Walang tigil ang pagtulo ng aking mga luha kasabay ang mabibigat na hikbi.Ang gago niya. Ang gago gago niya. Binigay ko naman sa kanya lagat 'e. Lahat lahat pati pagkababae ko na hindi pa naman dapat para ipakita lang sa kanya na mahal na mahal ko siya pero ito lang ang gagawin niya? Pagkatapos ng first semester ko ay nakigpaghiwalay siya dahil lang sa hindi ko nasusunod iba niyang mga gusto? Putangina niya.
"Sie, hush na kase" malambing na pagkakasabi ni Calistina habang marahanag hinahagod ang aking tiyan
Kasalukuyan akong nakahiga sa braso ni Ate Lia na bahagya din akong niraramayan sa katangahan ko sa pag-ibig.
"There's always a reason behind everything, Lai" komporta naman sa'kin ni Ate
"Hindi niyo na ba talaga mai-aayos, Sie? Baka naghihintay lang din sa'yo 'yon na kausapin mo" pagsasalita ni Calistina
Humihikbing umiling ako at pinunasan ang aking mga luha. Hindi nila alam. Wala silang alam kung paano ako tinatrato ni Brutt sa likod ng lahat. Ang nakikita lang nila ay ang ngiti saking mukha at ang pagsasama namin sa public.
Hindi nila nakikita na bago kami makita sa mga fast food chains ay ilang beses ko pa siya pinipilit, hindi nila nakikita ang bawat away namin sa tuwing hindi ako pumapayag makipag siping, hindi nila nakikita ang ilang oras kong paghihintay sa kanya matapos ang basketball at sasabihan lang nang pabalang na 'Bakit ka pa nandito? Umuwi ka na', hindi nila nakikita ang lahat ng pekeng ngiti at tawa ko para maipakita lang sa kanila na ayos kami ni Brutt, na masaya kami.
He never initiated to date me, to walk me around the streets, to eat ice cream, to watch me practice my ribbon category sa gymnastic. Nagiging maayos lang kami kung napapaboran ko ang mga kagustuhan niya. He let me tagged him to my posts in socmeds pero hindi siya nagre-react o nagco-comment pero nakikita ko sa mga kaibigan at kaklase niya na halos gawin na nilang chat box and comment section.
Noong nanliligaw pa siya, maayos naman talaga kami. Araw-araw niya akong sinusundo, araw-araw niya akong cinocompliment, lagi niya akong binibilhan ng mga gusto kong pagkain na halos pagsilbihan niya pa ako. That made me break the rules against my Lolo. I broke the rules for him. Pero noong umabot kami ng tatlong buwan ay unti-unti na siyang nagbago. Mababa pa sa mababa na bare minimum. Kung hindi ko pa siya pinilit na ibigay sa'kin ang corsage niya ay hindi ko pa siya mapapartner but in the end, he ditched me.
Malandi, pokpok, haliparut, mang-aagaw ng jowa. Kasalanan ko ba kung mas maganda at sexy ako sa kanila? Bakit hindi sila magpaganda? Bakit hindi sila magdamit rin ng maayos? Nang sa ganu'n ay mabawas-bawasan ang pagiging inggitera nila sa'kin.
Ang lagi lang nakikita ng karamihan ay ang suplada kong mukha, kung paano ang pakikitungo ko sa iba, ang aking karangyaan at titulo sa pangalan, kung gaano ako ka labas ng balat manamit. Halos lahat ata sa senior high school ay ayaw sa'kin dahil isa lamang akong nepo baby. Kasalanan ko ba 'yon? Hindi ko naman pinili maging nepo baby, at hindi ko na rin problema kung ano iniisip nila.
I was so happy when Calistina transferred in St. Herastein International School. Nakakita ako ng kakampi, inspirasyon at motivation na maging masaya. Lagi niya akong iniisip, lagi niya akong inuuna sa lahat ng bagay. Sinisuguro niya na maayos ako, na masaya ako. Without Calistina, I don't know what could my life be.
Mabigat akong humugot ng paghinga at mapait na ngumiti kay Calistina, "Hayaan mo na, Cals. Wala akong magagawa, gusto na niya talagang bumitaw 'e."
"Don't cry na nga, look oh naiiyak na rin ako" nakangusong sabi niya
Sabay kaming napatawa tatlo nang tumulo nga ang mga luha niya na agad din niyang pinunasan
"Naiiyak ka ba talaga dahil sa'kin o baka nasasaktan ka lang rin dahil sa ginawa ni Eveon mo?" mapaglaro kong tanong
BINABASA MO ANG
Behind Closed Doors (HSS Series #2)
Teen FictionHigh School Sweethearts Series: Series Two. Rich Geovani A. Val Gomez, a Grade 12 STEM student and president of the journalism club, ranks second in the school's social elites hierarchy, embodying the pride and ambition that many students aspire to...