"Lola! Papasok na po ako."
"Sige, yung baon mo nanjan. Mag ingat ka!"
Lumabas na ko sa bahayy nakin. Simple lang naman ang bahay namin. Kay Lola ang bahay na iyon. Maliit lang, kalahating semento at kalahatinng flywood. Isang kwarto kung saan salo na kami ng Lola ko at mayroon rin namang matatawag na sala at malinis na banyo. Kaharap na ng sala namin ang kusina. Maganda naman ang benefits ng kaliitan ng bahay namin kay Lola kase hindi na niya kailangang humakbang ng marami para makarating sa mga parte nito.
Dalawa nalang kami sa buhay ng Lola ko. Ang sabi niya, namatay daw ang nanay ko ng ipinanganak ako. Si Lolo naman ay binawian ng buhay nung tatlong taon pa lamang ako. Ang tatay ko naman daw ay hindi niya kilala dahil umuwi nalang daw ang mama kong buntis na.
Grade 10 na 'koat huling buwan na ito ng pasukan namin bago mag moving up. Hindi ako matalino, pero hindi rin naman ako bobo sakto lang, kumbaga ganda lang ang ambag.
"Oh, Claire. Hinihintay ka na ni Jumong. Yong utang mo raw."
"Aba? Anong utang? 'wag niya kong lukuhin oy."
Nakatingin ako sa mapulang mukha ng kaibigan kong si Hellen. Maarte ito at maraming kolorete sa mukha. Hilig niyang mag blush-on na parang kanin siyang sinapawan ng hotdog. Mapula rin ang liptint niya at mayroong mga bumabating lower grades sa kanya na nanay.
"Sabi niya kase sabihin ko raw sayo, yung tinda mo daw kaseng turon nung nakaraan sa kanya hindi masarap yung lasa kaya utang mo daw sa kaniya yung 15 pesos na binayad niya."
"Loh? Huwag siyang OA kase tinda yon ng mama niya. Sampo yung bili ko sa mama niya tapos benenta ko sa kanya ng kinse. Sabihin mo sa kanya, isusumbong ko siya sa nanay niya."
"Ngek"
Dumeretsyo na ko habang lumiko naman si Hellen sa may corridor para sabihin kau Jumong ang pinapasabi ko. Si Jumong ang siga ng grade 10 pero mabait yon sakin kase nung bata siya, tinulungan siya ng Lola kong makaahon sa kumunoy. Simula non, hindi na siya tumatanggi tuwing hihingian ko siya ng tulong.
Nagsimula na ang klase at habang wala pa si Ma'am, pinag-uusapan nila ang transfer daw sa star section. Pwedi pala iyon? Baka may kaya ang mga ito. Tumigil rin sila nung dumating na si Ma'am at saka uli nag ingay nung recess na. Lumabas kami ni Hellen oara bumili ng pagkain at habang naglalakad papuntang canteen ay binuksan niya ang usapan tungkol sa pogi daw na transfer sa star section.
"May pogi sa star section. Type mo." Wika niya ng nakangiti na akala mo nakakita siya ng kung sinong artista.
Napairap naman ako, "Sus, iba ang mga type ko. Wala sa pinas." Bahadya kong binilisan ang lakad dahil dumadami na ang mga students na lumalabas.
"Maniwala ka sakin, nakita ko rin kanina." Nakahabol niyang sabi sa akin.
Lumingon ako sa kaniya at binigyan siya ng nakakadiring tingin, "Sinong niloko mo e hindi ka nga marunong tumingin ng pogi at hindi." Nakita ko si Jumong na naglalakad sa hallway at tinuro ito. "Kay Jumong nga napopogian ka eh."
"Pogi naman talaga si Jumong ah? Atsaka hindi, iba talaga yung looks niya eh." Umakto pa siyang nag-iisip. "Parang greek god ganon."
Napalingon akoong natatawa sa kaniya, "Malay mo hindi siya greek god. Malay mo isa siyang aswang na nagpapalit anyo tapos plano niya ngayon akitin lahat ng mga babae para pag uwi niya may makakain siya."
Lumapat sa mukha ni Hellen ang takot. Duwag kase ito at takot sa mga aswang o multo. "Hoy! Hindi ah. Mukha siyang mabait, paniguradong maiinlove ka pag nakita mo siya."
Tumigil ako sa paglalakad at tiningnan siya ng seryoso at nagsalita, "Alam mo, kung gwapo nga talaga siya, edi redflag na agad yon kase babaero. Tapos tingnan mo pa, transfer tapos star section agad? Matalino, siguro pero syempre isang dahilan non e kase mayaman sila, ibig sabihin matapobre." Nagkibit balikat ako at nilingon ang namumutlang si Hellen. "Kaya ikaw, wag kang magpapalinlang."
Iiling iling lang ang babae at ako naman ay nagtataka sa itsura niya. "Anyare sayo? Mukha kang tanga." Namimilog ang mata nito bago ako tinalikuran at tumakbo. "Hoy!"
"Excuse me," May malagong na boses at matigas na english na sabi ng tao sa likod ko. "You're blocking the way, Miss." Sabi nito at nilagpasan ako.
No way. Hellen was right, ganon yung type ko!

BINABASA MO ANG
Tamed by Pain
Non-FictionHow are you going to handle the hell that was brought on by the only person you trust with all your heart? Aurora Claire Ramos lives quietly in their province when the man named Zayn Keanne Colton catches not only her attention but her heart. How wi...