01

0 0 0
                                    

“Habulin niyo!”

“Wag niyo hayaang makatakas!!”

“Ayon! Pumasok sa gubat!”

Mabilis akong tumakbo, para hindi nila ako maabotan... Shit pagod na ako, napahawak ako sa tagiliran ko na may tama ng bala...
Napalingon ako ng marinig ko ang mga boses nila, nagtago ako sa puno para hindi nila ako makita, buti nalang malaki yung puno na pinag taguan ko...

Maraming dugo na ang nawala sakin, nanghihina narin ako kunti nalang mawawalan na ako ng malay... Sumilip ako para alamin kung nasan na yung humahabol sakin, pero nag tago rin pabalik dahil muntik na ako makita nung isa...

Shit!

“Kailangan ko makaalis dito”-tiningnan ko yung baril ko kung may bala paba...

3 bala nalang, 9 silang humahabol sakin...

“Pag minalas ka nga naman”-hinanda ko yung sarili ko dahil tatakbo nanaman ako, pagod na ako pero kailangan ko makalayo sa kanila.. lumabas ako sa pinag tataguan ko at hinarap sila...

“Hoy mga pangit!”-sigaw ko..

bang!
bang!
bang!

Binaril ko yung tatlo na medyo malapit sakin, at tumakbo nanaman ako ulit ng mabilis para hindi ako mahabol nung natira...

“Barilin niyo!!”

bang!
bang!
bang!

Tudo iwas ako sa bala, at binilisan pa ang pag takbo, sa hindi kalayuan may kung anong liwanag, hindi ko maaninag dahil nanlalabo na ang paningin ko sa sobrang pagod at sobrang dami na ng dugo na nawala sakin...

“Ayun! Habulin niyo! Kunin niyo siya ng buhay!”

“Hoy! tigil!”

Malapit na ako dun sa liwanag, binilisan ko pa ang pag takbo dahil malapit na nila akong maabutan... Nang makalapit ako sa liwanag dun ko lang na kita hindi yun basta liwanag lang..

“a portal?”-inabot ko ang kamay ko kung totoo nga.. wtf!! it's real!..

“Tigil!”

Napalingon ako dun sa mga lalaking humahabol sakin, nakatutok yung mga baril nila at handa na nila akong barilin ano mang oras...

Bahala na..

Mabilis akong pumasok sa portal, buti nalang hindi ako naabutan ng mga bala nila kung hindi patay talaga ako...

Dinilat ko yung mga mata ko at namangha ako sa paligid, it's..

Magical...

Mga nagtataasang mga puno, mga bulaklak, para akong nasa paraiso o baka naman patay na talaga ako.. ito naba yung langit? Ay hindi pala ako tanggap dun, sa dami ba naman ng taong pinatay ko eh...

Maglalakad na sana ako ng bigla ako makaramdam ng pagkahilo, yung paligid parang umiikot, yung sugat ko kumikirot, kaya na tumba ako sa lupa, pero bago pa ako mawalan ng malay, may tao akong nakita na papalapit sa akin.. and everything went black...

Nagising ako dahil sa ingay, umupo ako sa kama at nilibot ang paningin sa loob ng kwarto..Ang naalala ko lang ay yung may portal, tapos pumasok ako then...

“Gising kana pala”

Napalingon ako sa nag salita, it's a lady... She's beautiful, wearing that floral dress.. mas bumagay sa kaniyang maputi na balat at kaniyang mahabang buhok...

Sino naman to?

“I'm Elva Sybil”

What? Hindi ko naman siya tinanong uh,pano niya nalaman? did she.. read my mind? No it's impossible...

“Yeah... Nababasa ko ang isip mo”

Napatayo ako dahil sa sinabi niya, wth!!?..

“Nasan ako? Anong lugar to?”-tanong ko...

“Nakita kita dun sa gubat, sugatan, at walang malay, kaya dinala nalang kita dito sa bahay ko para gamutin”-pagpapaliwanag nito sakin, nawalan lang pala ako ng malay, buti hindi pa ako namatay tss masamang damo mahirap mamatay... 

“Maayos naba pakiramdam mo? Wala nabang masakit sayo?”-umiling lang ako sa tanong niya, tiningnan ko yung tagiliran ko pero nagulat ako ng wala akong makitang sugat duon, it's healed?

“Pano nawala yung sugat ko dito? Anong ginawa mo?”-kunot noo kung tanong sa kaniya, impossibleng wala man lng naiwan na palatandaan, ang weird...

“Ginamot kita gamit ang kapangyarihan ko”

Tiningnan ko lang siya ng naka kunot ang noo, akala ko nag bibiro lang siya pero hindi ko makita sa mukha niya na nagbibiro siya sa sinabi niya...

“Are you serious? Magic? Pft HAHAHA, walang ganun! HAHAHAHA”-nakakatawa talaga, sumakit tuloy yung tiyan ko HAHAHA, anong magic!! it's just a fairytale! hindi yun totoo!

Magic don't exist!..

“Are you sure?”

“Magic don't...”-para akong naputulan ng dila dahil hindi ko maituloy ang sasabihin ko dahil sa nasaksihan ko...

“What the fucking hell!!!? Ano yan!!!? Pano mo nagawa yan!!? Is that some kind of trick!!?”-she transformed into a fairy?! She had those beautiful wings, at pinapalibutan siya ng mga paruparu!!?

“Woahh!!”-and now shes flying around the room, mabuti nalang malaki itong kwarto... Kinusot-kusot ko pa ang mga mata ko, baka dala lang ito ng pagod, pero hindi... Lumilipad talaga siya!!

Bumalik siya dito sa pwesto ko at biglang naglaho ang kaniyang pakpak, and she's back to his normal form...
Napahawak nalang ako sa ulo ko at pilit na pinoprosseso ang mga nangyari at nakita ko...

“So.. naniniwala kana?”-tumingin lang ako sa kaniya, at umupo ako pabalik sa kama...

“Anong klaseng lugar to?”-tulala kung tanong sa kaniya...

“Andito ka sa Magic Land, lugar na kung saan puno ng mahika, at kakaibang nilalang ”-tumango tango lang ako sa sinabi niya, but still I can't believe it...

“Pano ka napunta dito? Nakakapag taka, panong isang mortal na katulad mo ay nakapunta dito”-napatingin ako sa kaniya dahil sa sinabi niya...

“Pumasok ako sa portal”-diretsang sabi ko..

“Ano?Portal? Impossible, hindi basta basta makakapasok ang isang mortal dito”-kunot noo ko siyang tiningnan dahil sa sinabi niya...

“Ano ibig mong sabihin?”-kunot noo kung tanong...

“Walang kahit sinong mortal ang nakakakita ng portal patungo dito, Only Immortals can see the portal, at hindi mortal dahil wala silang kakayahan o kapangyarihan, kaya nakakapag taka kung bakit nakapasok ka sa portal”- may na alala ako sa sinabi niya...
Nung nasa portal ako, at hinahabol ako ng mga lalaki, nag taka rin ako nun kasi hindi nila ako pinigilan na pumasok sa portal, so ibig sabihin... Ako lang ang nakakita ng portal nayun!!?...

“Wala naman akong kapangyarihan, so how did this happened?”-tumayo ako at tumingin sa labas ng bintana, it's so peaceful ...

“Pwede ko bang hawakan kamay mo?”-walang pag dadalawang isip binigay ko sa kaniya ang kamay ko...

Nang mahawakan niya ang kamay ko, biglang umilaw ang kaniyang mga mata na tila ba meron siyang nakikita, sa subrang gulat bigla kong binawi ang kamay ko..

“Ikaw ang babaeng sinasabi sa propesiya”









The Door To Magic Land Where stories live. Discover now