Loving you is Red

106 4 2
                                    

Loving you is Red

Written by: LookUpYoungMen

---X---

Prologue:

Siya lang naman ang gusto ko.. Wala ng iba

Ang hirap magkagusto sa taong ni minsan di tumingin sa iyo.

Kilala mo siya pero ikaw di niya alam nag eexist ka sa mundo.

Yung tipong lahat magiging kalaban mo.

You against the world, Ang tema. Ang hirap naman nun.

Masiyado ko ata siyang mahal? 

Eh kasi naman bakit sakanya pa ko nag kagusto, I'm just nobody! Isang napakagandang babae ang magkakagusto saken?!! In my dreams.

Pero malay naman natin, di natin alam! bilog ang mundo. Sana nga!

Loving her is red ^_^

-----------------------

[CHAPTER 1 "First time"]

Eto nanaman ako parang stalker nakatingin sa kanya mula dito sa garden, Hayyysss nakakapagod din mag stalk nuh! Pero hayss... Pag ngumiti siya heaven!!

"Huyy, Nag sstalk ka nanaman!!" Biglang batok saken ni Cyrus, Nahuli nanaman niya kasi akong pasulyap sulyap kay Julie.

"Tsk!! Wag ka nga maingay baka marinig ka nila!" Pagsabi ko sakanya ng di siya nililingon.

"Ikaw naman kasi puro ka pag sstalk! mauunahan ka ng iba niyan eh.." Sabay subo niya ng burger na dala niya. 

Pag kasabi niya nun ay umupo ako ng maayos, Nakatingin lang sa kung saan. Tsk! napaisip tuloy ako bigla sa sinabi niya.

"Pre!! tingnan mo! May nagbibigay nanaman sakanya ng chocolates tska bulaklak!" Sabay turo niya sa direksyon ni Julie, Napalingon naman ako agad.

"Tsk! Ayan na nga ba sinasabi ko sayo eh.. Pre ang haba na nang pila baka mag cut-off, Di ka makaabot niyan!" Pag katapos niyang sabihin saken yun ay tumayo na siya pupunta na ata sa next class, Bakit ba ang lalaman ng mga sinasabi nun saken based on experience?? 

Ako?? eto tulala, Tinitingnan lang si Julie hayss.. Ang ganda naman kasing nilalang to! kaya lahat nahuhumaling sakanya, Meron siyang kumikinang na buhok kapag natatamaan ng sinag ng araw, White complexion ung tipong pag nahawakan mo ehh pwedeng madumihan ng di mo sinasadya, Makinis, Matangkad, Brown eyes, at kapag nadaanan ka niya siguradong maaamoy mo ang pabango niya, Ang bango bango.. stalker na stalker ang dating ko, TSK >.< 

Andami kong sinasabi, Ako nga pala si Neilly Maverick pero Neil ang nickname ko 17 years old 1st year college, Palihim lang akong umiibig kay Julie, Pero sana mapansin niya rin ako. Ehh panu nga ako mapapansin eh di naman ako kapansin pansin hayyyy. Cyrus Martin naman ang pangalan ng matalik kong kaibigan 17 narin siya, Matagal narin kami nung magkaibigan kahit na dati nagkahiwalay kami nun dahil kenailangan ng family niya na lumipat sa Italy dahil sa family business nila doon. 7 yrs old palang siya nun tapos nung 11 na siya bumalik ulit sila dito, Ang galing nga eh 4 years rin yun pero di niya ko kinalimutan ganun talaga siguro pag perslab hahhahha :D joke! di ako bakla nuh!!

Tumingin ako sa wrist watch ko 11:47 am, Maaga pa. Magkaklase kame ni Cyrus pero di ako pumasok dahil ako po ay saksakan ng tamad. Natulog nalang ako sa garden nakakaantok kasi kahit mainit di ko ramdam dahil mahangin at masarap dito sa ilalim ng puno favorite tambayan ko, Tanaw ko pa si Julie mula dito. 

Hey there Delilah

What's it like in New York City?

I'm a thousand miles away

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Apr 05, 2013 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Loving you is RedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon