TATLO

2 0 0
                                    

"Oh? Anyare sa inyo?" Pagkabukas ng pinto ng kwarto nila ay bumungad ang magkaibigang nagtatalo, lumingon at tinanong naman ni lance habang kumakain sila ni theo kung saan abala sa pagkain ang bata

"Ano ba Luz,naguguluhan rin ako don sa nakita natin,okay?"

" Ayon na nga eh dapat binalikan natin yong babae para tulungan"

"Tulungan? Nakita mo ba yong itsura nong babae? Di yon normal baka nangtitrip lang yon tsaka nasa building sya ng mga lalaki " paliwanag ni tuf sa kaibigan na nakakunot ang noo sa kanya

Kanina kasi ay may babae sa labas ng elevator na sinakyan nila pataas ngunit duguan ito at walang braso putol yon at hawak hawak ng babae ang parteng naputol, ng makita yon ng dalawa ay natakot ang magkaibigan.

Hanggang sa hilahin ni tuf si luz na gustong bumalik sa ibaba para tulungan ang babae

"Ikaw narin may sabi sakin na tama na sa gulo diba? Kaya hayaan mo na yon, trippings lang yon dahil nasa school tayo walang ganon dito"  banat pa ulit ni tuf na ngayon ay nakaupo na sa mesa kung saan ay kinuhaan naman ng pinggan ni theo ang dalawang nagtatalo

Sa isip isip naman ni luz ay tama ang kaibigan, impossible ang nakita nila na talagang baka trippings lang dahil bagong salta sila dito, impossible rin dahil nasa loob sila ng pribadong skwelahan kaya napaka impossible na mangyare yon at isa pa hindi kaya ng tao ang gagawa non napaka brutal masyado.

"Ano bang nakita nyo mga pre?" Nag aalangang singit ni lance dahil di sya makarelate sa usapan ng dalawa.

" May babae don sa baba duguan at walang braso" sagot ni tuf

"HAHAHAHAH nako di nyo kailangan magtalong dalawa maraming ganyan dito,mga nangtitrip lalo na mga babae at sa inyong mga bago ang target" tatawa tawang sambit ni Lance

Nagkatinginan naman ang magkaibigan at pagak na natawa " see? Sabi sayo eh. Di totoo yon" pagyayabang ni tuf kay luz na naiiling iling nalang.

Paglingon nito sa bata kay theo ay nakatingin Lang ito sa kanila tinignan nya naman si lance na tumatawa ngunit halatang pilit yon at sinasabayan lang si tuf, di nya naman gaano pinansin yon at kumain na, Don rin sa hapag na yon naging maayos ang pagpapakilala nila sa isat isa.

Napag alaman nyang mahigpit ang sweklahan kaya wala kang dapat gawin kundi sumunod para wala kang maging problema lalo na't wala kang gagastusin sa pag aaral mo.

Napag alaman din nyang mag dadalawang taon na si Lance don nag aaral na ang totoong pangalan ay Lawrence Madringal, buti nalang daw ay don sila napunta sa dorm na yon dahil nagsasawa na ito sa kasamang bata na si Themotheo Azul.Don rin nila napag alaman na di sila magkamag anak, syempre di mapakali si tuf,tinanong nya kung anak ba ni lance itong si theo.

Basta sagot lang nito na dito na nakatira ang bata bago sya dumating wala rin itong alam sa iba lang impormasyon ukol don bukod kay theo ay si madam menerva lang nakakaalam tungkol don.

Lumalalalim na ang gabi, pumasok naman sa isang silid si luz, nasa dulo yon.  Bali pang  apatan lang ang silid nila dahil apat lang ang kwartong andon pero masyado parin yong malaki para sa apat na tao,kaya magkatapatan lang ang mga pinto, katapat nya ang kwarto ni lance sa harap at katabi nya ang kwarto ni theo sa kaliwa nya.

Pinagmasdan nya ito, doble ang laki non sa kwarto nya sa kanila, may malaking bintana don na nakabukas patungo sa veranda ng kwarto nito,tanaw mula sa kinatatayuan nya ang mga iilang buhay na ilaw sa mga kwarto sa mga gusaling nasa harapan nya.

' Ang angas dito' naisambit nito sa isip habang namamangha parin.

Ibinaba naman ni luz ang mga dalang gamit at inayos yon sa bakanteng kabinet, ang Lawak rin ng study table nito, sisipagin lalo sya nitong mag -aral . Walang isipin talagang pag aaral lang ang gagawin nya.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Aug 12 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Scalia Academy (School of Felons)Where stories live. Discover now