"Babe, sino ba tong si Kevin at mas importanteng magkita kayo kaysa manuod ng practice ko?" inis na tanong sa akin ni BF ko. Siya nga pala si Peter Garcia na isang varsity player sa basketball team ng school namin.
Surely mas exciting naman ang gagawin ko kaysa manuod na naman ng practice nila. Sino ba naman ang hindi magsasawa sa panunuod araw-araw nun? Practice pa naman nila yun. At alam ko namang magaling si Petey ko. "Petey, kailangan kong pumunta. Inaasahan niya akong susulputin ko siya ngayon. You understand naman di ba?"
Mukha pa ring nag-aalangan ang boyfriend ko, makikita mo naman sa mukha niya e." Ikaw naiintindihan ko kung bakit mo ako iiwanan ng maaga ngayon. Siya ang hindi ko maintindihan. Bakit sa lahat pa ng tao ikaw pa ang pinili niya? Baka may secret admiration yan sayo."
"Ano ka ba? First, ang drama mo naman. Second, inexplain ko naman sayo e. I'm fit for the job. Third, ang target niya ay si Snobby Melissa hindi ako. Okay?"
Kinamot ni Peter ang batok na isang sign na lumalambot na siya. "Alright. Sige. I'll text you whenever I can."
Relieved na pumayag na siya sa wakas nagsmile ako sa kanya. "Thanks, Petey. Bye!"
"Hep!" tawag niya. "Walang goodbye kiss?"
Bumalik ako sa kanya na tumatawa. Buti na lang nasa sulok lang kami at walang makakakita. Binigyan ko siya ng quick kiss sa lips. Pero feeling ko mas mahaba pa dapat dun ang gusto niya kasi nag-pout siya sa akin.
"Yun lang?"
"Yup. Next time!" I yelled behind me habang papalayo sa court.
"O, Savannah! San ka papunta? Hindi ka manonood ngayon?" tanong sa akin ni Alex Montereal, captain ng basketball team at kuya ko. May hawak siyang water bottle at face towel. Nasalubong ko siya pagkalabas ko ng court.
"Kuya, may kailangan akong puntahan e."
"Sige. Basta tawagan mo nalang ako kung pano ka uuwi mamaya. Malalate kami mamaya ng onti sabi ni coach."
"Noted, kuya!"
Okay, so ngayon kailangan ko nang hanapin si Kevin. Sabi niya na sa canteen daw uli kami magkikita.
Oh, boy. So tutulungan ko na nga siya. Sa pocket ng uniform ko, kinuha ko yung papel na kanina ko pa sinusulatan sa klase. Dun ko nilista ang mga pwede ko matulong kay Kevin. Tinawag ko itong Operation: Kevin Vasco. Hinati ko sila sa apat na sections. Appearance, Personality, Manners/Actions, at Knowledge.
Huh, parang Dating Tips 101 lang. Madali lang to!
Oo nga pala. Ako ay isa sa mga journalist sa school paper namin sa Kent Academy. Meron akong sariling column at iyon ay ang Dating Tips 101. Nagsimula lang to sa isang dare na binigay sa akin ni Melissa noong magkaibigan pa kami. Isang beses lang naman yun pero tampok na tampok ito sa mga high school girls, so inoffer ng mga taga-Kent Herald na ipagpatuloy ko. Dito ako lalong sumikat at dahil din dito nag-FO na kami ni Melissa.
"Savy!" sigaw ni Franky na inapproach ako galing sa kabilang end ng hallway habang kumakaway ng parang wala siyang natatamaan.
"O, Franky. Papunta na ako kay Kevin. Nandun na ba siya?"
"Di ko alam. Papunta pa lang din ako. Tara!"
After ilang pasikot-sikot narating na rin namin ang canteen. Wala nang masyadong tao sa loob so mabilis namin siyang nakita at napuntahan.
"Punctuality, check. Mabuti naman. Okay ang start natin," ininform ko kay Kevin. Umupo ako sa harapan niya at si Franky sa tabi.
And guess what? Nerd nga talaga. Tumingala siya from his Rubik's cube at nagsmile ng kanyang sweet nerdy smile.
"Ah, Kevs, no rubik's cube," sabi ni Franky at kinuha ang cube sa mga kamay ni Kevin. "Ilalabas mo lang to kung nasa relasyon na kayo. Wag muna ngayon."
Nacurious si Kevin sa sinabi ni Franky. "E diba pampaimpress yun at I bet wala pa si Melissa nagiging boyfriend na marunong mag Rubik's cube."
"May point ka naman dyan pero trust us, hindi ka magiging memorable kahit pa ex ka na nya. Mabilis mabore si Melissa kung yan lang ang tricks na kaya mo," sabi ko.
"Okay. Kayo ang experts."
Sa tabi ko nag-giggle si Franky na alam kong feeling niya ang galing-galing niya. "Yup, experts talaga."
Nilatag ko ang notes ko sa table at pinakita sa kanilang dalawa. Yumuko naman sila kaagad para makita yung papel. Kinlear ko ang throat ko para professional ang dating. "Guys, we call this Operation: Kevin Vasco. Eto ang mga points na kailangan nating pagtuunan ng pansin at hopely maacheive. Okay?"
"Personality?" tanong ni Kevin.
"Personality. Dito natin makukuha ang klase na ugali na mapapansin ng target natin. Kung ano ang gusto niyang makuhang vibe sayo." Napansin ko ang pag-aalangan ni Kevin so agad kong sinabi, "Don't worry little tweaks lang naman. Hindi ka naman magbabago ng sobra-sobra."
Nag-nod lang siya pero hindi pa rin siya mukhang sure."
"Yung appearance kailan natin gagawin? Yun yung pinaka-exciting sa lahat." ang tanong ni Franky.
"Right. Uunahin natin ang appearance. Bukas ay sabado. Free ba kayo?"
"Yup," sure na sure na sagot ni Kevin.
"Me too," sagot ni Franky.
"Okay so agreed na bukas na tayo magkikita at bukas na rin tayo magsta-start. Pahingi nalang ako ng number mo Kevin."
Kinuha ni Kevin yung paper sa table at dun niya sinulat yung cell number niya. Binalik niya sa akin pagkatapos habang nIruffle ni Kevin ang untrimmed hair niya. Yung bangs niya ang sarap gupitin sa sobrang haba. Kailangan may gawin ako dyan. Kailangan cleaner parang pang-caveman kasi e.
"Okay so kita tayo bukas. Text nalang tayo," sabi ko sa kanila na parang may spark na rin ng excitement kung paano namin ni Franky magagawa to.
Fingers crossed nalang.
YOU ARE READING
Heart Vacancy
Teen FictionNasa kay Savannah na ang lahat. Isang boyfriend na napakagwapo at next-in-line to be the captain ng basketball team nila. Isang best friend na alam niyang laging nandyan sa tabi niya in sickness and in health. Most desired girl sa Kent Academy at ma...