-'✮´-
°°°°
Hindi pa kami nakakapasok ni Adamson sa loob ng bahay ay rinig na rinig na namin ang ingay ng music sa loob.
Karamihan sa bisita ay naka formal attire. Kaya iisipin mo agad na yayamanin ang mga bisita ni mayor Sanmabinat.
Malaki ang espasyo sa harap ng bahay kaya some of the guests are here outside of the house. Hinagilap ng mata ko ang tropa, hindi ko kasi makita ang mga gago.
While doing that, biglang nawala ang akbay sakin nang kasama ko kaya napaligon agad ako sa gawi niya. Sila JC pala, biglang hinatak si Adamson sa kanilang table.
I gave him a sign na okay lang sakin. Nang hindi ko nga makita sa labas ang circle ko, pumasok na ako sa loob ng bahay dahil baka nandon. Wala na rin akong time para mag-chat sa kanila dahil nakakatamad.
Natutop ko pa ang bibig nang makita ang mga kilalang tao na kumakain sa pahabang lamesa. Sobrang formal nila. T'saka bawat tatay, mayroong anak ang nasa gilid. I'm hoping na makita ko si Rex na nabibilang doon. Pero siya na ang lumapit sakin mismo sabay hila palabas.
Madami kaming nasasaging tao pero deadma iyon sa kanya. Nang makalugar, he's pointing my face. Mukhang hinihingal pa si gago.
"G-grabeng atmosphere sa loob, yah! Gusto ba naman nila akong magtake ng polsci. Lahat sila pinagtutulungan si daddy, e."
Tinaasan ko siya ng kilay. "Thanks me, would you?" Binatukan lang ako ni gago. Sabi niya nags-strolling daw sila Cruz sa subdivision. Plano yata nilang libutin ang pribadong lugar. Tinanong pa nga ako ni Rex kung nakita ko ba. Aba malay ko dun sa tatlo!
"Hindi kasi nags-seen sa gc." Aniya, nakalabas na kami pero may dalang twenty plus na san mig can.
"Si Leon?" Tanong ko.
"Asan?"
Sinipa ko si gago. Kaya nga nagtatanong ako dahil hindi ko nakita ang binata.
"Hindi siya makakapunta." Matabang niyang sabi.
"Bakit?" Kuryuso ko.
Mini-message ni Rexter ang mga gago habang naka-abang pa rin ako sa sagot niya.
"He's dating someone."
"Huh?"
"Nagpa arrange na naman ng blind date iyong papa niya! Wag mo ng itanong dahil baka mapuntahan ko pa si gago sa hotel."
Natawa ako ng paghak. Really? Sa sobrang busy ko sa mga araw-araw sa pag-iisip tungkol sa plano ng dad ni Adamson na papasukin siya sa military ay hindi ko na namalayan na na b-behind na pala ako sa mga balita sa mga circle ko.
"So kami. . .palang nakakaalam?" Tanong ko matapos matungga ang pangalawang can. Asan na ba iyong tatlong ulupong? Isa rin 'yong si Daei, minsan ko nalang makasalubong sa campus. Nagkikita lang kami tuwing class hour.
Rexter nodded.
"Pati ang buong school?"
Sinamaan niya ako ng tingin. Pansin kong patubo na ang buhok niya kaya hindi na siya fvckbok tignan.
"Si dad alam. Legal kami sa side ko, sa kanya lang hindi."
So ang swerte ko pala, kung gano'n? Hindi naman maswerte, pero thinking na alam na ng mommy ni Adamson ang relasyon namin ay wala na kaming ibang p-problemahin.
"Ikaw, ni legal ka ba?" Maangas niyang tanong sakin saka niya ako hineadlock. Natatawa ako nang pilit kong kumawala sa kanya.
"Alam na ng mommy niya." I said with a teasing tone. Pinakita niya lang sakin ang middle finger niya para pangganti.
![](https://img.wattpad.com/cover/371398706-288-k1693.jpg)
BINABASA MO ANG
Around Your Way ✓
Romance(Rainbow Series #1) Walang label pero may feelings, pwede pala 'yon? *** Kasing bilis ni flash ang nangyari sa pagitan ng dalawa. Mayroong mga common friends kaya hindi maiwasang magkalapit. May mga tao talagang kahit wala pang ginagawa, inis na ini...