Sa bansang aking tinatapakan,
Ako'y kanilang hinuhusgahan.
Pagkatao ko'y sinisira,
Habang sila'y sumasaya.Ako'y taong gusto lamang tumulong,
Ngunit gusto niyong ipakulong.
Ala-ala ko'y bumubulong,
Pagkat ako'y kinukulong.
Personalidad ko'y hinuhukay,
Habang ako'y gusto ng humimlay.
Sinubukan lumaban,
Ngunit ako'y napagalitan.Mga luha'y pinipigilan,
Habang ako'y sinisiklaban.
Sa pag lagapak hindi masugatan,
Pero sa salita nila'y napupugutan.
Mga mahal kong kababayan,
Ako sana'y inyo paring ipaglaban.
Mga ala-alang iniwan ko'y wag kalimutan.
Dahil hindi niyo na mararanasan.
Mga sarili nyo'y ingatan,
Dahil wala na ako diyan.
At sa aking pag lisan,
Huwag nyo akong kalimutan.
A/N: huhuhuh kamusta ang buhay buhay?🥹
Thanks for reading..
BINABASA MO ANG
PANAGINIP LANG BA - (Alice Guo AU)
Historia CortaMay isang Mayor na nag ngangalang Alice Guo, masaya lang ang bayan niya at siya, ngunit isang araw ay tila gumuho na lamang lahat. Palagi siyang umiiyak at sinisisi ang sarili, at dumating ang isang gabi kung saan dito na natapos ang lahat. At nakam...