Pinindot ko ang notification sa facebook na tinagged post sa'kin ni Calistina.
Mga pictures namin dalawa noong nagsimba kami kasama ang pamilya namin. Ang ganda at cute niya sa suot na pink floral dress na hanggang binti. Habang sa'kin ay kulay lila at medyo hapit saking katawan. Napangiti ako habang ini-scroll ang bawat pictures. We were in the side of church kung saan may garden garden gaya ng mga entrance sa kasal.
A day with an angel beside me 🤍.
Napairap ako na may kasamang pagtawa nang mabasa ang caption niya. I long press the reaction button and choose the love react.
Magco-comment na sana ako dahil ako five minutes palang ang nakalipas nang i-post 'yon at ako ang kauna-unahang magco-comment nang lumitaw ang isang pangalan na kinaiinisan ko sa lahat na katabi ang comment niya.
Rich Geovani Val Gomez
Masyado na talagang malalakas ang mga demonyo. Kaya na nilang magbalatkayo bilang anghel at papasok sa loob ng banal na simabahan
Pagak akong napatawa habang nakatitig sa comment niya. Alam na alam kong ako ang pinaparinggan niya sa comment! Kung nandito lang 'yon ay baka nasampal ko na siya ng flops ko.
Binlock ko nga siya sa lahat ng social media ko dahil baka masaksak ko siya ng ballpen wala sa oras kung pati du'n ay magsasagutan parin kami. Gustong-gusto ko siyang e-block dito sa facebook pero hindi ko magawa dahil bukod sa may iisa kaming group chat, ay hassle rin sa'kin na everytime binubuksan ko ang group chat ay kailangan ko pang e-confirm na ayos lang sa'kin magstay sa conversation kahit binlock ko siya. Ginawa ko na kasi 'yan dati sa kanya pero ako parin naman ang laging naha-hassle kaya in-unblocked ko.
I gritted my teeth in annoyance when his comment gain instantly 56 reacts in two minutes.
Famous si Calistina sa facebook at maraming nakafollow kahit bago palang siya sa facebook. Drama rin kasi 'yon 'e laking instagram ba naman. Pero hindi ko rin naman maitatanggi na mas famous si Geovani kahit juniors palang kami. Outsiders man or sa loob ng school, ang daming humahabol sa kanya. Kadiri.
Pareho silang naka-public kaya mabilis rumami at umakyat ang bilang ng mga reacts at comments. Lahat naman ata kami naka-public maliban kay Eveon 'e.
Nagsimula akong magtype para replyan ang comment niya na mas ngayon ay tumaas na ang bilang ng reacts.
Sienna Karolai Hearst
↫
Rich Geovani Val Gomez hindi mo naman sinabing high-tech na pala ang mga unggoy ngayon at nakapag-comment ka pa
Inis na pindot ko ang blue button. Aba! Akala niya ba uurungan ko siya? Ulol niya!
Ngiting tagumpay ako nang umabot agad nang 61 reacts ang reply ko na para bang inaabangan ng marami ang sagot ko.
Rich Geovani Val. Gomez
↬
Sienna Karolai Hearst wag magpahalatang demonyo. Wala naman akong binabanggit na pangalanTumaas ulit ang kilay ko sa reply niya.
Sienna Karolai Hearst
↫
Rich Geovani Val Gomez ulol sabi ko naman sa'yo tigilan mo na pagdudruga
BINABASA MO ANG
Behind Closed Doors (HSS Series #2)
Teen FictionHigh School Sweethearts Series: Series Two. Rich Geovani A. Val Gomez, a Grade 12 STEM student and president of the journalism club, ranks second in the school's social elites hierarchy, embodying the pride and ambition that many students aspire to...