CHAPTER XXXVII

1 0 0
                                        

TRIGGER WARNING:

This story contains themes of violence, bullying, abuse, and topics that may be upsetting or triggering for readers which may not be suitable for some individuals. There are also unpleasant words used, and violent scenes that may not be suitable for everyone. Please be aware of your emotional well-being and seek support if needed. Reader discretion is advised.

CHAPTER XXXVII

Dumating ang araw ng lamay ni Ligaya. May mga tao na pumunta roon para mag-alay ng respeto sa patay at sa namatayan. Kadalasan ay mga kasamahan ni Manuel sa kaniyang mga trabaho— sa repair shop, sa palengke at sa bago niya ngayong pinapasukan.

May mga estudyante rin na nakilamay. Iba sa kanila ay kinumbinse ni Prof. Aruella Garcia dahil hindi pa naman tuluyang natatanggal si Ligaya sa university. Nasa ilalim pa rin ito ng kaniyang nasasakupan.

Nandoon ang lahat, maliban sa grupo ni Liam kabilang na rin si Nathaniel. Sa grupo ni Chloe ay si Ria lang ang pumunta.

Gusto niyang sa kahuli-hulihang sandali ay makapag-alay man lang siya rito ng respeto kahit alam na alam niya sa sarili niyang kulang na kulang iyon. Kinakain si Ria ng kaniyang konsensya.

Nakiisa rin sa pagluluksa ang mga katrabaho noon ni Ligaya sa fast-food chain. Sila ang mga unang tao na hindi naniwala sa kumakalat na balita tungkol kay Ligaya dahil napakabuti nito. Hindi sila makapaniwala no'ng malaman nilang patay na ito.

Umiiyak pa nga ang dalawang kaagad na sinabihan ni Ligaya noon na nakapasa siya sa scholarship at tanggap din sa unibersidad. Hindi nila lubos akalain ang kalunos-lunos na sinapit ng dalaga.

"Napakabuti po ng anak ninyo Mang Manuel," sabi ng isa, "hindi ko po inaasahang mangyayari 'to sa kaniya."

"Hindi kami naniniwala sa mga balita tungkol sa kaniya. Alam namin kung gaano kabusilak ang puso ni Ligaya at kung gaano katayog ang pangarap nito. Kilala namin siya," dugtong ng isa habang pinupunasan ang kaniyang luha.

Mapait na ngumiti si Manuel sa mga ito, tinatago ang hinagpis ng kaniyang puso. Hindi niya alam kung ano ang isasagot kaya't hindi na lamang siya nagsalita.

Naging mahirap ang katotohanan para kay Sinta, ngunit tinatagan niya ang kalooban niya para sa kaniyang Ate at sa kaniyang ama.

Habang tinitingnan niya ng larawan sa kabaong nito ay hindi niya maiwasang maluha.

Napakalawak at napakaganda ng ngiti ng kaniyang Ate. Hinding-hindi mo iisiping may problema ito. Makulay ang mga mata nito at dalisay ang mga tingin. Bakit ito pa ang kinuha sa mundo?

Nanatili si Sinta sa katahimikan sa tabi ng kabaong ni Ligaya. Pira-pirasong dinudurog ang kaniyang puso sa malupit na katotohanan ng pagkawala ng kaniyang kapatid.

Ang dating masigla at mapagmahal na presensya ng kaniyang kapatid ay nabawasan na ngayon sa mga alaala na nakaukit sa kaluluwa ni Sinta, nag-iiwan ng hindi maalis na tanda ng lubos na kalungkutan.

"Ate... sabi mo... ipapagamot mo 'ko," kausap niya sa larawan nito, nanginginig ang boses. "Sino na'ng magpapagamot sa'kin...? Sino na tatabi sa'kin tuwing gabi?" sandamakmak na tanong ni Ligaya. Habang lumuluha, ay mistula siyang namimilipit sa sakit.

Ang bigat ng pagkawala ng kaniyang kapatid ay hinahatak si Sinta sa dagat ng pagluluksa. Ang iisipin na hindi niya na muling makikita ang mga ngiting ito ng kaniyang ate ay nagdadala ng hapis sa kaniyang mahinang puso.

"Sino na ang magpapaaral sa'kin ulit? Akala ko ba magiging abogado ka? Akala ko ba tutulungan mo 'kong gumaling at maging isang doktor? Bakit ka nang-iiwan? Bakit ka umalis? Bakit mo kami iniwan ni Papa? Bakit hindi ka man lang nagpaalam sa'min ng maayos? Bakit inunahan mo naman ako? Ako dapat 'yong nandiyan eh. Mas may silbi ka sa'kin eh. Ang daya-daya mo ate Ligaya... ang daya-daya mo."

FRAGMENTS (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon