya. Tunog iyon ng notification nya sa twitter. Hindi muna nya inabalang tignan kung para saan iyon, dahil sa tingin nya ay sinagot lang ng mga fans ang tanong nya na "What is love?", malamang nakiki-IN ang mga ito dahil valentine's naman ngayon.

"Tomsy, ang ingay! Tapon mo nga muna 'yang phone mo." Sabi ng kaibigan nyang si Mika na abalang magkalat ng gamit sa kwarto nila. May date kasi ang best friend nya sa isang sikat na UAAP player. Hindi na nya inabalang sagutin ito, at pinagpatuloy lang ang pagse-celebrate ng Black Valentine's. -_-

"Hala ka, best! Check mo na ung twitter, wag ka na maglungkot-lungkot-an dyan. Eto na ang happiness mo!" Tila excited pa na sabi ni Mika na bigla nalang pinanggigilang yugyugin ang binti nya. Umupo pa ito sa paanan nya para kumpleto na ang panggugulo nito. "Dali na!"

"Eto na! Eto na, ohh!" Medyo asar pang sabi nya saka umupo na sa kama nya at humarap sa kaibigan. Nakita nyang parang tangang naka-ngiti ito sa kanya. "Di ba may date ka? Hindi ka ba nagmamadali?"

"Okay lang daw na late ang babae. Sabi 'yon ni Cienne. Dali na, check mo na." Ito na mismo ang naglagay sa palad nya ng cellphone nya. Napailing nalang tuloy nyang tinignan ang cellphone.

Puro retweets, replies, at favorites ang bumungad sa mukha nya. At ang salarin ay ang kanina lang na kinaiinisan nyang si Thomas.

@iamthomastorres: uulitin ko lang ung question ko kanina sa sticky note sa chocolate: "Would you be my Valentine?" @VSGalang❤

"Hala ka nga!" Sabi nya sabay bato ng cellphone sa kaibigan.

"Aray naman, best. Joke lang naman ung sinabi kong itapon mo ung cellphone mo. Sa akin pa talaga?" Madrama kunwaring saad nito, pero napalitan din ng mapang-asar na ngiti. Ibinalik nya kay Ara ang cellphone nito. "Ayiiieee, magrereply yan. Sabi ko sayo, para sayo talaga ung chocolate kanina, eh."

"Anong drama nya at dinadamay nya ako sa kahihiyan?" Asar kuno na tanong nya kay Mika. "May pa-mention mention pa sya. Pwede naman i-text."

"Awtsu, kaya pala. Gusto naka-private. Sige, ia-advice ko." Kunwa'y nagtetext na pang-aasar ni Mika. Hinampas naman nya ng mahina ito.

"Umalis ka na nga, pinagloloko ka lang ni Cienne." Tatawa tawa naman itong umalis sa kama nya saka hinablot ang hand purse at lumabas na. Tinignan naman nya ulit ang phone nya.

"Uyy, magrereply na sya!" Biglang sulpot ng ulo ni Mika sa pinto kaya binato nya ito ng unan na nadampot nya. Naisara naman nito agad ang pinto na tumatawa pa bago umabot ang ibinato nya sa direksyon nito. Baliw lang.

"Isa pa 'tong baliw. Mag-tweet daw ba? Malamang maraming makakakita. Tsaka para sa akin pala yun, di nalang inabot ng kusa kanina. Nandoon naman sya. Tss!"

"Ba't mag-eeffort pa syang i-abot, eh alam naman nyang nanakawin mo na."

Nagulat pa sya na biglang pumasok si Kim sa kwarto nila at narinig pala nito ang pagda-dialog nya. Nakakahiya!

"Hard naman nung nakaw." ;((

***

Hindi nya ni-reply-an ito via twitter, sa halip ay nag-text nalang sya.

To: ThomThom

Hoy! Bakit nagpapaingay ka sa twitter?

Nagreply naman ito agad.

From: ThomThom

Ikaw kasi, you didn't accept my proposal. :( What's your answer na?

CHOCOLATETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon