Ang weird ba kung sasabihin kong crush ko na siya?
Naglakad ako palabas ng bahay namin habang hawak ang tirang ulam ko kanina sa agahan. Naka pay-out kase si Lola sa Senior Cetizen kaya may hotdog kami. Habang naglalakad ay hindi mawala sa isip ko ang mukha nung transfer kahapon. Pagka-daan niya sa harap ko non ay napatulala lang ako.
Hindi ko na alam kung narinig niya ba lahat ng sinabi ko sa kaniya kahapon. Haka-haka lang naman yon e, ang OA naman kung ma o-offend siya.
Napatingin ako sa dalawang truck na nasa may harap ng bahay na matagal nang walang nakatira. "May lilipat kaya?" Sinilip ko ang bahay at may mga tao ngang naghahakot sa loob. "Nakakatakot siguro diyan, tagal nang walang nakatira e." Nakalingon pa ako dito habang palampas ako. "May multo siguro diyan, mga lima."
"Really?"
"Ay, multo!"
"Kahapon aswang, ngayon multo?"
Lumingon ako sa lalaking katabi ko na ngayon. Nakapayong siya at nakasimangot. Narinig niya yung kahapon? Medyo ngumiwi ako at sinubo na lahat ng hotdog. Baka maagaw niya pa. Tumingin na uli ako sa unahan, hindi ko na pala siya crush. Ayoko sa mayaman.
Tinaasan ko siya ng kilay, "Chismoso ka pala." Tumingin na uli ako sa daan at binilisan ang lakad. Napansin kong bumilis rin siya ng lakad.
Tumikhim siya at lumingon sa daan, "Pasabay." Pagkatapos niyang sabihin yon ay sa payong naman niya siya tumingin. "Hindi ko pa alam yung daan."
Natawa ako sa hitsura niya. Mukha siyang tigasing lalaki na inagawan ng lollipop. "Anong pangalan mo?" Tinaasan niya lang ako ng kilay at medyo tumagilid. May pin nga pala kami na nakalagay doon ang pangalan. "Zayn Keanne Colton." Napailing ako,mayaman nga talaga. Hard pass.
Napansin niya ata kaya bigla siyang napatuwid ng tayo. "Is it that bad?" Irap niya sakin.
Medyo tumingkayad ako dahil matangkad siya at tumagilid. Pinakita ko sa kanya ang nametag ko, "Hindi, maganda naman pangalan mo pero mas maganda yung akin, Aurora Claire Ramos." Umayos na uli ako ng tayo at pinagpagan ang kamay ko. "Deretsyo ka jan, sakayan na yan ng trike dito naman sa kabila sakayan ng jeep. Ako, maglalakad ako. Bye!"
Tumakbo na ako at iniwan siya. Hindi ko kayang tumagal don. Masyado syang pogi, baka maging crush ko lang siya.
Pag dating ko sa room ay bumati sakin ang mga kaklase ko at umupo na 'ko sa upuan ko. Practice namin ngayon ng martsa sa stage. Dumating na si Hellen at sinusuklay na naman niya ang buhok niya. Tumingin siya sakin at kumindat, umirap naman ako.
Ngingiti-ngiti siyang lumapit sakin, "Kinausap ako ni Marc." Si Marc yung crush niyang basketball player. "Tinanong niya kung may jowa daw ako." Pulang pula ang pinge niya na hindi ko alam ang dahilan, blush on ba o si Marc?
Medyo humarap ako sa kanya at hinawakan ang buhok niya. "Baka gusto ka niyang maging girlfriend." Kinilig ata siya at mas lalo pang namula.
Napahawi siya ng buhok at kinuha ang make up pouch niya. "Siguro." Tuwang tuwa siya habang nag b-blush on at ako nama'y nakatingin sa kaniya.
Dumating na yung president namin at sinabing humanay na kami dahilmagsisimula na ang practice. Tumayo na ako at sumunod naman na sakin si Hellen. Nakahanay na ang ibang mga section. Sobrang tagal nito kase madami ang section sa school namin. Madadaanan namin ang star section at tama nga ako. Nakatayo ng tuwid doon si Zayn at maraming nakatingin sa kaniya.
Nag-angat siya ng ulo at nagtama ang paningin namin. Pawis na pawis siya at mukhang maputla. Masama ang tingin niya sakin at hindi ko alam kung bakit. Sinamaan ko rin siya ng tingin at inirapan. Problema non? Wala naman akong ginagawa sa kaniya.
Nagsimula na kaming mag martsa. Kasabay ng tawag sa pangalan ang karangalan na matatanggap ng mga estudyante. Unang mga tinawag ang star section. Syempre, lahat ng students sa kanila may honors. "Zayn Keanne Colton, with Highest Honor." Naks, talino ah.
Nagsimula na rin sa mga normal na grade 10 ang mga teachers at pang dalawa kami sa mga section. "Hellen Ashley Margarita, with Honors." Slay. Hindi sinabi sa amin nung adviser namin kung sino ang may mga honors kaya nasorpresa pa ang kaibigan ko habang naglalakad siya paakyat ng stage. Malapit na rin akong matawag kaya humakbang na rin ako papalapit sa stage. "Aurora Claire Ramos, with Honors." Masasabitan pala 'ko ng Lola ko. Meron din pala ko eh.
Nang matapos na ang practice ay pinag lunch na kami at pagkatapos ay pinag practice ulit. Mahabang araw din yon. Habang pauwi kami ay nakita ko pa si Zayn na naglalakad palabas ng room nila. Nagtama ulit ang paningin namin at sinamaan na naman niya ko ng tingin. Ano bang problema nito? Bading ba 'to? Napangiti nalang ako sa naisip ko at nilapitan siya dahil baka mukha akong tangang nakangiti mag-isa.
Nilapitan ko siya at kita ko ang tinginan ng mga kaklase niyang taga star sectin din. Hindi naman ako sikat dahil sa katalinuhan ko, sikat ako dahil alam nilang medyo pasaway ako at syempre may looks. Matangkad kase ako at medyo bilugan ang mukha pero may kurba ang katawan ko at hindi sobrang payat at taba. Mahaba ang mga binti ko kaya madalas akong alukin ng pagsali sa pageant pero hindi ko gusto yung ganon.
"Huy, Claire! Hindi 'yan papatol sa'yo! Masyado 'yang mabait."
"True, ayaw niyan sa maldita."
Napa-iling nalang ako at tumuloy ng lakad palapit sa salubong na kilay na si Zayn. "Problema mo, Aswang?" Medyo napakibot pa ang labi niya bago siya naglakad at iniwanan ako.
Binilisan ko rin ang lakad ko at kinulbit siya. "Bading ka ba? Ba't ganiyan ka makatingin?"
Tiningnan niya ko at nagulat pa ko dahil medyo malapit na siya sakin. Naamoy ko ang pabango niyang bench na blue. Nahiya ang juicy na green ko. "Ano?" Medyo umayos siya at may binubulong.
Lumapit ako ng kaunti para marinig siya, "Pasabay. Naligaw ako." Napangiti ako, hangaang sa naging tawa na. "Ano?" Tanong nito sa galit na boses. "Are we going home or what?"
Tumango-tango at nagpunas ng umalpas na luha, "Tara na." Naglakad na kami pauwi kase ayaw niya mag jeep o trike. Habang palabas sa kami ay pinag-uusapan siya ng mga students.
Bulungan ng mga babaeng estudyante ang maririnig sa hallway. 'Yon ang hindi ko maintindihan sa mga tao dito sa school e, tuwang-tuwa sila sa transfer na 'to eh madaya nga to, dumating lang dito para mag moving up. Pustahan, hindi 'to dito mag s-senior high.
BINABASA MO ANG
Tamed by Pain
Non-FictionHow are you going to handle the hell that was brought on by the only person you trust with all your heart? Aurora Claire Ramos lives quietly in their province when the man named Zayn Keanne Colton catches not only her attention but her heart. How wi...