"Tangina, muka syang manok."
"Si Raven na naman tinitignan mo," komento ni Dianne sa sinabi ko nang hindi inaalis ang paningin sa cellphone nya.
Halata namang tinitignan ko sya dahil nakatagilid ako ng upo para lang tumingin sa likod. Sa dulo na naman kasi sya pumwesto at sa harapan naman ako. Nasa magkabilang sulok kami kaya mas madali ko syang makikita ngayon kaysa sa pwesto namin last school year na nasa likod na likod ko talaga sya.
"Bakit kaya yan nagpakulay ng buhok? Muka syang tanga.." bulong ko pa ulit.
Ang totoo ay naiinis lang ako dahil nakikita kong day by day ay lalo syang gumagwapo. Parang masyado syang nag-aayos ng sarili nya at naiinis ako dahil maraming atensyon ng mga babae ang nakukuha nya sa labas!
"Wag mo na lang tignan kung ayaw mo."
"Hindi ko kaya," ngumuso ako at bumagsak ang mga balikat. "Ang pogi nya.."
Ibinaba nya ang cellphone na hawak at iritadong tumingin na sa akin. "Jusko naman, Kassy. Akala ko ba muka syang manok?"
"Sya yung pinakapoging manok na nakita ko."
"Ewan ko sayo." Bumalik sya sa kaninang ginagawa.
Sa loob ng dalawang buwan ay alam kong sawang sawa na ang tatlong katabi ko sa kababanggit ko ng pangalan nya. Lagi rin akong nakatingin sa likod dahil hindi naman ako pinapansin ni Raven. Hindi ko alam kung bakit hindi nya napapansin ang mga obvious na titig ko.
"Magrereview ka?" Tanong sakin ni Mila habang nag-aabang kami ng jeep sa tapat ng school.
"Kaya 'yan ng stock knowledge ko." kahit alam kong hindi naman talaga. Tinatamad lang ako at alam kong tinatamad din sila.
"Very good. See you next next week."
Hindi ko pa rin alam kung sino ang makakasama ko next week dahil bukod sa kanilang tatlo ay wala na 'kong ka-close na iba pa sa klase. Hinati sa dalawang set ang section namin para sa exam next week. Kamalas-malasang Set-B silang tatlo at Set-A naman ako. Mas lalo akong nalungkot nang malamang Set-B rin si Raven.
"Gusto mo sumama?" Nag-angat ako ng tingin kay Shane nang tumayo sya sa harap ko at magtanong. "Do'n tayo sa library. Nando'n daw sina Ella."
Kahit nagtataka sa pagyayaya nya ay sumama na rin ako dahil wala naman akong gagawin sa loob ng classroom after ng exam namin sa philosophy. May one hour vacant pa kami bago ang susunod.
Sabay kaming bumaba ni Shane kasama ang boy bestfriend nyang si Gabrielle. Hindi ko alam kung bakit nila 'ko niyaya. Siguro dahil muka akong kawawa na tahimik lang dahil nahiwalay sa mga kaibigan. Naguusap naman kami paminsan-minsan sa room dahil ang seats nila ay nasa likod lang namin. Ang tinutukoy nyang si Ella ay Set-B at hindi ko alam kung anong ginagawa nya dito.
"Ba't nandito si Ella?" tanong ko bago makapasok sa library.
"Wala, gusto lang nila. Nandito rin daw yung ibang Set-B."
Pagbukas nya ng pinto ay sumunod akong pumasok. Nagulat pa 'ko nang magtama ang mga mata namin ni Raven gayong hindi ko naman inaasahang makikita sya ngayong araw!
"Uy, crush mo."
Kinunutan ko ng noo si Gabrielle sa likod ko nang bumulong sya sa akin.
Nasa iisang table ang apat na classmates namin na Set-B at doon din umupo si Shane dahil nandon si Ella. Naupo naman si Gabrielle sa tabi ni Shane, katapat nya si Raven. Naupo ako sa tabi ni Gabrielle. Nasa tapat ko si Mori na syang katabi ni Raven.
![](https://img.wattpad.com/cover/374462804-288-k252921.jpg)
BINABASA MO ANG
The End Before The Beginning
Teen Fiction"When the time is right, I hope we meet again.. as the best version of ourselves." Sinubukan na namin ng ilang beses. Pabalik-balik, paikot-ikot, walang natututo. Mapapalapit sa isa't isa, magkakaroon ng hindi pagkakasundo, kaunting interaction, mag...