Hayaan niyo akong simulan ito sa overall kong (vague) summary sa storya kong ito.
Napakakomplikado ng buhay as it is sa pag-ibig. Marami kang desisyon na dalawa lamang ang choice na maaaring ibigay sayo. Either tama ang napili mo na siguradong walang pagsisisi ang mangyayari o maaari mo namang mapili ang maling choice na puro pagsisisi at ang laging umiikot sa isip mo ay kung bakit mo pa siya pinakawalan at kung bakit ang t*nga-t*nga mo sa pagpili.
Napakacruel nga talaga ng fairytales. Pinaniniwala sayo na madali lang makahanap ng the one. Pero sa totoong buhay maraming hahadlang at minsan nagiging wrong timing ang lahat at ang gusto mo lang ay ang tumigil ang oras para makapag-isip-isip ka muna.
Ang nakakainis lang naman dito ay wala lang naman binibigay sayo na escape card or choice na emergency exit.
Pero hindi e. Kailangan mo talagang magkamigraine at i-risk ang buhay mo dahil sa magkaubus-ubos na ang body fluids mo sa kakaiyak.
Ako si Savannah Montereal, isang high school student, anak, kapatid, girlfriend, best friend, adviser, journalist at higit sa lahat malas sa pag-ibig.
Ang storya ito ay hindi magsisimula sa ospital at kung anong araw ako pinanganak. Sisimulan ko ito kung saan nagsimula ang aking up and down relasyon sa salitang 'pag-ibig'.
YOU ARE READING
Heart Vacancy
Teen FictionNasa kay Savannah na ang lahat. Isang boyfriend na napakagwapo at next-in-line to be the captain ng basketball team nila. Isang best friend na alam niyang laging nandyan sa tabi niya in sickness and in health. Most desired girl sa Kent Academy at ma...