DALAWA

4 0 0
                                    

Gabi na, Nakaalis na rin si tuf sa bahay nina selveus kung saan mag isa na naman sya.Nasa mesa sya katatapos lang magluto at nakahain na rin ang pagkaing hinanda nya habang inaantay dumating ang kanyang ama.

Medyo di parin sila makapaniwala tungkol don sa sulat, sa school na papasukan nila lalo na sya buong akala nya isang scam lang pero wala na silang magagawà kundi tanggapin ang alok ng scalia academy.

May tuwa sa puso nito dahil makakapag aral sila ni tuf lalo na't libre walang ibang gagastusin ngunit nangingibabaw ang kaba na hindi nya malaman kung saang nanggagaling.

"Ang lalim ng iniisip mo,magaan na ba makiramdam mo nak?" Nabàlik sa wisyon si luz ng biglang nagsalita sa gilid ang ama, Nakarating na pala ito mula sa trabaho, Ang huling kita nya kasi dito ay nong martes pa.

" Ayos naman na pa, kunting pahinga nalang to" nakangiting saad nito habang inaasikaso ang pagkakainan ng ama. Abala naman ito sa mga gamit na dala nito na di mapigilang mag isip ni luz dahil di nya mawari kung ano ba trabaho ng ama, dahil ang sagot lagi nito ay isa itong ahente ng mga kotse pero sa loob loob nya di sya naniniwala may kakaiba kase na hindi nya maipaliwanag.

"Oo nga pala pa, May tumanggap samin ni tuf na eskwelahan"

"Totoo? Mabuti kung ganon,makakapag aral ka muli. Alam ko namang gustong gusto mo makatapos dahil sa mga pangarap mó na makakamit mo talaga sigurado ako don" mahabang paliwanag ng ama. Habang abala na sila sa pagkain

"Eh kailan naman unang araw nyo ni tuf? "

" Sa Lunes pa,pero bukas ho ng hapon ay dapat nandon na kami sa loob ng campus nila"

"Ha?! Bakit naman?  Malayo ba yon? Anong School ba yan ?"

" May dorm sila pa kaya nagooffer sila para sa mga estudyante na malalayo ang tirahan"

"Ah ganon ba, parang ayos yan nak ah di na natin poproblemahin ang pamasahe mo uwian at higit sa lahat pati narin tirahan mo. Napakaswerte naman at may mga school pa palang ganyan,may konsiderasyon sa mag-aaral nila" manghang manghang saad ng ama ni luz.

Si Luz naman ay sumasabay lang sa kasiyahan ng ama, dapat kasi ganon rin sya mag -isip kaso manghihinayang lang sya kung uunahin nya yong kaba na nararamdaman nya tungkol don sa papasukan nila.

'Para kasing may mali'

Linggo....

Mag aalasdos na ng hapon, nakatulala at malalim ang iniisip ni Luz, Nakaupo ito sa kama nya habang nakatungong hawak hawak ang papel na mula sa Scalia Academy.

Gusto nyang umatras pero wala na syang magagawa, sayang rin ang pagkakataon, nag dadalawang isip ito dahil baka maulit na naman ang nangyare sa kanila ni tuf sa dating pinasukan ng mga ito.Baka masira ang pangalan nila kung ganon.nakakahiya.

Ganon pa man ay nakahanda naman na ang mga gamit nito nakapag paalam narin sa tatay nya na maagang pumasok sa trabaho kaninang umaga.

Inaantay nito si tuf dahil napag usapan ng dalawa na sabay silang pupunta sa waiting shed sa kanto, doon kasi ay susunduin sila ng kung sino patungo sa Scalia Academy.

Napabalikwas naman sa pagkakaupo si luz ng may kumatok sa pinto nila sa baba, sigurado syang si tuf yon kaya mabilis nyang isinakbit sa balikat nya ang isang malaking back pack at dala naman ang isang maleta kung saan nandon lahat ng mga gagamitin nya.

Bago isira ang pinto ng kwarto ay inilibot nya muna ang kanyang paningin, paniguradong hahanap hanapin nya ito.

"Ang bagal mo naman kumilos,alam mo namang dapat bago mag alas tres ay nandon na tayo sa waiting shed diba" paghihimutok ni tuf sa kaibigan,may dala itong dalawang back pack at isang maleta.

Scalia Academy (School of Felons)Where stories live. Discover now