-'✮´-
°°°°
Adamson is sleeping beside his brother's hospital bed. Nagdadalawang isip pa ako kung papasok ba ako or uuwi nalang. He's wearing the same clothes when I see him outside the university. Ganoon kalala ang pagpapabaya niya sa sarili, pati pagligo ay nakakaligtaan na niya.
Binalik ko ang messenger ko muna, nag-download ulit ako. Wala siyang iMessage sakin, e. Nagbabaka sakaling doon niya ako pinagmumura.
Medyo hapon na ako nakarating sa hospital. Kinuha kong oras iyon para basahin ang mga message niya sakin. And he has a video clip for me.
Parang pinipiga ang puso ko nang pinipilit niya pa ring mag smile kahit na halatang-halata sa mukha niya ang galit. He greeted me with a simple 'good morning' kaya napanguso ako habang nagb-back read sa mga messages niya sakin.
Inilagay ko ang dalang cake sa mini table. Clarkson is under medication. Base sa pagsasalysay ng nurse na nakausap ko kanina, nakagat daw ito ng lamok na mayroong dengue. Mabuti nalang talaga ay malakas ang resestensya ng dude namin.
Naupo ako sa couch, nakatitig sa dalawa. Tumunog ang phone ko kaya agad ko iyong sinagot. Si papa, nangangamusta, dinig ko pa sa background ang ingay ng dalawa kong kapatid. Pagkatapos ng tawag ay tumayo ako para kumutan si Adamson. Dahil wala naman akong makausap sa loob dahil ayoko naman ding istorbohin ang pagtulog ng magkuya ay lumabas muna ako. Bumaba ako sa ground floor para maglakad-lakad, pampalipas ng oras.
I'm wearing a black polo shirt and dark blue jeans. Palinga-linga ako kung saan ba pwede tumabay. Naupo ako sa labas ng hospital sa paikot na fountain naupo. I'm trying to capture a picture with me then. I was shocked when I saw him standing, staring seriously at me.
Ibinulsa ko ang telepono kasabay nang pagtayo ko. Nanatiling seryoso ang mukha niya kaya hindi ko alam kung nasisiyahan ba siya sakin na nakikita akong nandito. Siya ang unang nag-iwas ng tingin kaya mas nakaklaro ko na galit pa rin siya sakin.
Gusto ko siyang lapitan pero baka ayaw niya. Pero sa huli ay ako pa rin ang lumapit para igaya siya pabalik sa loob. Tahimik lang kami habang naglalakad sa room ng kapatid niya.
I don't mind kung may mga matang mapanuri. Gusto kong hawakan ang kamay niya baka sa ganoong pamamaraan ay maramdaman niyang nandito ako sa tabi niya.
Sabay kaming naupo sa couch. Kinawala niya ang kamay sa pagkakahawak ko. Parang binuhusan ako ng malamig na tubig sa ginawa niya kaya napatingin nalang ako sa ibang direksyon.
Matagal pa bago ko basagin ang tahimik sa loob ng kwarto. Wala namang mangyayari kung puro pataasan lang ng pride sa isa't isa. Dahil mukhang ako naman ang mali dito, ako ang bo-boses.
"You can rest. Pwedeng ako na ang magbantay kay dude." Mas lalo akong nanlumo nang hindi man lang niya ako tinapunan ng tingin.
Nag-isip ako kung ano ang susunod kong sasabihin. Pero bwesit! Mas nangingibaw sakin na 'wag ko na siyang kausapin!
I grab his waist to come over me. Iyon nalang ang alas ko! Wala na akong ibang maisip. God! Mabuti nalang nagpatianod dahil sobrang bigat ba naman niyang tao!
Hinalikan ko ang gilid ng tenga niya. Pero deadma pa rin siya. I rested my head at his shoulder. Hindi pa rin siya pumalag. Hindi ko na alam ang gagawin ko kaya hinayaan ko nalang na kusa siyang magsasalita.
"I h-hate you," aniya. Hindi ko mapigilang mapanguso. Ayaw na ba niya. . .sakin? Kababahan na ba ako, lord? Ended na ba kami? Pero bago pa ako tumalon sa ibang conclusion ay lumingon na siya sakin at inabot ang labi ko.
![](https://img.wattpad.com/cover/371398706-288-k1693.jpg)
BINABASA MO ANG
Around Your Way ✓
Romance(Rainbow Series #1) Walang label pero may feelings, pwede pala 'yon? *** Kasing bilis ni flash ang nangyari sa pagitan ng dalawa. Mayroong mga common friends kaya hindi maiwasang magkalapit. May mga tao talagang kahit wala pang ginagawa, inis na ini...